Inday TrendingInday Trending
Nasanay ang mga Anak ng Single Father na Ito na Palabiro at Masayahin Siya, Hindi Nila Alam na May Iniinda na Pala Itong Problema

Nasanay ang mga Anak ng Single Father na Ito na Palabiro at Masayahin Siya, Hindi Nila Alam na May Iniinda na Pala Itong Problema

“Alam niyo ba kung paano magjoke ang manok?” tanong ng amang si Mang Hulyo sa kanyang mga anak. “Paano ‘Tay?” tanong ng kanyang bunso na halatang inaabangan na naman ang panibagong joke ng ama. “Hay naku, magjojoke na naman ng corny si Tatay!” salungat ng kanyang panganay na anak. Ngunit sa kabila noon ay halata pa rin sa mukha nito na excited makinig sa joke ng ama. “So ito na nga ang sagot,” kunwaring excited. “Kapag nag-joke ang manok…” “Edi, joke joke joke joke joke!” ika ng ama na ginaya pa ang pagtilaok ng manok. Wala ‘ni isang natawa sa joke ni Mang Hulyo. Dahil doon ay napakamot siya sa ulo at tulalang inisip sa sarili kung ano ang hindi nakakatawang parte sa joke niya, “Wala namang hindi nakakatawa sa joke ko ah?” Doon tuluyang natawa ang kanyang mga anak. Sa inosenteng mukha ng kanilang ama nang mapagtanto nito sa wakas kung gaano kakorni ang biro. Pero sa kabila ng pagiging corny nito, ay masaya pa rin sila sa kaalaman kung gaano sila kaswerte sa hindi lamang mabait, kundi palabiro nilang tatay. Isang single father si Mang Hulyo kung kaya naman halos hindi lang dalawa ang tintayuang papel niya sa pamilya. Bukod sa pagiging tatay at nanay, siya na rin ang clown, cook, at houseboy para sa kanyang mga anak. Kailangan niya ring gampanan ang dalawang personalidad sa mga anak. At ito ay ang pagiging istrikto at seryoso kung kinakailangan, ngunit madalas ay pagiging palabiro dahil gusto niyang maging malapit ang loob ng mga ito sa kanya. Na hangga’t maaari ay best friend ang turing sa kanya ng mga anak na pwedeng sabihan ng problema, nakakatawanan at nakakagaangang-loob. Ngunit kahit ilang taon na silang hiwalay ng asawa ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na mamiss ito paminsan-minsan lalo na ngayon na di-sinasadyang nakita niya itong naglalakad kasama ang bagong kinakasama. Tila kaysakit sa pusong makita ang dating misis na may kahawak-kamay nang iba. Nang dahil lamang sa maliliit na away nila noon, pinalaki at sa hiwalayan lang nauwi ang lahat. Hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha niya habang nakatingin sa papalayong dating asawa. Tulala siya hanggang sa makauwi ng bahay. Nakita niya ang mga anak na nanunuod ng telebisyon. Gusto niya sanang magsabi ng nadarama sa mga ito ngunit naunahan siya ng hiya. “Hayaan ko nalang na magtanong sila.” Ngunit ika nga ng nakararami, “Kapag nasanay ang iba na palabiro ka’t palaging nakatawa, hindi na rin sila maniniwalang malungkot ka.” Kaya naman nang gabing iyon, sinarili niya ang problema’t pagiging malungkot. Wala man ‘ni isa sa mga anak niya ang nagtanong kung ayos lang ba siya, idinaan niya nalang sa ngiti ang lahat, tulad ng dati. Pero nagkamali siya. Dahil habang mag-isa siyang natutulog sa kanyang kwarto ay nakarinig siya ng pagkanta ng kanyang mga anak na may dala-dalang cake. Kinakantahan siya ng mga ito. “Happy father’s day Papa!” Tuwang-tuwa si Mang Hulyo habang naririnig ang pagkanta ng kanyang mga anak. Napaiyak rin siya sa mga sumunod na sinabi nito, “Tay, alam po naming malungkot kayo. Pasensya na po kung hindi na namin natanong kasi inaalala namin na baka malungkot lang kayo lalo.” “Oo nga po ‘Tay, kaya sana huwag na po kayo malungkot. Nandito naman po kami palagi sa tabi niyo. Mahal na mahal ka po namin ‘Tay!” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement