Inday TrendingInday Trending
Kinamuhian ng Babae ang Tatay Niya Dahil Pinakasalan Nito ang Kanyang Tiyahin, Nakakaiyak Pala ang Pinagdaanan ng Dalawa

Kinamuhian ng Babae ang Tatay Niya Dahil Pinakasalan Nito ang Kanyang Tiyahin, Nakakaiyak Pala ang Pinagdaanan ng Dalawa

Limang taon na ang lumipas mula nang umalis si Mika sa bahay nila. Ayaw niya nang bumalik pa dahil hindi maatim ng sikmura niya na nagsasama na ngayon ang kanyang ama at ang kanyang tiya. Nakakadiri!

Hindi niya makakalimutan ang nangyari matapos pumanaw ng kanyang ina. Pinakasalan ng ama niya ang babae, hindi man lang inirespeto ang kaluluwa ng mommy niya. Marami naming iba, bakit tita niya pa?

Para sa kanya ay isa iyong pagtataksil. Dahil sa napakabilis ng mga pangyayari, iniisip ng dalaga na matagal nang may namamagitan sa kanila bago pa man mawala ang kanyang ina.

Pilit siyang tinawagan at hinahanap ng kanyang ama mula nang umalis siya. Ngunit, hindi niya ito sinasagot. Nalaman niya rin na ang kanyang tiyahin ay pinuntahan siya sa kanyang trabaho noon kaya naghanap siya agad ng bagong trabaho sa ibang lugar.

Tinawagan rin siya ng tiyahin gamit ang ibang number kaya nasagot ni Mika ang tawag.

“Hello? Sino to?” sagot niya.

“Mika, ang tita mo ito, maaari ba tayong mag-usap?” sabi ng ginang.

“Anong pag-uusapan natin?! Wala tayong dapat pag-usapan!” sigaw niya sa kausap sa telepono.

“Naiintindihan ko kung hindi mo ako kakausapin, iha, pero sana kausapin mo ang papa mo,” pagmamakaawa nito sa kabilang linya.

“Wala rin kaming dapat pag-usapan ni papa, kinamumuhian ko kayo at ang ginagawa niyo! Di niyo na ni-respeto si mama!” sigaw niya bago ibaba ang tawag.

Anak, uwi ka na, please

Walang tigil ang pakikiusap ng kanyang ama sa text na sana’y umuwi siya kahit saglit lang.

Anak, pwede ka ba naming puntahan dyan sa tinutuluyan mo?

Anak, sana payagan mo akong bisitahin ka…

Anak, miss na miss ka na ni papa..

Iilan lamang yan sa mga mensaheng na-receive ni Mika galing sa kanyang nagmamakaawang papa.

Ngunit ni isa’y hindi niya sinasagot.

Ayaw niya mang aminin ay namimiss niya rin ang kanyang papa. Humuhupa na ang galit niya.

Nasa gitna siya ng pag iisip nang muling makatanggap ng text mula sa lalaki.

Anak, mag-60 na c papa. Bgyan m naman ako ng chance na magpaliwanag nak, pa-birthday mo nalang s akin

Ewan niya ba pero may nagdikta sa kanya-siguro ay ang kanyang puso, na umuwi na. Gusto niya na rin kasing makita ang lalaki, kahit gaano pa siya ka-disappointed rito,

Nagulat siya nang pag uwi niya at masilayan ang ama, napakalaki ng itinanda at ipinayat nito.

Naroon pa rin ang sakit na nararamdaman niya pero kagulat-gulat na wala na ang galit.

Nakatitig sa kanya ang lalaki.

“Alam kong marami kang tanong at iniisip kung bakit pinakasalan ko ang tita mo,” sabi nito sa kanya. “Dahil nandito ka na, walang mas magandang oras kundi ngayon para sabihin sayo ang totoo,”

“Ano ang totoo na sinasabi mo ‘Pa?” sagot niya.

“Hindi kita totoong anak, Mika, pero mahal na mahal kita na parang akin,” anang tatay niya.

Hindi naitago ang gulat sa mga mata ni Mika kaya’t hindi siya nakapagsalita.

Tahimik rin ang kanyang tatay at hinihintay kung may sasabihin siya. Pero tahimik lang si Mika kaya nagtuloy ito sa pagsasalita, “Noong binata palang ako, kami na ng tiyahin mo. N-Nabuntis ng iba ang nanay mo, ayaw maging responsible at hindi ka pinanagutan.” kwento nito.

Para maiwasan ang chismis at pag-uusap ng ibang tao laban sa mama mo at sa pamilya natin, pinakiusapan ako ng tita mo na pakasalan ang mama mo. Dahil mahal ko siya ay pumayag ako..at itinuring kitang akin.

Tapos, nagkasakit ang mama mo, at isa sa kanyang mga huling habilin ay ang pagbigyan naman raw naming ng tita mo ang aming mga sarili. Nakiusap siyang maikasal kami pagkatapos na pagkatapos ng kanyang libing. At ‘yon ang dahilan kung bakit parang mabilis ang lahat. Lahat ng ating mga kamag-anak ay alam ito maging iyong mga lolo at lola.”

Walang salita ang lumabas ng sinubukang buksan ni Mika ang kanyang bibig. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang sabihin.

Noong una ay sobrang galit at pagkalito ang naramdaman ng dalaga dahil pinili nilang ilihim sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Ngunit nang makita niyang masaya ang kanyang tatay nang sa wakas ay nakasama na ang totoong mahal ay nagging masaya na rin siya para sa mga ito.

“Pa, pasensya na kayo kung nagalit ako. Maraming salamat dahil isinakripisyo niyo ang kasiyahan ninyo para sa akin at kay mama,” naiiyak na sabi niya.

“Tita, pasensya na rin po kung may mga nasabi akong hindi maganda sa inyo. Sorry din po dahil hindi ko kayo sinubukang pakinggan noong mga panahong gusto niyo akong kausapin,” sabi nito sa kanyang tiya.

Hindi naiwasang mag-iyakan ng pamilya. Mula noon ay binuksan ni Mika ang puso niya para muling kilalanin ang kanyang tiyahin bilang nanay. Umuwi na rin siya sa kanilang bahay ng tuluyan kung saan mas maaalagaan narin niya ang kanyang tumatandang tatay.

Advertisement