Tinulungan ng Pobreng Mekaniko ang Isang Lalaki; Napakagandang Karma ang Ibabalik Nito sa Kanya
Dating mekaniko si Jimson. High school lamang ang kanyang natapos pero sobra siyang masikap sa buhay.
Para sa kanya, ang nakukuha niyang sweldo sa pagme-mekaniko ay hindi sumasapat sa pang araw-araw na kailangan niya at ng kanyang pamilya.
Kaya naman pinili niyang makipagsapalaran na mag-apply sa mga kumpanya. Bahala nang mapahiya, basta para sa pamailya.
“Sana naman matanggap na ako,” anito habang naghihintay ng tawag sa kanyang inaplayan.
Sa kabutihang palad, dalawang araw pa lang ay tinawagan na siya ng kumpanya. Swerte dahil hindi pinansin ng mga ito ang pinag-aralan niya.
“Hello. Good morning. I’m looking for Jimson,” anang babae sa kabilang linya.
“Good morning ho, ako po yun, sino po sila?” sagot naman niya.
“I’m Mia from J Industries and we would like to invite you tomorrow for an interview, are you available at 10am?” tanong ng babae.
“Yes po, I will be there tomorrow at 10. Naku, maraming salamat ho,” masayang sagot ni Jimson.
“Okay, sounds good. I will text you the details of this interview. And please don’t forget to be on your business attire,” huling bilin ng babae sa kabilang linya.
“Sige po, maraming salamat po ulit,” sagot ng lalaki.
At sa pagtapos ng kanilang paguusap, agad na naghanap ng maisusuot si Jimson. Ayaw niyang mapahiya sa kanyang interview para bukas kaya’t paghahandaan niyang maigi ito.
Nagsimula na rin siyang mag-aral ng mga maayos na isasagot sa mga posibleng itanong sa kanya.
Kinakabahan siya dahil hindi naman siya ganoon kagaling mag Ingles. Nakakaintindi naman siya at nakakapagsalita ng kaunti ngunit hindi katulad ng iba na dire-deretso.
Taimtim niya ring pinagdasal ang lahat ng mangyayari bukas.
Kahit halos hindi nakatulog ng maayos si Jimson ay mas nauna parin siyang nagising kaya sa alarm clock niya.
“O, kumain ka na. Damihan mo para makatulong sa pagsagot mo sa interview ha,” nakangiting sabi ng kanyang misis.
“Thank you, mahal,” sabi ng lalaki.
Nagbihis na siya ng puting longsleeves na plantsado at walang gusot. Itim na pang ibaba at malinis na sapatos.
“Mauuna na ako, mahal,” paalam niya sa asawa.
“Galingan mo ha, hayaan mo ang ibang nakakapag-ingles. Panigurado ako makikita naman nila na magaling ka sa magiging trabaho mo,” pinalakas ng kanyang misis ang loob niya.
Ngumiti si Jimson sa sinabi ng kanyang asawa. Unti-unting nawala ang kanyang kaba at napalitan ng saya.
Medyo malayo ang kailangang i-byahe ng lalaki papunta sa opisina kung saan ang kanyang interview. Isang oras at kalahati ang magiging tagal ng kanyang byahe kaya naman umalis siya ng napakaaga sa kanilang bahay para masigurong hindi siya male-late.
Habang siya’y nasa pila ng terminal ng bus, nakita niya ang isang lalaking tila namomroblema kung paano paaandarin ang tumirik na sasakyan. Sinisipa nito ang likod na gulong ng kotse dahil sa pagka-aburido.
At dahil hindi pa naman dumarating ang bus sa terminal ay naramdaman ni Jimson na kinakailangan niyang tulungan ang lalaking ito.
“Boss, kailangan niyo ng tulong?” tanong ni Jimson.
“Naku salamat ha, kanina pa kasi ako dito e,” sagot naman ng lalaki.
Laking pasasalamat nito dahil mayroon pa ring katulad ni Jimson na tutulong sa kanya.
“Pare, bihis na bihis ah. Pasensya kana, madudungisan ka pa dahil sa pagtulong mo sa akin.” sabi nito.
“Ah, wala ito. May ano, may interview kasi ako ngayon. Hayaan mo na, mahalaga ay nakatulong ako. Siguro ay tulungan mo nalang akong magdasal na hindi nila pansinin ang kahinaan ko sa ingles at ang kabutihan ko ang makita nila,” birong totoo ni Jimson.
Inabot rin siya ng medyo matagal-tagal. Kaya naman noong tignan niya ang oras ay kanyang naisip na malabo nang makaabot siya sa tamang oras sa kanyang job interview.
Alam rin ng lalaki ng nasira niya ang mga plano ni Jimson kaya ninais niyang bigyan ng pabuya ang kabutihang ginawa nito. Ngunit tinanggihan ito ni Jimson.
“Naku pre, wag na, gusto ko rin namang tumulong kaya hindi mo na ako kailangang bayaran,” sagot nito.
“Alam kong importante sayo ang job interview mo. Okay lang bang ihatid nalang kita sa a-applyan mo? Baka umabot ka pa?” tanong ng lalaki.
Nahihiya man ay pumayag na rin si Jimson.
Mabilis silang sumakay sa kotse at nagmadaling umalis.
Muling nagpasalamat ang lalaki bago sila maghiwalay nito at bumaba si Jimson sa tapat ng building.
Nagmamadaling pumunta si Jimson sa waiting area kung saan nakita niyang napakaraming tao ang nag-aantay doon kasama niya. Dahil sa kilala ang kumpanyang ito, marami ang gustong makapapsok at makapagtrabaho dito.
Lahat ng kasabayan niyang aplikante ay mga nakaayos at nakadamit na pang opisina habang siya’y mayroon pang mga grasa sa kamay at damit.
Napabuntong hininga na lamang siya ng malaman na late ang boss kaya hindi pa nagsisimula ang interview.
Ilang minuto pang naghintay si Jimson at maya-maya ay nagsimula na rin ang interview. Isa-isang tinatawag ang mga umaasang aplikante at isa-isa ring silang lumalabas na malungkot dahil hindi sila natanggap.
Lalong kinabahan si Jimson dahil kailangang-kailangan niya talagang makapasa. Diyos ko, kung ang magagaling nga ay walang pag-asa, paano pa kaya siya? Baka pagpapakilala palang ng sarili sa ingles ay bagsak na siya kaagad.
Makalipas ang ilan pang minute, napapitlag siya nang tawagin na ang kanyang pangalan. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok.
“G-Goodmorning po. My name is Jimson-” hindi niya na natapos ang sasabihin nang makilala ang general manager na nakangiti sa harap niya ngayon.
Ang lalaking tinulungan niya kanina!
“Pasensya kana kung pinaghintay kita, pero sigurado akong tama ang desisyon kong maging parte ka ng aming kumpanya bago ka pa man pumasok sa kwartong ito. Alam kong isa’y isang katiwa-tiwalang staff! Congratulations sayo!” anito.
Hindi makapagsalita noong una si Jimson, ngunit ng kinamayan siya ng kanyang manager ay walang tigil ang kanyang pasasalamat.
Kahit na anong gawin natin, mabuti man o masama ay siguradong may ganti iyon. Kaya palagi nating piliing maging mabuti sa kapwa.