Inday TrendingInday Trending
Grabe Kung Mag-Bisyo ang Lalaki, Natauhan Lang Siya nang Makausap ang Isang Pulubi

Grabe Kung Mag-Bisyo ang Lalaki, Natauhan Lang Siya nang Makausap ang Isang Pulubi

Pauwi na noon si Mr. Ramirez. Habang siya’y naglalakad ay nagyoyosi. Para sa kanya ito na ang kanyang “Me time”.

Sa kanyang daan pauwi ay kinakailangan niyang dumaan sa plaza ng kanilang bayan at isang mabahong pulubi na may sira-sirang damit at laging namamalimos sa lugar.

Tuwing nakakita ito ng malilimusan ang tangi niyang linya ay, “Namamalimos po, alam ko mabait kayo, kahit barya lang.”

Kinamumuhian ni Mr. Ramirez ang ganitong klase ng mga tao – ang mga pulubi at hangga’t maaari ay iiwas siya sa mga ito. Pakiramdam niya kasi ay inutil ang mga ito, ayaw magbunot ng buto at umaasa sa iba para mabuhay. Kumbaga, mga perwisyo.

Noong araw na iyon ay iba ang ginawa niya nang Makita ang pulubi. Umupo siya sa tapat nito, “Hoy, ikaw. Gusto mo bang kumita ng pera?” mayabang na tanong niya.

Tumingala ang nakayukong ulo ng pulubi at tinignan ng may pagtataka ang lalaki, “O-oo syempre naman, gusto ko noon, pero-“, bago pa man matuloy ng pulubi ang kanyang sasabihin ay sumagot agad si Mr. Ramirez.

“Meron akong tatlong katanungan at pag tama ang sagot mo, bibigyan kita ng pera,” anito.

Tumango ang pulubi bilang pagsang ayon sa lalaki.

“Kaya ka ba pulubi ay dahil naninigarilyo, umiinom at sumusugal ka?” tanong nito.

Agad namang sumagot ang pulubi at sinabing, “Hindi ko ginagawa ang mga iyon at lahat ng iyon ay kinasusuklaman kong gawin”.

“Ayan! Tama yan!” sagot ni Mr. Ramirez.

At gaya ng kanyang pangako, binigyan niya ito ng isang libong piso.

Pero takang-taka ang pulubi sa tanong ng lalaki. At dahil nakita ni Mr. Ramirez ang tanong sa mga mata nito ay muli siyang nagpaliwanag.

“Ang totoo kasi niyan, yung asawa ko ay may factory. Siya ang pinakamataas sa kumpanyang iyon at ako ang manager niya. Mayaman kami at meron kaming mga milyones sa bank account namin. Kaso ang problema ay adik ako sa pag-inom, pagyosi at pagsugal. Ayaw na ayaw ng asawa ko na ginagawa ko ang mga ito.”

Lagi niyang sinasabi na itong tatlong ugali ko na ito ang magiging dahilan kung bakit ako magiging pulubi pag dating ng panahon,” dugtong pa nito.

Nakiusap si Mr. Ramirez na kapag dumaan sila ng kanyang misis bukas aa may plaza ay sabihin ang sagot na sinabi niya kani-kanina lang.

Kinabukasan, dinala niya ang kanyang asawa sa plaza para maglakad-lakad.

Habang papunta sa plaza ay marahang pinaalalahanan siya ng kanyang asawa na itigil na ang kanyang mga bisyo. Sagot naman ni Mr Ramirez, “Alam mo mayaman naman tayo, wag kang ma-alarma, bisyo lang to.”

Iritang-irita naman ang kanyang misis sa sagot niya.

Nang makita ng kanyang asawa ang pulubi ay sumigaw ito, “Pag hindi mo tinigilan ang bisyo mo, matutulad ka sa kanya,”.

“Alam mo, sigurado akong hindi pagyo-yosi, pag-inom at pagsugal ang dahilan kung bakit siya naging ganyan,” sagot niya.

“Kung hindi ka naniniwala, gumawa tayo ng pustahan,” matapang pang hamon niya.

Pumayag naman ang babae.

Nagpustahan sila na kapag totoong nagbisyo ang pulubi, ititigil na niya ang kanyang tatlong bisyo. Ngunit kapag ka hindi ito totoo, hindi na dapat siya kulitin ng kanyang asawang itigil ang mga ito.

Lumapit na sila sa pulubi para tanungin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Nagpanggap si Mr. Ramirez na hindi niya kilala ang pulubi at nag tanong ito, “Kaya ka ba naging ganyan ay dahil nagyo-yosi, nag-iinom at nagsusugal ka?”

Tumingin ang pulubi sa mag-asawa at sinabing, “Oo. May-ari ng kumpanya ang tatay ko noon. May dalawa kaming factory at isang supermarket. Noong panahon na iyon na napakayaman namin, hindi ko alam ang buhay mahirap. Biglang na-heart attack ang tatay ko at pumanaw. Kaya ako ang nagmana ng lahat ng kumpanya namin. Noong una ay okay naman hanggang sa ma-adik ako sa pagyo-yosi, pag-inom at pagsusugal,”

Patuloy niyang kinuwento na nawala ang kanilang kayamanan at business dahil sa pagsusugal. Nawala ang lahat sakanya kaya siya namamalimos na ngayon sa plaza.

Pakiramdam ni Mr. Ramirez ay niloko siya ng pulubu dahil hindi ito sumunod sa usapan.

Kinabukasan naisipang pumunta ni Mr. Ramirez sa pulubi at balak niya itong dahil sa hindi pagsunod sa kanilang usapan. Hindi na rin nagulat ang pulubi na dadaan ang lalaki para puntahan siya.

Tumayo ito agad at inabot ang isang libong piso na binigay sa kanya ni Mr. Ramirez. Ikinagulat naman iyon ng huli.

“Pasensya ka na kung hindi ako tumupad sa usapan, pero ikukwento ko sayo ang tunay na nangyari sa akin,” anito.

“Totoong pag-aadik ang nangyari sa akin kaya ako naging ganito maniwala ka,” pahabol pa nit.

Naniwala si Mr. Ramirez sa pulubi. Nag-abot siyang muli na isang libong piso para rito at nagpasalamat.

Simula noon tinigilan na niya ang pag-inom, pagyoyosi at pagsusugal dahil sa takot na baka siya’y matulad sa pulubi. Humingi rin siya ng kapatawaran sa kanyang asawa dahil sa hindi pakikinig dito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement