Inday TrendingInday Trending
Sinisi ng Dalagang Ito ang Ama Dahil sa Kahirapan ng Buhay, Nanlumo Siya nang Malaman ang Sakripisyong Inialay Nito Para sa Kanya

Sinisi ng Dalagang Ito ang Ama Dahil sa Kahirapan ng Buhay, Nanlumo Siya nang Malaman ang Sakripisyong Inialay Nito Para sa Kanya

“Bakit ba hindi ako makabili-bili ng gamit sa school?!” sigaw ni Sunny sa kanyang ama pagkagaling sa eskwela. Palagi kasi siyang nabubully sa eskwelahan dahil halos lahat ng gamit niya, kung hindi sira ay pinaglumaang gamit ng ibang tao. Kaya naman ganoon nalang kung pagtawanan siya sa school nila. At ngayon ay sinisisi niya ang ama sa kahirapang napapala nila. “Pasensya ka na, anak. Nagsisikap naman si Tatay para mabigay lahat ng gusto mo, talagang baon palang tayo sa utang na iniwan sa atin ng nanay mo.” Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang ginawang pagsama sa ibang lalaki ng kanyang iba habang may iniwang malaking utang na nakapangalan sa kanyang ama. Pero hindi niya pa rin maiwasang sisihin ang ama dahil doon, “Kung hindi ka kasi mahirap, Tay hindi sana tayo iiwan ni Nanay!” Hanggang sa lumaki siya ay ganoon pa rin ang galit niya sa kanyang ama. Kahit kasi may sarili na siyang trabaho ay nauubos pa rin iyon dahil sa pang-araw araw nilang pamumuhay. Humina na ang pagpepedicab ng kanyang ama kaya naman halos lahat ng bayarin sa bahay ay siya na ang nagbabayad. Galit na galit ang babae, paano naman kasi, dalaga pa siya pero dinaig niya pa ang may limang anak sa dami ng kanyang gastusin. Pakiramdam niya rin hindi siya ang dapat na nagsasakripisyo dahil di naman niya kasalanan na bigyan siya ng tatay niya ng lecheng buhay mahirap. “Ano ka ba naman ‘Tay?! Pati ba naman pedicab niyo at ibang gamit dito sa bahay binenta niyo? Ano bang pinaggagawa niyo sa buhay?!” inis na namang bulyaw niya sa amang malaki na ang itinanda. Parehong sagot pa rin ang narinig niya mula dito, “Pasensya ka na, anak.” Hindi na siya nakatiis. Lumayas nalang siya sa kanilang tahanan. Sa isip-isip niya, kung wala siguro sa piling niya ang ama ay mas maginhawa ang buhay niya. Ngunit ilang araw lang mula nang maglayas siya sa kanilang tahanan ay nabalitaan niyang namatay ito sa pagkakatulog. Inatake daw ito umano sa puso habang natutulog. Iyak siya nang iyak nang makita ang ama kabaong nito sa kanilang tahanan. Hindi niya akalaing aabutan niya ito sa ganitong sitwasyon. Lalo siyang nalugmok nang ibigay sa kanya ng tiyahin ang titulo ng isang bahay, “Pinilit ng ama mong makakuha kahit maliit na tahanan. Nang matapos niyang bayaran ang utang ng nanay mo. Nagpatulong siya sa akin na mag-ipon sa bangko. At nitong taon lang kinailangan niyang ibenta ang pedicab niya at ibang gamit sa bahay niyo.” “Kailangan kong madaliin ang pagbili ng bahay ng anak ko. Tumatanda na ako at nanghihina na.” Iyak nang iyak si Sunny sa narinig mula sa tiyahin. Hindi niya alam na ganito kalaking sakripisyo pala ang ginagawa ng ama para sa kanya. Labis-labis ang pagsisisi niya sa mga nagawang kasalanan dito.

Pagod na umupo si Sunny sa sofa ng kanyang tahanan, hindi man mayaman ay masasabing malaki na ang igininhawa ng kanyang buhay kumpara noon. Dito na kasi siya nakatira sa bahay na pinaghirapang itayo ng kanyang ama. Napasulyap siya sa litrato nitong nakasabit sa dingding at di niya namamalayang tumutulo na pala ang kanyang luha. Maling mali siya sa mga nagawa niya rito, sana naging mas mabuti pa siyang anak…Sana. Kung maibabalik niya lang ang mga panahon at oras na kasama niya ito, buong-puso siyang magpapasalamat at mamahalin ito nang lubusan, pero huli na ang lahat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement