Napakabuti ng Pakikitungo sa Kanya ng mga Katrabaho, May Itinatago Palang Sikreto ang mga Ito sa Kanya na Ikinagulat Niya
“Guys, sinong sasama mamaya para sa welcome party para kay Dennis?” Nagulat si Dennis nang marinig ang sinabi ng kanilang team leader sa kanyang mga kasamahan. Isang buwan palang kasi ang nakakalipas simula nang ma-hire siya sa trabaho. Kinabahan siya doon. Kaya naman nagkunwari siyang busy sa ginagawa. Ngunit hindi pa rin siya nakaligtas sa tawag ng kanyang team leader, “Ano, Dennis? Saan ba tayo mamaya?” Napakamot siya ng ulo, “Sorry boss, marami pa kasi akong kailangang tapusin dito sa trabaho. Baka next time nalang siguro.” “Party mo nga sana ito tapos ikaw pang wala.” Nahiya siya dito ngunit mas pinili niya pa ring tumanggi, “Sorry talaga boss. Hindi ko kasi pwedeng ipagpaliban ang trabaho ko.” Hindi niya alam kung bakit nahihiya siyang sabihin sa mga ito ang katotohanan. Kaya naman narinig niyang nagdesisyon ang mga ito na magpatuloy sa lakad nang hindi siya kasama, biniro pa nga siya ng mga ito na ikakain nalang daw siya ng pancit palabok dahil ayaw naman niyang papilit. Hinintay niya lang umalis ang mga ito bago siya tumayo at umalis sa opisina. Hindi naman talaga ganoon karami ang trabaho niya ngayong araw. Ang tunay na dahilan ay kapos siya palagi sa pera, hindi pa naibabawas ang perang ipanglilibre niya sa mga ito kung sakaling pumayag man siya kanina. Wala siyang palaging pera. Dahil ang bawat sinasahod niya ay kulang pa para sa panggamot ng nanay niya. Pero okay lang sa kanya yun dahil ang mahalaga ay ligtas at nakakasama niya ang pinakamamahal niyang ina, wala eh. Ganoon talaga ang buhay, naniniwala naman siyang hindi siya bibigyan ng pagsubok na hindi niya kaya. Kaya eto sya, ginagawa ang lahat para mapakiharapan ang laban ng buhay. Ngunit pag-uwi ni Dennis sa kanilang bahay ay nagtaka siya dahil madilim ang kanilang maliit na kabahayan. Nagtaka siyang pumasok doon, ah, baka naputulan na siya ng kuryente. Hindi pa kasi siya nagbabayad para sa ilaw. At ganoon nalang ang pagkagulat niya nang biglang bumukas ang ilaw, “Surprise!” Halos mapatalon siya nang makita ang kanyang team leader, ibang mga kasamahan sa trabaho, at ang kanyang ina na may kanya-kanyang hawak na cake, lobo at regalo. “Boss, akala ko magpaparty kayo sa labas?” Napangiti ang kanyang team leader, “Ano ka ba? Sinabi ko nga sayo, party mo ‘to kaya pwede bang mawala ka?” “Pero boss…” nahihiya siya dahil alam ng mga ito na nagsinungaling siya kanina. Nilapitan siya ng isang kasamahan at tinapik sa balikat, “Alam namin ang kalagayan mo, Dennis. Kaya sana huwag kang mahiyang mag-open sa amin ng mga problema mo. Nandito lang kami palagi para gabayan at tulungan ka.” Napangiti si Dennis. Hindi niya akalaing ganito kababait ang mga kasamahan niya sa trabaho. Napakaswerte niya sa mga ito at dahil doon ay pinangako niya sa sariling hindi na siya muling magsisinungaling sa mga ito. At mas lalong pag-iigihan pa ang pagtatrabaho at pakikitungo sa mga kasama. Tunay ngang hindi mabibili ng pera ang mga taong maituturing mong tunay na kaibigan, dahil sa pagpupursigi sa trabaho ay di nagtagal, na-promote ang lalaki. Alam niyang isa sa mga napagkuhanan niya ng motibasyon ay ang kanyang mababait na kasamahan sa trabaho, tatanawin niyang utang na loob yon sa mga ito. Unti unti ring umigi ang kalagayan ng kanyang ina dahil sapat na ang kinikita ni Dennis para sa mga maintenance niyang gamot. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.