Inday TrendingInday Trending
Kaawa-awa ang Pang-aapi ng mga Kaklase sa Fishball Vendor na Ito, Isang Napakalaking Supresa ang Naging Kapalit ng Kanyang Kabutihan

Kaawa-awa ang Pang-aapi ng mga Kaklase sa Fishball Vendor na Ito, Isang Napakalaking Supresa ang Naging Kapalit ng Kanyang Kabutihan

Hindi malilimutan ni Erina ang araw na pumanaw ang kanyang ama, parang gumuho ang buong mundo ng kanyang pamilya. Grade 6 siya nang mangyari iyon at kahit ngayon na nasa 2nd year high school na siya at halos dalawang taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Paano kasi, napakalaki nang nagbago mula nang mawala ang kanyang ama. Bukod sa nawalan na ng katuwang ang kaniyang ina na mag-alaga sa kanila, puro utang rin kasi ang naiwan nito at ang mahirap na nilang buhay noon ay lalo pang humirap ngayon. Tuwing break time ng dalaga ay tumutulong siya sa ina na magtinda ng fishball sa harap ng eskwelahan nila upang makabawi man lang dito, hindi naman siya pinapatulong ng babae pero kusang loob niya iyon. “Hayaan mo na ‘nay, kung nakikita tayo ng tatay magiging masaya iyon na kinakaya natin kahit wala siya at kahit mahirap ang buhay,” nakangiting sabi niya sa ina habang naghahalo ng fishball at kikiam na kakabuhos niya lang sa mantika. “Ikaw talaga, tiyak na panatag ang tatay mo kasi nandiyan ka para tulungan ako. Kung wala ka anak hindi ko na alam kung paano pa kami ng mga kapatid mo. Napakalakas ng loob mo.” sabi ng ginang na talaga namang nagagalak dahil napakabait ng kanyang anak. Ngumiti lang ang dalagita, ngiting agad na napawi nang mapansin niyang papalapit ang mga malditang kaklase. “Kaya pala malangsa sa classroom, may magfi-fishball pala!” mataray na sabi ng isa. “Kaya nga, hindi ka ba nagsasawa sa fishball? Ang mommy ko nga binabawalan ako niyan, kasi daw baka ma-hepa ako dahil marumi ang sawsawan. Nanay mo naman puro fishball pinapakain sayo!” matabil na sabi ulit ng isa pa, sinabayan pa ito ng tawa ng iba pa nitong kasama. Hindi na sana kikibo si Erina kaya lang ay nabanggit na ang nanay niya, ang nanay niyang wala namang malay. “Wag niyong idamay ang nanay ko Katrina ha.” matapang na sabi niya. Pinalalagpas niya ang araw araw na pang aasar ng mga ito sa kanya pero iba na ngayon dahil pati magulang niya na nagtatrabaho ng marangal ay isinasali ng mga ito. “Bakit? Lagot ba kami sa nanay mo, anong malay niyan? Eh mukha namang stupid ang mom mo!” sigaw ng isa pa kaya hindi na nakapagpigil si Erina at binato ito ng takip ng sawsawan. Doon na nagsimula ang gulo. Namalayan na lang ng mga bata na nasa principal’s office na nila at kaharap ngayon ang tiim bagang na punong guro. “Ma’am si Erina po kasi, napaka-cheap ng ugali. Palibhasa squammy.” nagpapaawang sabi ng kanyang kaklase. Hindi naman umiimik si Erina, taimtim siyang nagdarasal na sana ay huwag itong makasira sa kanyang record. Balak niya kasing kumuha ng scholarship para makapag aral ng kolehiyo, at isa sa requirement doon ay ang magagandang grado. Sa sobrang okupado ng kanyang isip ay di na niya napansin na nakaalis na pala ang mga kaklase at naiwan siya roon sa opisina ng principal. “Erina,” sabi ng principal at inilahad sa kanya ang isang papel. Naku po! Ito na yata ang makakasira sa record niya, kapag nangyari iyon ay di siya makakapag kolehiyo! “Ma’am! please naman, hindi na po mauulit, ayaw ko lang po talaga sanang pirmahan iyan kasi ma’am ang magandang record po ang pag-asa ko nalang na makapag-aral, please ma’am!” naiiyak na sabi niya. Natawa naman ang guro, nagtataka ang dalagita, ano ang nakakatawa? “Erina, nakita ko ang mga grades mo. Matataas, at ito ang unang beses na napunta ka rito. Alam ko rin na isa kang honor student, nakikita kitang nagtitinda ng fishball sa tapat kapag break time mo.” Ano ang sinasabi nito? “Humahanga ako sa tiyaga mo para lang makapag aral. Pirmahan mo na yan, katunayan iyan na simula ngayon ay bibigyan ka na ng financial assistance ng eskwelahan, parang scholarship na rin iyon hanggang makatapos ka ng highschool. Galingan mo hija, wag mong sayangin ang tiwala ko.” nakangiting sabi nito. Nanginginig ang kamay na pinirmahan ni Erina ang papel.

Lumipas ang maraming taon, pagbukas ni Erina ng pinto ay bumulaga sa kanya ang kanyang ina at mga kapatid, may dalang cake ang mga ito at nagluto ng mga pagkain ang nanay niya. “Congratulations ate!” sabi ng mga bata. Hindi makasalita ang babae, sobrang saya niya lang talaga ngayon. “Congratulations, naku tuwang tuwa siguro ang tatay mo, mayroon na kaming Nurse! Sino’ng mag aakala na hindi ka lang makakapasa, ikaw pa ang isa sa nakakuha ng mataas na score sa board exam, proud ako sayo anak!” naiiyak na sabi ng kanyang ina. Niyakap ni Erina ang kanyang pamilya, alam niya na sila ang dahilan kung bakit niya kinaya ang lahat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement