Ninakaw ng Lalaking Ito ang Ginawang Report ng Katrabaho Upang Ma-promote, Nang Maging Manager Siya’y Hindi Niya Kinaya ang Responsibilidad
Dalawang taon nang nagtatrabaho sa isang opisina sa Makati si George, wala siyang masyadong makasundo sa pinapasukan dahil napakamakasarili ng lalaki, tuwing nakikipagkwentuhan siya ay wala nang ibang ibinida kung hindi ang sarili niya. Wala siyang masyadong pakialam sa mga kasamahan, siya ang tipo ng tao na kayang mang-apak ng iba para sa pansariling kaunlaran. “Uy Jerold, ang galing ng report na pinabasa mo sa akin, grabe. Sigurado kapag nakita ni Sir yan ikaw ang mapipiling manager.” narinig ni George na binati ng isa pang kasamahan si Jerold, ang katabi niya. “Salamat pre.” nakangiting sabi ng lalaki. Napaismid si George, kahit kailan talaga ay hadlang si Jerold sa kanyang hinahangad na promotion, masyado kasing bida bida ang lalaki. Hindi niya man maamin sa sarili pero mas magaling talaga ito kaysa sa kanya. Kailangan niyang gumawa ng paraan, kailangang siya ang mapili na maging bagong manager. Hinintay niya ang lunch break dahil alam niyang magkakasamang kakain sa labas ang mga kasamahan kasama si Jerold, sinuswerte siya dahil naiwan ng lalaki na nakabukas ang laptop nito. Pinakialaman niya ang report na ginawa ng lalaki at inilipat iyon sa kanyang laptop. Tapos ay binura niya na, pinalitan niya ng pangalan niya ang report. Inangkin niya ito. Dumating ang araw na ipapakita na nila sa boss ang mga report na ginawa nila, taas noo si George habang binabasa ang kanyang gawa. Napapalakpak ang kanilang boss pagkatapos niya, nagbubulung bulungan naman ang ibang empleyado at gulat na nakatingin lang si Jerold pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya, ay magiging manager na siya. Sigurado iyon dahil halata naman na bilib na bilib ang kanilang boss sa ginawa niya, kahit pa hindi naman talaga siya ang may ari noon. “Congratulations George! You did a good job, halatang halata na alam mo ang takbo ng negosyo. Ikaw ang gusto kong maging manager dito.” sabi ng boss at kinamayan siya. Ngumisi siya, napansin niyang nag walk out si Jerold. Makalipas ang dalawang linggo. Hindi magkandaugaga si George, isa na siyang ganap na manager ngayon at di niya alam kung paano tatapusin ang mga gawain. Ilang beses na siyang napagalitan ng boss niya dahil sa tao niya naibubuhos ang kanyang stress at init ng ulo. “Ah! bwisit!” padabog na sabi niya sabay inihagis ang mga papel sa mesa. “Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganyan ka. Base sa report na ginawa mo, alam na alam mo ang ginagawa ng isang manager, bakit parang nangangapa ka ngayon?” sabi ng kanyang boss dahil naabutan siya nito sa ganoong sitwasyon. Biglang tumayo si George at nagsalita, “Sir, I resign. Si Jerold po dapat dito.” iyon lang at lumabas na siya, naiwang nakatulala ang amo. Habang naglalakad pauwi ay naisip ni George na hindi tamang madaliin ang mga bagay, kung para sa kanya ay para sa kanya. At kung may gusto siyang makamit, dapat lamang na paghirapan niya iyon. Dahil hindi masarap namnamin ang tagumpay kung hindi naman ito pinagpaguran. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.