Ibinenta ng Tatay na Ito ang Kanyang Anak Dahil Ayaw Nito sa Kanya; Isang Babae ang Dadating at Makakapagpabago ng Buhay Niya
Isang batang babaeng nagngangalang Kath ang may napakamasalimuot na buhay dahil ang kanyang sariling tatay ay ayaw siyang mahalin bilang anak.
Nang buntis ang asawa ni Lito, gustong-gusto na niyang magkaroon ng anak na lalaki. Kaya naman panay ang sisi niya kay Kath noong nagkasakit ang asawa niya matapos niyang ipanganak ang batang babae.
Nang si Kath ay anim na taong gulang, mas naging malala ang kanyang sitwasyon dahil pumanaw na ang kanyang nanay. Naiwan siya sa kamay ng kanyang makasariling tatay.
Naaalala niya pa ang araw ng mawala ang kanyang nanay. Habang siya’y nasa tabi ng malamig na labi ng kanyang nanay, ang kanyang tatay naman ay lasing na lasing at kagagaling lamang sa inuman.
“Wala na ang nanay mo! ‘Wag ka ngang iyak nang iyak d’yan! Wala namang kwenta ang pag-iyak mo dahil ‘di na mabubuhay ang nanay mo!” bulyaw nito sa kawawang bata.
“Kung sana hindi ka na lang naipanganak e ‘di sana buhay pa siya!” dagdag pa niya.
Sobrang sakit nito para kay Kath ngunit hindi na lamang siya sumagot sa takot na baka masaktan lang siya ng kanyang tatay.
Pagkatapos lamang ng libing ay nag-uwi ng babae ang kanyang tatay. Isang byuda na kilalang-kilalang malandi ng mga kapitbahay.
Sa kasamaang palad ay lalo pang lumala ang sitwasyon ng bata nang dumating ang kanyang bagong nanay.
Ayaw sa kanya ng bagong babae ng kanyang tatay.
Isang araw ay kanyang nalaman na ibinenta pala siya ng kanyang tatay at bagong nanay sa isang lalaki para sa mabilisang pera.
Si Kath, na halos mag ka-katorse pa lamang ay umiyak nang umiyak sa kanyang mga magulang habang nagmamakaawa na sana ay ‘wag siyang ipakasal sa taong hindi naman niya kilala.
Ngunit, nasa mag-asawa na pala ang perang binayad ng matandang lalaki, at wala na itong atrasan pa.
“Parang awa niyo na po pa! Aalis na lang po ako dito pero ‘wag niyo naman po akong ibenta!” naiiyak na sigaw nito.
“Tumigil ka nga! Ang ingay mo! Manahimik ka dyan!” sigaw ng kanyang bagong ina.
“Baka masampal kita ha! Manahimik ka!” dagdag pa ng kanyang tatay.
Napakaswerte niya nang biglang dumating ang kanyang tiyahin bago pa man sila umalis ng kanilang bahay para ihatid si Kath sa bahay ng matandang lalaki.
Mabilis ang balita sa kanilang lugar. Kaya’t nang malaman ng kanyang tiyahin na ibebenta ang kanyang pamangkin, alam niya sa kanyang sarili na dapat ay may gawin siya.
Mula noon, naniharan si Kath kasama ng kanyang tiyahin. Kahit halos walang pera ang tiyahin ay hindi ito nagreklamo.
Mas nagtrabaho pa siya ng mabuti para makasigurong ang pamangkin niya ay makakapag-aral at mabibigay niya ang lahat ng kailangan.
Lumipas ang panahon at panahon na para mag-enroll sa kolehiyo si Kath at ang kanyang pinsan.
Ngunit, hindi na kakayanin ng kanyang tiyahin na pag-aralin sila parehas.
Nakapagdesisyon na si Kath na magtrabaho na lamang para makatulong sa kanyang tiyahin. Pero mismong ang kanyang pinsan ang nagsabi na si Kath dapat ang magpatuloy sa pag-aaral.
“Ano ka ba ‘insan, ikaw na lang ang mag-aral ‘no! Sayang ang talino mo at mas masipag ka kaya!” sabi ng binata sa kanyang pinsan.
Ayaw man tanggapin ni Kath ang alok ng pinsan, ngunit nakahanap na rin pala siya ng trabaho.
Alam ni Kath na ang pinsan at ang tiyahin niya ay napakaraming sakripisyong binigay sa kanya kaya’t nangako siya sa kanyang sarili na ibabalik niya ang lahat ng kabutihang binigay sakanya.
Dahil sa kanyang kasipagan, naka-graduate siya ng kolehiyo bilang top sa kanilang klase.
Kaya naman, hindi nakakagulat na siya’y nakakuha ng napakagandang trabaho sa isang bangko. Hindi rin nagtagal at na promote siya bilang isang manager dito.
Napakaganda na ng buhay ni Kath at lahat ng ito ay dahil sa pagligtas sa kanya ng kanyang tiyahin. Kung hindi dahil sa kanyang tiyahin ay baka nasa kung saang impyerno na siya ngayon.
“Tita, lapit na birthday niyo ha? May gusto po ba kayo?” tanong ng dalaga sa kanyang tiyahin.
“Naku, ikaw talagang bata ka! Ayos lang ako no, ‘wag mo akong intindihin. Mahalaga sa akin ang makita kayo ng Kuya Toper mo na malusog at maayos ang buhay,” nakangiting sagot niya.
“Si tita talaga! Syempre maayos ang buhay namin ‘no, ikaw ang nag-alaga sa amin eh,” at niyakap niya ang kanyang tiyahin habang palihim na lumuluha.
“Alam ko na tita, kakain tayo sa labas ha, bibilhan kita ng magandang damit, syempre kailangan prinsesa ka nun ha! Bawal tumanggi!” nakangiting sabi ni Kath.
Ngumit na lamang ang kanyang tiyahin dahil alam niyang di na siya makakalaban sa mapilit niyang pamangkin.
Para kay Kath, hindi sapat ang pagkain sa labas at pagbili ng magandang damit sa kanyang tiya.
Kaya naman, bilang kabayaran sa lahat ng kabutihan ng kanyang tiyahin sa maraming taon, ay binilhin niya ito ng malaking bahay at kotse. Dito, silang tatlo kasama ng kanyang pinsan ay titira ng matiwasay.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!