Hiniwalayan ng Lalaki ang Nobyang Mataba, Nanginig Siya sa Pagsisisi nang Makita ang Malaking Pagbabago sa Babae
Nasa kolehiyo pa lamang si Jonas habang ang kanyang nobya na si Ariane naman ay nagtatrabaho na. Si Ariane ay bente kwatro na habang si Jonas naman ay bente pa lamang. Nagkakilala sila sa isang bar noon.
Habang kasama ni Jonas ang kanyang mga kaklase, si Ariane naman ay kasama rin ang kanya at sila’y nagce-celebrate ng kanilang pagtatapos ng kolehiyo.
“P’re ang ganda niya talaga. Kailangan bago matapos ang gabing ‘to ay nakausap ko na siya,” sabi ng binata sa kanyang kasamang kaibigan.
Mula pagkabata palagi nang napipiling muse sa klase ang dalaga. Palagi rin siya naisasali sa mga kompetisyon na pagandahan. Kung tatanungin ay hindi pa siya natatalo sa mga kompetisyong ito.
Mahaba at makintab ang kanyang buhok na hanggang bewang. Ang kanya namang katawan ay napakaganda rin ng hubog na mas kitang-kita kapag nagsusuot ito ng masisikip na damit.
At ilang minuto nga lang ang lumipas ay magkausap na ang dalawa.
Hindi natapos ang kanilang storya noong gabing iyon dahil mula nang magkakuhaan sila ng numero ay palagi na silang nagkakausap. Umaga, gabi, tanghali, madaling araw, nasa banyo, nasa klase, nasa trabaho man ay walang minutong hindi sila magkausap.
“Kumain ka na ba? Kain ka na ha, ‘wag kang magpapagutom,” paglalambing na paalala ng binata sa dalaga.
“Mamaya pa lunch ko eh, ikaw sige kain ka na, una ka na,” sagot naman ng dalaga.
“Naku, mamaya na. Sabay na tayo,” sagot ng binata sa dalaga na talaga namang nakikipaglandian pa.
Hindi nagtagal ay nagbunga ng maganda ang kanilang pagkakaibigan.
Habang sila’y nasa sinehan ay doon rin ibinigay ni Ariane ang kanyang matamis na oo.
Mula noon ay mas lalo pa silang naging mas malapit sa isa’t isa na halos lahat ng mga kaibigan nila ay tinutukso na sila.
“Ano ba naman kayo? Maghiwalay naman kayo, kanina pa kayo dikit na dikit ha!” natatawang sabi ng isa.
“Oo nga, o kaya naman, magpakasal na kayo,” sabi ng isa at tumawa ng malakas pagkatapos manukso.
“Ewan ko sa inyo!” palaging sagot ni Jonas habang siya ay natatawa na lang din.
Para sa dalawa ay sila na talaga ang nakatadhana sa isa’t isa. Wala na sigurong makakapaghiwalay sa dalawang ito.
Sabi nga ng mga kaibigan nila ay sila na talaga ang ‘perfect match’. At panigurado na pag nagkaroon sila ng mga anak ay napakagaganda at gwapo ng mga ito.
Tuwing sila ay nagde-date ay hilig nila ang kumain sa labas. Dahil dito, unti-unting nagkaroon ng mga taba-taba ang dating sexy na katawan ni Ariane.
Hinayaan lamang niya ito, dahil para sa kanya, mas masarap pa rin ang kumain.
“Mahal mo pa rin ba ako kahit mataba ako?” nag-aalalang tanong ng dalaga sa kanyang nobyo.
“Sus, ano ka ba naman! Hindi na kailangang tanungin yun, babe. Alam mo naman na ‘di kita iiwan kahit anong mangyari eh,” paglalambing na sagot ng binata.
“Sigurado ka ha?” nag-aalala pa rin ang tono ng dalaga.
Hindi na sumagot pa ang binata dahil alam niyang hahaba pa ang kanilang usapan kaya’t ngumiti nalang siya at hinalikan ang nobya sa noo.
Ngunit habang tumatagal ay mas nagiging mataba na si Ariana, hindi naman niya ito kinakabahala dahil para sa kanya ay maganda pa rin naman ang tingin sa kanya ng kanyang nobyo. Kaya naman ang lahat ng panunukso ng ibang tao ay hinahayaan niya lamang.
Pero mali pala ang inaakala niya.
Nagsimulang maging mailap ang kanyang nobyo. Hindi na ito kasingdalas makipagusap sa kanya katulad ng dati. Bihira na lamang niyang sunduin sa opisina si Ariane. Kapag sila ay naglalakad, hindi na niya hinahawak ang kamay ng nobya katulad ng dati.
“May problema ba tayo?” tanong ng dalaga.
At gaya ng inaasahan, itinanggi ito ng binata.
Nagpatuloy ang kanilang relasyon ngunit hindi na ito gaya ng dati.
“Ayoko na, hindi ko na kaya!” sigaw ng binata.
“Ha? Anong sinasabi mo, babe?” nalilitong tanong ng dalaga.
“Ayoko ng girlfriend na mataba, okay? ANG SAGWANG TINGNAN. HINDI KA NAMAN GANYAN DATI!” sigaw ng kanyang nobyo.
Labis na nasaktan ang dalaga sa sinabi ng nobyo. Ngunit imbis na siya ay magalit dito, pinangako na lamang niya sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating balingkinitang pangagatawan hindi para sa kanyang nobyo, ngunit para sa kanyang sarili.
Ang lahat ng sobrang oras niya ay binuhos niya sa pagpapapayat. At dahil doon ay unti-unti nang bumalik ang dati niyang pangangatawan.
Sa hindi inaasahang lugar pa nagkasalubong ang dating mag nobyo.
“Uy! Ariane! Dito ka rin pala nag-gi-gym?” tanong ng lalaki sa kanyang likuran.
Pagkalingon ng dalaga, nagulat siya dahil ito pala ang ex niyang si Jonas, ngunit hindi niya pinahalata ang pagkabigla.
“Uy! Ikaw pala yan, oo dito ako nagwo-workout matagal na,” nakangiting sagot ng dalaga.
“Ang sexy sexy mo na ulit ha!” ngiting-ngiting sabi ng binata na biglang nilapit ang katawan sa dalaga na para bang nilalandi niyang muli ito.
Umatras ang dalaga at sinabing, “Thank you, Jonas. Para ito sa sarili ko. Para maibalik ang dating ako.”
“Kaya nga eh, bilib nga ako sa iyo eh. Baka pwede rin nating ibalik ang dating tayo?” nakataas na kilay na tanong ng binata.
“Wala nang tayo, Jonas. Matagal na. Masaya ako sa buhay ko ngayon, kaya ‘wag na lang,” pagmamataas na sagot ng dalaga.
Napahiya si Jonas nang umalis na lamang bigla ang dati niyang nobya. Nalungkot siya ng maisip na sana ay hindi na lamang niya sinaktan ang dalaga. Nakita niyang tunay ngang masaya at kuntento na ang dalaga kaya minabuti niyang hindi na lang guluhin ito.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!