Inday TrendingInday Trending
Napakalaki ng Pagsisisi ng Lalaking Ito nang Mabasa ang Diary ng Ama na Binulyawan Niya Bago Bawian ng Buhay

Napakalaki ng Pagsisisi ng Lalaking Ito nang Mabasa ang Diary ng Ama na Binulyawan Niya Bago Bawian ng Buhay

Naiinis na umupo si Ferdie sa bangkong malapit sa bintana, napilitan siyang magleave sa trabaho dahil walang ibang magbabantay sa tatay niyang may sakit. Nagkaroon na ng komplikasyon ang sakit sa puso ng kanyang ama, nagsisimula na rin itong mag ulyanin kaya naman kung anu-ano na ang pinaggagagawa nito. “Ferdie, anak, ano yang nasa bintana?” tanong nito sa kanya na itinuro ang isang kalapating dumapo sa tapat ng bintana ng ospital. “Kalapati,” walang gana niyang sagot. “Ahh,” sabi lang ng matanda at tumahimik na. Hinimas naman ni Ferdie ang magkabilang sentido, hindi pwedeng magtagal siya rito. Tinext niya ang mga kapatid para salitan sila sa pagbabantay sa ama pero walang nagrereply sa kanya. May trabaho rin naman ang kanyang misis at wala na ang nanay nila. Kakainis naman,sa isip isip niya. “Ferdie, ano ba yang nasa bintana? Ayan, yung kulay puti?” tanong ulit ng matanda maya maya. “Kalapati nga, tatay naman eh.” naiinis na sabi niya. Tumango ang matanda at muling ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal, muli nanaman itong nagsalita. “Ferdie, ano ba yan? Ilang nakadapo sa bintana. “Kalapati nga! Ano ka ba naman tay! K-A-L-A-P-A-T-I ! Ibon! lumilipad, puti, kalapati!” sabi niya rito at lumabas na, padabog na isinara ang pinto. Kinahapunan ay nakatanggap siya ng tawag na wala na raw ang kanyang ama, nakahinga ng maluwag ang lalaki dahil sa wakas ay wala na silang kailangang problemahin. Masakit sa kanya ang pagkawala ng ama pero kung nahihirapan din naman ito sa kalagayan ay ayos na iyon. Pagkatapos ng libing ay nagsimula na silang iligpit ang mga gamit nito nang may makuhang lumang notebook ang asawa niya. Isa palang diary. “Pa, diary yata ng tatay.” sabi ng babae at iniabot sa kanya. Lumang-luma na ang diary at halatang iningatan ito, sa totoo lang ay ngayon niya lang nakitang may ganito pala ang kanyang ama. February 1988 dalawang taon pa lang si Ferdie, ubod ng daldal ng baby ko. Nakakatuwa kasi tatay ang unang salitang sinabi niya, naiinggit nga si nanay at tuwang tuwa naman ako. Ang cute cute ni Ferdie, kamukha ko. April 1988 Walang ibang ginawa ang anak ko kung hindi mangalikot ng mga bagay na hindi naman pwede sa kanya, habol nga kami ng habol kasi baka may maisubo at baka marumihan siya, natanggap na ako sa bago kong trabaho. Maibibili ko na rin si Ferdie ng laruang eroplano. Pero ang nakasulat sa sumunod na pahina, ang nagpatulo ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan. May 1988 Nakaupo kami ngayon ng anak ko sa balkonahe. May dumapong kalapati sa tapat namin, siguro ay mga sampung beses niya akong tinanong kung ano iyon, hahaha! hindi naman ako napagod sagutin siya, tuwang tuwa nga ako kahit paulit ulit ako sa ‘kalapati’. Kakasalita ko lang ay heto nanaman ang tanong niya, ‘tatay ano yan?’ sobrang cute talaga ni Ferdie. Gusto ko palagi kong hawak ang munti niyang mga kamay. Naikuyom ni Ferdie ang mga palad habang umiiyak, napakalaki ng kanyang pagsisisi pero huli na ang lahat. Wala na ang tatay niyang naging matiyaga sa kanya. Hindi na niya mababawi ang maraming taon na binalewala niya ito. Hindi na niya mapapadama dito kung gaano niya ito kamahal. Minsan, tayong mga anak talaga kapag mahina na ang mga magulang natin at wala nang pakinabang, nawawalan na rin tayo ng panahon sa kanila. At kapag makakalimutin at nag-uulyanin na sila, mabilis tayong nawawalan ng pasensya. Nakakalimutan natin ang lahat ng paghihirap nila sa pag-aaruga sa atin. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement