Nalulong sa Sugal ang Mag-asawa sa Pag-asang Mate-triple ang Kayamanan Nila, Hindi Nila Namamalayang Ubos na ang Kanilang Ari-arian
Araw-araw ay maagang nagigising ang mag-asawa upang mamili ng kakailanganin sa panciteria. Marami silang suki na gustong-gustong kumain ng masarap na luto ni Mang Delfin. Dating kusinero ang lalaki sa isang sikat at mamahaling restaurant sa Makati. Huminto ito sa trabaho nang magkaroon ng sariling panciteria. Magkatuwang na inaasikaso ng mag-asawa ang kanilang negosyo na parami na nang parami ang namimili dahil masarap ang pancit. Sa simula ay silang mag asawa ang nagtutulungan ngunit ng lumaon ay kumuha na sila ng dalawang katulong. Wala nang mahihiling pa sa buhay ang mag asawang Delfin at Karla, hanggang minsan ay naimbitahan sila ng isang kaibigan na pumunta sa casino. “Yes! 5,000!” tuwang-tuwang sigaw ni Delfin, pumapalakpak rin naman sa saya si Karla. Hindi nila akalain na sa loob ng ilang minuto ay mananalo agad sila. Doon nagsimulang maadik sa sugal ang mag- asawa. Palagi sila sa casino at madaling araw na kung umuwi. “Sir, medyo kumonti po ang bumibili sa atin nitong nakaraang Linggo, hinahanap po yata ang luto nyo,” sabi ng isang katulong kay Delfin. “Hayaan mo na Vic, busy lang kami ng Ma’am mo, makakabawi pa yan.” walang pakialam na sagot ni Delfin. “Tsaka inilista na ni Sir mo ang recipe ng pancit hindi nyo pa ba nakukuha? Kaya nga dalawa kayong katulong dyan para magtulungan kayo.” mataray na sermon naman ni Karla. Hindi na pinansin ng katulong ang mag asawa na noo’y naghahanda na naman papuntang casino, sa loob ng sampung araw ay sunud sunod ang panalo nila. Mas mabilis ang pera dito kaysa sa pagtitinda ng pancit. Nagsimula na silang matalo, pero hindi sumuko ang mag asawa. Halos lahat ng meron sila ay ipinupusta nila sa pag-asang tutubo sila ng mabilisan sa sugal na kinagigiliwan. “Pa, may alahas pa ako. Gusto mo isanla natin para makabawi tayo. Pag nanalo tayo ti-triple yan,” puno ng pag-asang sabi ni Karla. Sumang ayon naman ang lalaki at sinimulan na nilang magsanla ng alahas, hanggang napunta na sa pagbebenta ng gamit para lang ‘makabawi’. Hindi nila namamalayan na unti unti na silang lumulubog. Pa-hina na rin ng pa-hina ang panciteria. Hindi nagtagal, ang bahay nila na dati ay puno ng gamit, ngayon ay halos wala nang laman kundi ang maliit na radyo at lumang kama. Sira ang aircon na hindi na naipa-repair dahil sa kawalan ng pera. Nagsara na ang panciteria. Ang panciteria na matagal nilang pinaghirapang itayo. Napagtanto na lamang nilang ang nag-iisang katuparan ng kanilang mga pangarap ay nawala dahil sa pagkalulong nila sa sugal. Malungkot na nakatanaw sa kawalan ang mag-asawa. Sana ay nakakakain sila ngayon ng sapat kung hindi lamang sila nalulong sa sugal. Hindi na nila malaman kung paano pa makakabangon sa pagkalugmok na ito. Kung sana’y naging kontento sila sa kung anong biyayang meron sila at kung sana ay pinahalagahan nila ang nag-iisang negosyo na bumubuhay sa kanila, hindi ito mangyayari. Wala talagang mai-dudulot na kabutihan ang sugal. Ang pagiging mayaman, hindi yan nakukuha ng mabilisan. Pinaghihirapan yan. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.