Inday TrendingInday Trending
Mula nang Makita ang Isang Lalaking Nakatitig sa Kanila ng Kanyang Kapatid, Hindi na Niya Muling Hiniling sa Kanilang Tatay na Kumain Pa sa Labas

Mula nang Makita ang Isang Lalaking Nakatitig sa Kanila ng Kanyang Kapatid, Hindi na Niya Muling Hiniling sa Kanilang Tatay na Kumain Pa sa Labas

Bata pa lamang si Ricky ay hindi na nila kasama ang kanilang ina. Pumanaw ang nanay nito dahil sa isang sakit. At dahil mahirap ang buhay ay hindi na nagawang maipagamot pa ng kanyang tatay ang kanyang nanay.

Ang kanyang tatay ang naiwan at nagtaguyod sa kanya at sa dalawa pa niyang kapatid na babae.

Malungkot man ang kanyang tatay sa pagkawala ng kanyang asawa ay naging inspirasyon niya ang kanyang mga anak para magpatuloy.

“Oh, mag iingat kayo ha, at mag-aral ng mabuti!” palaging paalala niya sa kanyang mga anak tuwing papasok sa eskwelahan sa umaga.

Sina Ricky ay nakatira malapit sa isang fast food na Jollibee. Inggit na inggit siya sa kanyang mga kaklaseng palaging nakakapunta doon. Samantalang hindi pa siya nakakapasok at nakakabili ng kahit anong pagkain doon dahil hindi na kakayanin ng pera ng kanyang tatay.

Para sa kanya, high school na siya ngunit hindi parin niya nalalahasan ang pagkain doon. Hindi kalakihan ang kinikita ng kanyang tatay sa pagiging construction worker. Madalas ay nagkukulang pa rin ito para sa kanilang apat.

Kaya naman ay namasukan din bilang janitor sa isang building ang kanyang tatay para pangdagdag sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Ngunit dahil nakikita ni Ricky na dalawa ang trabaho ng kanyang tatay, akala niya’y mayroon na silang sobra-sobrang pera.

Nagiging madalas na ang pagpilit niya sa kanyang tatay na sana ay dalhin na sila sa Jollibee.

“Sige na pa, kahit yung spaghetti lang nila,” anito.

“Ako po kahit yung french fries lang nila,” sabi ng kanyang pangalawang kapatid.

“Ako papa gusto ko ng chicken joy!” sigaw naman ng kanilang bunso.

Ngunit sa tuwing sila ay mamimilit palagi na lamang sagot ng kanilang tatay ay, “Pasensya na mga anak. Pangako, ‘pag nagkapera ay dadalhin ko kayo doon.”

Isang araw nagulat sila ng nag-aya ang kanilang tatay na dalhin sila sa fast food.

“Magbihis na kayo, pupunta na tayo sa gusto niyong kainan!” nakangiting balita niya sa kanyang mga anak.

Napakasaya nila ng malaman na makakakain na sila sa Jollibee, sa wakas!

Sila’y nagbihis ng kanilang mga pinakamagagandang damit at nagsuot ng pinakamaayos na sapatos.

Sila na nga ata ang mga pinakamasasayang bata ng araw na iyon.

At nang sila ay nasa Jollibee na, habang ang mga magkakapatid ay nakaupo na, ang kanilang tatay ay umorder na.

Isang chicken joy at spaghetti para sa lahat ang kanyang binili.

Habang siya’y papalapit sa lamesa kung nasaan ang kanyang mga anak, kitang kita ang mga mata nilang halos maiyak sa sobrang tuwa.

“Oh pa, nasaan yung sa’yo?” ani ni Ricky.

“Mamaya na ko kakain, ‘nak. May dadaanan pa kasi ako,” sagot niya.

“Ay ganun po ba? Eh paano kami dito pa?” tanong ng kanilang bunso.

“’Wag kayong aalis dito hangga’t ‘di ako bumabalik ha,” bilin ng kanilang tatay.

“Sige po pa,” sagot ni Ricky habang nakatingin sa kanyang kinakain.

Hindi na rin nila namalayan na kanina pa pala nakaalis ang kanilang tatay.

Mga ilang minuto pang nagsisikainan ang magkakapatid. Lasap na lasap nila ang bawat kagat dahil nga naman ito ay ang unang beses nilang kumain dito.

Ngunit habang sila ay kumakain, napansin ni Ricky ang isang pamilyar na taong nakatayo sa labas ng Jollibee.

Isang sigarilyo ang nasa kanyang kamay, habang siya’y nakatitig sa kanilang magkakapatid.

Doon niya napansin na ang kanyang tatay pala ito. Nang sana ay tatawagin na niya ang kanyang papa, tinaas agad niya ang kanyang hintuturo at nilapat sa labi para sabihing wag na niyang banggitin sa kanyang mga kapatid na nasa labas lang ang kanilang tatay.

At doon naisip ni Ricky na ang pera pala ng kanyang tatay ay sapat lang para bilhin ang gusto ng magkakapatid.

Simula noon, hindi na nag-aaya pa si Ricky na kumain sa Jollibee o kahit saan pa man. Naintindihan na niya mula noong ng mga oras na iyon na pinaghihirapan ng kanyang tatay ang bawat sentimo na kanyang kinikita.

“Pa, pasensya ka na. Hindi ko po alam,” naiiyak na sabi nito sa kanyang tatay.

Hindi na nagsalita pa ang kanyang ama at niyakap na lamang silang magkakapatid.

Kaya naman simula noon ay nagsipag mag-aral si Ricky. Hindi na rin nakakagulat na siya’y nakatapos ng pag-aaral.

Kaya noong siya’y nagsimula nang kumita ng pera para sa sarili, siya na palagi ang nagluluto para sa kanyang pamilya at tumutulong din siya sa gawaing bahay ‘pag wala siyang pasok sa trabaho.

“Pa, alam kong maraming panahon kang nagi-guilty dahil hindi mo kami nabigyan ng madaling buhay,” sabi nito sa kanyang tatay.

“Pero ‘wag kang mag-alala pa, alam kong sobra-sobra kang nagpakahirap sa pagtatrabaho. Kaya panahon na para bumawi kami sayo. At gusto kong malaman mong ikaw ang the best na tatay na nakilala ko,” dagdag niya.

Pinatigil na noon ni Ricky ang kanyang tatay sa pagtatrabaho at kanyang inako na ang lahat ng responsibilidad hanggang sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid. Madalas din ay niyayaya niya ang buong pamilya nila na kumain sa Jollibee upang magsalo-salo at balikan ang kanilang pinagmulan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement