Inday TrendingInday Trending
Halos Araw-Araw na Lamang Nale-late ang Studyanteng Ito, Nabigla ang Kanyang Guro nang Malaman ang Tunay na Dahilan

Halos Araw-Araw na Lamang Nale-late ang Studyanteng Ito, Nabigla ang Kanyang Guro nang Malaman ang Tunay na Dahilan

Sa lahat ng guro sa Mabuhay Elementary School, si Ms. Sanchez na ang pinaniniwalaang pinaka-strikto.

May mga nagsasabi na kaya siya ganoon ay dahil tumatanda siyang walang asawa. Ang sabi naman ng iba ay dahil talagang maraming pasaway sa klase niya kaya kailangan niyang maging suplada at matapang.

Kaya naman, dahil sa kanyang reputasyon ay kinatatakutan siya ng mga bagong hawak niyang klase.

“Ayoko talagang maging adviser si Ms Sanchez,” isa sa mga studyanteng maririnig mo.

“Ay oo grabe daw yan, terror daw kung terror talaga,” dagdag naman ng isang studyante.

“Ano ka ba? Mas takot pa nga ako sa kanya kesa sa nanay ko!” sabi rin ng isa sa kanila.

Ngunit, isa sa kanyang mga estudyante pala ang makakapagpabago ng kanyang matigas na puso.

Si Nathan ang isa sa mga matatalinong estudyante ni Ms. Sanchez. Palagi itong sumasagot sa recitation. Palagi ring perfect at walang mali ang kanyang mga exam.

Kung mayroon namang kailangang gawin na assignment ay palagi ring siyang nakakapagpasa.

Ngunit para kay Ms Sanchez, si Nathan na sana ang pinaka perpektong studyante niya – kung hindi lamang ito palaging late sa klase.

At maigi sana kung ilang beses lamang siyang nale-late. Ang kaso, halos araw-araw. Minsan ay absent pa at halos hindi na talaga pumapasok.

“May problema ka ba Nathan? Bakit palagi ka nalang late sa klase ko?!” pagalit na tanong ng guro.

“Pasensya na ma’am,” ito lamang ang naisasagot ng binata.

“Anong pasensya lang, hijo? Kailangan ko ng eksplanasyon mo kung bakit palagi kang nahuhuli sa klase!” nagpipigil ng galit si Ms. Sanchez mula nang marinig niya ang sagot ng estudyante.

“Tumutulong lang po kasi ako sa magulang ko bago pumasok ma’am” mahinang sagot niya sa kanyang guro.

Bilang parusa sa kanyang pagiging huli sa klase ay palagi siyang pinauupo sa pinaka unahan para makahabol sa mga lesson na hindi niya nasimulan.

Kaya naman nakasanayan na ni Nathan na halos araw-araw ay dederetso na lamang siya sa upuan malapit sa unahan.

Dahil nagpapatuloy parin ang pagiging late niya ay minabuti ni Ms Sanchez na kausapin na ang mga magulang ng studyanteng si Nathan.

Ilang linggong tinatanong ng guro kung nasaaan na ang mga magulang niya.

“Nasaan na ang mga magulang mo Nathan?” tanong nito.

“Baka hindi po makapunta ang mama o papa ko kasi nagtatrabaho po sila eh,” mahinang sagot ng binata.

“Pagbibigyan kita ngayon pero kailangan ko pa rin makausap ang mga magulang mo,” sagot ng kanyang guro.

Hindi na nakasagot pa si Nathan dahil hindi niya rin alam kung makakapunta pa ang mga magulang niya.

Isang araw habang papasok na ang kanyang guro sa paaralan ay may nakita siyang isang binata na nag lalakad sa arawan. Marami itong bitbit na dyaryo habang suot pa ang pinaka maluluwag at gutay-gutay niyang damit.

Napansin niyang ang lalaking ito ay ang kanyang estudyanteng si Nathan.

Doon niya naisip na kaya pala palagi nalang nahuhuli sa klase ang binatang ito ay dahil kinakailangan niya pang tumulong sa kanyang mga magulang sa pagbebenta ng dyaryo.

Hindi nakita ng binata ang kanyang guro noong mga panahon na yun. Hindi na rin siya nakapasok nang araw na iyon dahil walang magbabantay sa kanyang mga kapatid.

Inaasahan na niyang pagagalitan siya ng kanyang guro at hahanaping muli ang kanyang mga magulang sa pagpasok niya.

Kinabukasan ay dumeretso na siya sa upuang malapit sa kanyang guro at inantay na mapagalitan.

Labis na ikinabigla ni Nathan nang yakapin siya ng kanyang guro.

“Nakita kita kahapon. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ka palaging nalelate. Huwag kang mag-alala, hindi mo na kailangan pang dalhin ang mga magulang mo,” nakangiting sabi ng kanyang guro.

Naiyak na lamang si Nathan ngunit masaya siya dahil hindi na niya kailangan pag mag lihim sa kanyang guro.

Simula noon ay pinilit parin ng binata na pumasok ng maaga. Ngunit hindi na ito pinapagalitan ni Ms Sanchez.

Hanggang sa siya ay makagraduate ng high school ay napanatili niya ang matataas na grado. Lahat ng ito ay dahil sa pag intindi at pag unawa ng kanyang pangalawang magulang na guro na si Ms. Sanchez.

Dahil rin sa tulong ng kanyang guro ay hindi na ito muli pang nalelate sa klase at hindi nakakapasok.

Naging madali ang pagkuha ni Nathan ng scholarship para sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo, dahil na rin sa tulong ni Ms Sanchez.

Kaya naman nang makagraduate rin siya sa kolehiyo ay isa sa mga inimbitahan niya ay ang kanyang guro.

“Ms Sanchez sana makapunta po kayo bukas ha,” ani ng binata.

“Aba oo naman iho pupunta ako. Sasabay nalang ako sa mama mo, okey lang ba?” nakangiting sagot nito.

“Ay opo mam sige, sasabihin ko nalang din po kay mama,” sagot ng binata.

“Marami po palang salamat ulit Ms Sanchez. Dahil isa kayo sa mga naniwala sa akin. Dahil doon ay nagawa kong magpatuloy kahit ang hirap ng buhay namin,” nakangiting dagdag na sabi ng bata.

Niyakap na lamang muli ni Ms Sanchez ang kanyang estudyante. Para niya itong anak kaya naman tuwang-tuwa siyang makitang nagiging matagumpay ang binatang ito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement