
Masama ang Balak ng Lalaking Ito sa Kaniyang Anak, Magawa Kaya Siyang Ipakulong ng Asawang Siya ang Buhay?
“Cess, anak ko, anong oras ka na naman nakauwi, ha? Talaga bang gusto mo laging napaparusahan?” bungad ni Fredo sa anak, isang gabi nang makauwi ito bago maghatinggabi.
“Hi-hindi po, gumawa lang po kami ng proyekto sa bahay ng kaklase ko,” uutal-utal na sagot ng kaniyang anak, bakas sa mukha nito ang labis na pagkatakot.
“Naku, gusto mo ata, eh,” tugon niya saka hinakbang ang paa niya papalapit sa anak na dalaga.
“Huwag mong subukang lumapit, isusumbong na talaga kita kay mama!” nanginginig na sigaw nito.
“Pakiramdam mo ba may magagawa ang nanay mo? Kapag gusto ko, gusto ko. Higit pa roon, ako ang buhay no’n, kaya hindi niya ako hahayaang masaktan. Naiintindihan mo? Kung magsusumbong ka naman, tatapusin ko na ang buhay niyong dalawa. Ipapakita ko muna sa’yo paano malagutan ng hininga ang nanay mo, tapos paglipas ng isang buwan, ikaw naman ang tatapusin ko. Gusto mo ba ‘yon, Cess?” sambit niya habang unti-unting lumalapit sa anak.
“A-ayoko po,” mangiyakngiyak na sagot nito dahilan upang mapangisi siya.
“Mabuti,” bulong niya saka tinuloy ang maitim niyang balak sa anak. Tanging iyak nito ang umaalingawngaw sa liblib nilang bahay.
Bata pa lang si Fredo, namulat na siya sa madilim na gawaing ngayon ay ginagawa niya sa kaniyang anak. Hindi niya mawaglit sa isip kung paano pinagsamantalahan ng kaniyang ama ang tatlo niyang kapatid na mga babae. Nakuha pa nga siya nitong takutin dahilan upang labis siyang magalit dito.
Hindi siya nagdalawang isip na isumbong ang kahal*yang ito sa kaniyang ina ngunit tila naging isang maling desisyon ito dahil nang komprontahin nito ang kaniyang amang wala sa tamang pag-iisip, bigla na lang itong nawala. Doon na siyang nagpasiyang lumayas sa kanilang bahay at ilang araw lang ang lumipas, natagpuan ang bangk*y ng kaniyang ina’t tatlong kapatid sa isang sapa sa kagubatang malapit sa kanilang bahay.
Ganoon na lang ang sama ng loob niya sa ama. Halos araw-araw niya itong sinusumpa. Ipinangako niya sa sariling kahit anong mangyari, hindi niya ito gagayahin. Ngunit tila kabaligtaran sa kaniyang pangako ang ginagawa niya ngayon sa anak.
Sa tuwing nakikita niya kasi ito, nanunumbalik sa isipan niya ang pangyayaring iyon at para bang nababaliw siya. Hindi niya makontrol ang emosyon niya dahilan upang gawin niya sa anak ang mga nasaksihan niya noon.
Palagi niya itong ginagawa tuwing mauunahang umuwi ang anak na kolehiyala. Panggabi rin kasi sa trabaho ang kaniyang butihing asawa dahilan upang malaya niyang mapagsamantalahan ang anak.
Ngunit noong gabing iyon, habang nasa kalagitnaan ng kababuyang ginagawa, bigla na lang bumukas ang kanilang pintuan dahilan upang mapatigil siya.
“Mama!” sigaw ng kaniyang anak na dalaga dahilan upang sapalan niya ng damit ang bibig nito.
“Ma-mahal ko? Ang aga mong umuwi, ha?” uutal-utal niyang tanong sa asawang papalapit sa kaniya, may kasama itong mga pulis.
“Nahuli pa nga ata ako, eh, nababoy mo na ulit ang anak ko,” mangiyakngiyak nitong tugon saka siya sinampal. Sa labis na panggigigil ng kaniyang asawa, pinabugbog muna siya nito sa kasamang mga pulis saka siya isinakay sa patrol.
Sa presinto na niya nalamang nakapagsumbong na ang kaniyang anak sa ina bago pa ito makauwi.
Alam na kasi nito ang masamang balak niya. Hindi nagdalawang-isip ang kaniyang asawa na ipakulong siya kabaligtaran ng kaniyang inaakala.
Nagmakaawa man siya sa asawa na hindi na iyon muling gagawin, desidido itong pabulukin siya sa selda.
“Pasalamat ka, Fredo, mahal kita, kung hindi ipinatapos na kita sa mga pulis kanina,” sambit nito saka sinipa ang kaniyang hinaharap.
Wala na siyang ibang magawa kung hindi umiyak at magsisi. Natauhan siyang tila naging kaparehas niya lang ang amang dati’y kinamumuhian niya.
“Bakit ko ba ginagawa ‘yon sa sarili kong anak? Bakit hindi ko matanggal sa isip ko ang pangyayaring nasaksihan ko noong bata pa ako? Bakit?” iyak niya habang nakaluhod sa harapan ng mga rehas.
Labis-labis siyang humingi nang tawad sa kaniyang anak nang makita niya ito sa araw ng paghahatol sa kaniyang kaso. Takot na takot ito sa kaniya. Mangiyakngiyak siya nang malamang nabaliw ito’t ayaw nang makipag-usap sa iba bukod sa ina.
Doon na tuluyang nadurog ang kaniyang mundo. Hindi niya lubos akalaing sa huli, siya rin pala ang magdurusa sa kamaliang dati’y malaya at masaya niyang ginagawa.