Inday TrendingInday Trending
Napakataba ng Babaeng Ito; Pagpapapayat Ba ang Sagot para Mabihag ang Puso ng Kaniyang Ultimate Crush

Napakataba ng Babaeng Ito; Pagpapapayat Ba ang Sagot para Mabihag ang Puso ng Kaniyang Ultimate Crush

Nilalamon ng inggit si Sharmaine sa mga kaedaran niyang may magagandang hubog ng katawan. Paano ba naman ay ang laki-laki na niya! Napakahilig niya kasing kumain. Halos hindi na nga magkasya ang ilang damit niya dahil habang tumatagal ay lalo lamang nadaragdagan ang kaniyang timbang.

Ibinaling na lamang niya sa paglantak ng cake na dala ng kaniyang ina ang nadaramang inis.

Nasa kasarapan siya ng pagkain nang biglang dumating ang kaniyang kaibigan, slash, ultimate crush.

Si Jolo, na siya ring dahilan kung bakit siya nag-umpisang maging conscious sa kaniyang hitsura.

Kinatok nito ang kanilang bintana. Napatalikod siya nang kumaway ito at dali-daling siyang kumaripas nang panhik sa kwarto.

Doon ay tiningnan niya ang sarili sa salamin at ganoon na lang ang pagkadismaya niya dahil sa nakitang hitsura. Napakataba na talaga niya. Idagdag pa ang marungis niyang mukha dahil sa kumalat na icing ng cake!

“Bakit kasi ang takaw mo, Sharmaine!” sermon niya sa sarili. Nagmadali siyang maligo at nagsuot ng oversized shirt na mukhang hindi naman oversized dahil tamang-tama lang ang sukat nʼyon sa kaniya.

“B-bakit?” tanong niya sa binata nang babain na niya ito.

“Sha, iimbitahan kita sa kaarawan ko. Ikaw ang magiging date ko, ayos lang ba?” Tila kiniliti si Sharmaine sa sinabi ng binata. Ngunit kasabay nʼon ay gulat at kaba.

“B-bakit ako? M-marami namang iba na pwede mong maging kapareha, ah?” Napatungo si Sharmaine dahil sa hiyang nararamdaman.

“Kasi ikaw ang gusto ko.”

Ngayon ay napatunghay naman siya sa sinabi nito.

“Basta, ha?! Aasahan kita!”

Akma pa sana siyang aalma ngunit mabilis na itong nakaalis sa kanilang bahay.

Isang linggo matapos ang usapan ay naganap ang kaarawan ni Jolo. Napakaengrande nʼon. Napakaraming bisita na halos lahat ay magaganda at presentable ang hitsura.

Nang ipakilala siya bilang “date” ng binata ay hindi niya maiwasan na mahiya at tumungo dahil sa pagtatawanan ng mga bisita. Napansin niyang humigpit ang hawak ni Jolo sa kamay niya.

“Huwag mo silang pansinin. Maganda ka.” Napatingin si Sharmaine kay Jolo na nakatingin pala sa kaniya nang nakangiti.

Ganoon pa man, hindi nakaligtas sa pandinig ni Sharmaine ang mga tawanan at insulto sa kaniya. Tumagos hanggang kaluluwa ang masasakit na salitang kaniyang narinig at alam niyang narinig din iyon ni Jolo. Napatakbo siya sa labas at nagpasiyang umuwi na lamang.

Isang linggo niyang dinamdam ang lahat. Paulit-ulit bumabalik si Jolo sa kanila pero hindi niya ito kinausap dahil na rin sa napahiya rin ito sa kagagawan niya.

Simula noon, sinimulan niya nang magbawas ng timbang. Nahirapan si Sharmaine sa umpisa ngunit kinaya naman niya. Hindi na rin siya kumakain ng halos tatlong platong kanin na may dessert pa pagkatapos. Mahirap at halos sukuan niya na ang ginagawa ngunit ilang buwan lang ay malaki ang ipinagbago ng kaniyang katawan na labis niyang ikinatuwa.

Matagal siyang hindi nagpakita sa mga tao. Hinangaan at kinabiliban ng mga dating nanlalait sa kaniya ang bago niyang hubog. Puro paghanga ang mababasa ni Sharmaine sa mata ng mga ito.

Sabik na sabik si Sharmaine na makita ang reaksyon ni Jolo… ngunit nagtaka siya nang makitang, tila dismayado ito sa ginawa niya.

Nalaman ni Sharmaine na matagal na siyang gusto ni Jolo, ngunit dahil sa nilalayuan niya ito ay hindi nito alam kung paano mag-uumpisa.

“Noon pa man, mahal na kita, Sha. Kahit ano pa ang tingin mo sa sarili mo. Natotorpe lang talaga ako kaya hindi ako makaamin,” sabi sa kaniya ni Jolo na talagang ikinagulat ni Sharmaine. “Mahal na mahal kita, Sha. Kahit ano pa ang hubog ng katawan mo, o kahit ano pa ang hitsura mo. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo lalo na kung para sa ibang tao lang.”

May lungkot sa mukha ni Jolo nang umamin ito sa kaniya.

Ganoon pa man, labis ang sayang nadarama ng dalaga na ngayon ay wala nang ibang nasabi pa. Tinakbo na lamang niya ang binata at niyakap ito sa sobrang tuwa!

“Huwag mo nga akong yakapin!” napakunot ang noo ni Sharmaine nang marahan siyang itulak ni Jolo.

“B-bakit?”

“Sagutin mo muna ako. Tagal ko nang nanliligaw sa ʼyo di mo pa rin ako sinasagot.” Sumimangot pa ang binata sa kaniya.

“N-nanliligaw ka ba?” nagugulat pa ring ani Sharmaine.

“Oo kaya! Hindi ba halata? Nakakainis ka naman, e.”

Tumalikod pa ito at umaktong nagtatampo.

Napangiti pang lalo si Sharmaine nang mas malawak.

“Siya, oo na!” aniya na biglang nagpaharap muli rito.

“T-talaga?”

Tango at tanging pigil na ngiti na lamang ang itinugon ni Sharmaine at muli na siyang niyakap ni Jolo.

“Tara, kain tayo?” tanong pa ng binata.

“Ayoko, diet ako…” sabi ni Sharmaine na agad na nagpasimangot ulit kay Jolo…

“Joke!”

Dahil doon ay nagkatawanan silang dalawa. Nagpunta sila sa dati nilang paboritong kainan at doon ay walang hiya-hiyang kumain nang kumain si Sharmaine, dahil simula ngayon ay hindi na niya kailangang isipin pa ang sasabihin ng ibang tao dahil may tao palang kaya siyang tanggapin kahit ano pa siya.

Advertisement