Inday TrendingInday Trending
Sobrang Malapit ang Estudyante sa Kaniyang Guro; May Gagampanan Pala Itong Mahalagang Papel sa Buhay Niya

Sobrang Malapit ang Estudyante sa Kaniyang Guro; May Gagampanan Pala Itong Mahalagang Papel sa Buhay Niya

Sa simula pa lang ay sobrang malapit na sa gurong si Anika ang estudyante niyang si Cherish.

“Good morning, ma’am! Roses po for you. Paboritong flower mo ito, ‘di ba?” bungad ng bata.

“Naku, thank you, Cherish. Nag-abala ka pa. Ito nga ang favorite flower ko. Paano mo nalaman?” gulat na sagot ng guro.

Ngumiti lang ang bata.

“Basta po, ma’am,” tangi nitong naisagot.

Matapos iabot ang bulaklak ay pumunta na si Cherish sa upuan nito.

“Kung hindi lang matalino at magaling sa klase itong si Cherish sa klase ko, sasabihin kong naglalangis siya,” sambit ni Anika sa isip habang iaanoy-amoy ang tatlong pirasong rosas ni ibinigay ng kanyang estudyante.

Isang araw ay tinanong niya ulit si Cherish dahil napapadalas ang pagbibigay nito sa kaniya ng mga bulaklak at kung anu-anong bagay.

“Ganito ka ba talaga ka-thoughtful sa mga nagiging guro mo, Cherish?”

Ngumiti ulit ng makahulugan ang bata.

“Aba, hindi po. Sa inyo lang po ako ganito,” tugon ni Cherish.

“Bakit naman?” balik niyang tanong.

“Kasi po, napakabait niyo po at saka maganda pa. Hindi katulad ng iba na ang pangit na ang babagsik pa,” prankang sagot ng bata.

Hindi napigilan ni Anika na matawa sa sinabi ng kanyang estudyante.

“Ikaw talaga, Cherish,” aniya.

“Totoo po ang sinabi ko. Ang bait-bait niyo po ma’am at alam niyo po ba, may ipinapanalangin ako kay Papa Jesus,” wika ng bata.

“Ano naman iyon?”

“Na sana ikaw na po ang maging mama ko. Siguro, masarap kang maging mama, ano?”

Muntik nang mapasigaw si Anika sa tinuran ni Cherish.

“A-anooo?”

Biglang lumungkot ang mukha ng bata.

“Wala po kasi akong mama, ma’am. Ang kasambahay lang namin ang nag-aasikaso sa akin. Hindi katulad ng iba kong mga kaklase. Baby pa kasi ako nang mamat*y ang mama ko,” bunyag ng bata.

“Eh, ang papa mo?” tanong ni Anika.

Mas lalong naging malamlam ang mukha ni Cherish.

“Ang papa, hindi rin niya ako inaasikaso kasi, parati siyang naglalasing mula nang…nang biguin niyo po si Argel Santos, ang papa ko, ma’am.”

Nanalaki ang mga mata ni Anika sa narinig.

“S-si A-Argel Santos ang papa mo? K-kaya pala magka-apelyido kayo!” gulat niyang sambit.

At muling nanariwa sa kanya ang nakaraan. Si Argel ay ang kanyang bigong manliligaw.

“I’m sorry, Argel,” aniya.

“O, Anika…mahal kita pero bakit? Bakit?” halos maluha-luhang sabi ng lalaki bago tuluyang umalis.

Ang totoo’y mahal niya rin si Argel subalit…

“Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng mga tao? Sobrang pihikan ko kaya hindi ako nakikipagnobyo pagkatapos, biyudo lang pala ang babagsakan ko. Kaya kahit may nararamdaman ako sa iyo’y sisikilin ko na lang aking damdamin,” sabi ni Anika sa isip.

Sinikap niyang kalimutan si Argel. Nilibang niya ang sarili sa pagtuturo hanggang sa hindi na ito muling nagpakita at nagparamdam sa kanya. Ngayon ay kasama niya ang anak nito at ibinabalik ang naudlot nilang kuwento.

Makalipas ang ilang linggo

“Class, ilang araw na lang ang ipagsasama natin. Malapit na ang inyong pagtatapos,” sabi niya sa harap ng kanyang klase.

“Kakantahan ka po namin ng maikling awit pamamaalam, ma;am,” wika ng isang estudyante.

At nagsimulang umawit ang mga estudyante niya. Hinandugan siya ng mga ito ng isang napakagandang awitin.

Ngunit habang umaawit ang mga bata ay napansin niya na lumuluha si Cherish habang umaawit. Maya maya ay tumigil ito sa pagkanta at biglang nagtatakbo palabas ng silid aralan.

“C-Cherish? Saan ka pupunta?”

Sinundan niya ang bata at kinausap.

“Anong problema, Cherish?” tanong niya.

“Ma’am, pagkatapos ng graduation…paalam na nga ba? Paalam na ba, ma’am?” umiiyak na tanong ng bata.

“Hayskul ka na sa pasukan, Cherish. Iba na ang eskwelahang papasukan mo. Oo ang sagot ko sa tanong mo,” tugon niya.

“Ayoko ma’am. Ayokong magkahiwalay tayo,” hagulgol ni Cherish na ‘di na napigilang yumakap sa kanya nang mahigpit.

Nang sumapit ang rehearsal ng mga magsisipagtapos…

“Aba, bakit wala si Cherish? Nasaan kaya ang batang iyon?” tanong ni Anika sa isip.

Maya maya ay nalaman na niya ang dahilan kung bakit wala roon ang bata.

“Ano? May sakit si Cherish?”

“Yes po, ma’am. At baka raw po hindi na gumaling kasi ayaw raw pong inumin ang gamot na binigay sa kanya ng doktor,” wika ng mga estudyante niya.

Nang dalawin niya sa ospital ang bata ay hindi niya naiwasang hindi maawa sa kalagayan nito.

“Ayoko na po kasing mabuhay pa ma’am…gusto ko nang mamat*y,” humahagulgol na sabi ni Cherish.

“Huwag ganyan, Cherish. Kailangan na gumaling ka,” sabi niya rito.

“Wala na kasing nagmamahal sa akin. Pat*y na nga ang mama ko, tapos hindi pa rin ako mahal ng papa ko,” saad pa ng bata.

Nang may biglang nagsalita…

“Nagkakamali ka, Cherish.”

Nang lumingon si Anika ay naroon pala si Argel, ang papa ni Cherish.

“Mahal na mahal kita, anak. Akala mo lang ay pinababayaan kita dahil labis kong dinamdam ang pagbigo sa akin ng teacher mong si Anika. Mula ngayon, aasikasuhin na kita. Mahal ko ang mama mo at alam kong naiintidihan niya ang nararamdaman ko,” sambit ni Argel saka niyakap ang anak.

“O, papa, salamat po. I love you, papa,” tugon ng bata na yumakap din nang mahigpit sa ama.

Ikinatuwa naman ni Anika na nagkaayos na ang mag-ama.

Dumating na ang araw ng pagtatapos ng mga estudyante.

“Paalam na ma’am, hindi ko kayo malilimutan,” malungkot na sabi ni Cherish kay Anika.

Ngumiti ang guro…

“Hindi paalam ang dapat mong sabihin sa akin, Cherish,” sagot ni Anika.

“Welcome, iyan ang dapat mong ibati sa bago mong mama,” sabad ng amang si Argel.

Napamulagat ang bata.

“A-ang ibig ninyong sabihin…”

“Oo, tinatanggap ko na ang pag-ibig ng papa mo. At hindi na tayo magkakahiwalay pa,” hayang ni Anika sa masayang tono.

Lingid sa kaalaman ni Cherish ay nagdesisyon na si Anika na tanggapin pagmamahl na iniaalok ng kanyang amang si Argel. Wala na itong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng kanyang guro, mahal nito ang kanyang ama at iyon ang totoo.

“O, ma’am, salamat po, salamat po!” tuwang-tuwang sabi ni Cherish na mahigpit na niyakap si Anika.

“Mama na, Cherish, at hindi na ma’am ang itatawag mo sa kanya ha?” sabad naman ni Argel na niyakap ang dalawang mahalagang babae sa buhay niya.

Nagpakasal sina Anika at Argel at namuhay sila sa iisang bubong bilang isang masayang pamilya.

Advertisement