Pinapasok Niya sa Loob ng Restawran ang Pulubing Mamá at Pinakain; Hindi Niya Inasahan ang Magiging Kapalit sa Ginawang Pagtulong

Alas onse na ng umaga kaya hindi kataka-takang marami na namang tao sa restawran na pinagtatrabahuan niya. Madalas ang mga kumakain sa kanila’y mga trabahante sa mga kumapanyang malalapit lamang.

“Ate, ito na po ang order namin,” tawag sa kaniya ng isang kustomer.

Agad naman niya itong nilapitan at kinuha ang order nito. Nang matapos doon ay may kumaway na naman sa kaniyang kustomer at nang matapos kunin ang mga order nito’y pumasok siya sa loob upang asikasuhin ang mga naisulat na order ng mga kustomer nila.

Sa kaniyang paglabas ay nakita niya ang isang lalaking mangangalakal. Bakas sa mukha nito ang labis na gutom at pagod sa pangangalakal, idagdag pa ang init ng araw sa labas.

Nakatingin ito sa loob at tila naglalaway sa mga pagkaing nakikita. Sa habag na naramdaman ay kinawayan niya ito’t pinapasok sa loob. Bahagya pa itong nag-atubiling pumasok at mukhang nahihiya, ngunit kinawayan niya ito nang paulit-ulit kaya walang nagawa ang matandang lalaki kung ‘di ang pumasok sa loob.

“Alam kong gutom ka na, ito kuya oh,” aniya sabay abot ng pagkaing para sana sa kaniya.

Kinuha nito ang pinggang inabot niya saka saglit na natulala. Ilang minuto muna nitong tinitigan ang pagkain, at tila nagdadalawang isip na kainin.

“Pagkain mo ito?” maya maya ay tanong nito. “Ano pang kakainin mo?”

Advertisement

Kaysa alalahanin ang sarili’y mas inalala pa siya nito, gayong sa kanilang dalawa’y mas halatang ito ang gutom na gutom.

Ngumiti siya saka sinenyasan itong kumain na. “Kainin mo na iyan bago pa magbago ang isip ko,” aniya.

Ngumiti ito saka tumango, tila natakot na baka magbago nga ang kaniyang isipan. Umupo ito sa may dulong bahagi, kung saan wala masyadong kustomer na umuupo.

Nagpatuloy si Shiela sa kaniyang trabaho at nang matapos ay bumalik siya sa counter upang asikasuhin naman ang bayarin ng mga kustomer na kumakain. Ang totoo’y kahera ang trabaho niya sa restawran na iyon, ngunit kapag ganitong maraming dumadagsang kustomer at aligaga na ang lahat ay tumutulong siya sa mga kasamahan upang mas mapabilis ang pag-asikaso sa mga kustomer na nagugutom na.

“Bakit mo siya pinapasok sa loob at pinakain? Baka mamaya niyan masanay ‘yan at bumalik-balik na ‘yan dito sa’tin,” ani Hannah, kasama niya sa trabaho.

Tiningnan ni Shiela ang mamáng tahimik na ninanamnam ang pagkaing ibinigay niya.

“Bilib din naman ako sa kabaitan mo, Shiela. ‘Di baleng wala kang makain, basta may maipakain ka lang sa taong ‘di mo naman kilala,” ani Hannah, halata sa boses ang inis.

Muling ibinaling ni Shiela ang atensyon sa ginagawa saka nagsalita.

Advertisement

“Hannah, hindi ka ba marunong maawa? Hindi mo lang ba nakikitang gutom na gutom ang mamáng iyan?” aniya.

Tiningnan naman ni Hannah ang mamá at umismid.

“Kahit na! Baka malaman ni sir ang ginawa mong pagpapasok sa pulubing iyan at baka pagalitan tayong lahat,” ani Hannah.

Tabinging ngumiti si Shiela saka seryosong tiningnan si Hannah. “Sagot ko siya, Hannah. Huwag kang mag-alala, hindi ko idadamay ang kung sino man sa inyo,” aniya.

Lumabas sa may counter saka naglakad patungo sa kinauupuan ng mamáng pinapasok sa loob ng restawran at pinakain.

“Nabusog ka po ba?” tanong niya rito.

Masayang tumango ang mamá saka marahang itinulak ang pinggan. “Salamat sa pagpapakain sa’kin, hija,” anito. “Narinig at nakita ko ang ginawa ng mga kasama mo sa’yo,” malungkot nitong wika. “Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkasibak mo sa iyong trabaho, kasi pinapasok at pinakain mo ako rito sa loob ang matanda at maruming katulad ko.”

Kumunot ang kaniyang noo at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi. “Wala naman po akong nakitang mali sa ginawa ko, tatay. Walang masama sa pagtumulong sa kapwa, at alam kong walang dapat ikabahala.”

Advertisement

Kinuha niya ang tatlong daang perso na isiniksik sa bulsa, pera niya iyon, at kinuha niya para ibigay lamang rito.

“Kunin niyo na po iyan, tatay. Pambili niyo ng makakain mamaya.”

Ayaw pa sana nitong tanggapin ang bigay niya ngunit pinilit niyang tanggapin nito ang pera. Maliit na halaga lamang ang ibinibigay niya rito, ngunit alam niyang malaking bagay na ang tatlong daan para sa matanda.

“Tatandaan ko ang iyong pangalan, Shiela. Sana pagpalain ka pa ng Diyos Ama, siya na ang bahalang magbalik sa kabutihang ginawa mo sa’kin, anak,” nakangiting wika nito.

“Mag-iingat ka po, tatay,” aniya saka tuluyang nagpaalam ang matanda.

Isang linggo na rin ang lumipas mula noong nangyaring pinapasok niya ang matandang nagugutom at pinakain. Mula noon ay hindi na naging maganda ang pakikisama sa kaniya ng mga kasamahan. Ayaw nito sa ginawa niya, bawal daw kasing magpapasok ng pulubi sa restawran, at baka pandirihan ng iba ang restawran nila.

Natatawa na naiinis na lamang si Shiela sa mga kasamahan. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Basta ang mahalaga, may trabaho pa rin siya’t mukhang hindi naman apektado ang mga amo niya sa sumbong na ginawa ng mga kasama.

“Sheila, nasa kabilang telepono si Mister and Misis,” ani Andrian, sabay abot ng telepono.

Advertisement

Mister and Misis ang tawag nila sa mga magulang ng kanilang Sir Marky, si Mister and Misis ang among hindi pa nila nakilala ni minsan, kaya hindi nila alam kung ano ang mga itsura’t ugali ng mga ito. Agad naman niyang narinig ang bulong-bulungan ng mga kasamahan at sinasabing baka nakarating na sa mag-asawa ang ginawa niya’t paniguradong pagagalitan siya’t baka tanggalin pa sa trabaho kapag minalas.

Kinabukasan ay nasa mismong bahay na siya ng kaniyang amo. Agad siyang pinapasok ng gwardiyang nakabantay sa gate. At sa kaniyang pagpasok sa mismong bahay ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata sa pamilyar na lalaking sumalubong sa kaniya.

“Tatay!” gulat niyang sambit.

“Nagkita tayong muli, Shiela,” nakangiting wika ni Mister.

Ito ang matandang lalaking kaniyang pinapasok sa loob ng restawran at pinakain saka binigyan ng pera upang pambiling pagkain kinagabihan. Kung tutuusin ay mas mayaman pa pala ito kaysa sa kaniya.

Matapos siyang ipakilala nito sa asawa nitong si Misis ay agad siyang pinakain ng dalawa ng masarap na pagkaing inihanda para talaga sa kaniya. Kaya pala siya personal na pinapunta ng amo ay balak nitong kausapin siya ng masinsinan at pakiusapang gawing manager ng mga restawran nito.

Bukod pa roon ay sobrang saya niya dahil tinaasan din nito ang kaniyang sweldo. Labis na nagpasalamat siya sa mag-asawa. Ayon kay Mister, sinadya niyang magpanggap na mamáng mangangalakal at nagbakasaling may pumansin sa kaniya’t maawa. At bukod tanging siya ang pumasa sa pagsubok na iyon.

Hindi naman niya inakalang isang malaking swerte pala ang kapalit sa ginawa niyang pagtulong dito. Para sa kaniya, noong kinawayan niya ito’y nais lamang niyang tumulong sa nagugutom na matanda, dahil ginagawa naman talaga niya iyon, noon pa man. Hindi naman niya akalain na higit pa sa pagkain at tatlong daang piso ang ibabalik nito sa kaniya.

Advertisement

Salamat sa pagiging maawain at matulungin niyang natural, nakilala niya ang totoong amo, at bukod pa roon ay binigyan pa siya nito ng biyayang higit pa sa kaniyang inaasahan.