Inday TrendingInday Trending
Matapos Awayin at Sigawan ng Ginang ang Matandang Lalaki at Pikit Mata Niya Itong Inutangan Kinabukasan, Kakaiba ang Ginawa ng Matanda sa Kanya

Matapos Awayin at Sigawan ng Ginang ang Matandang Lalaki at Pikit Mata Niya Itong Inutangan Kinabukasan, Kakaiba ang Ginawa ng Matanda sa Kanya

“Ano ba naman ‘yan, Aling Belen? Katanda-tanda niyo na, chismosa pa rin kayo?!” sigaw ni Myrna sa kanyang matandang kapitbahay.

Nabalitaan niya kasi na chinichismis umano siya ng matanda at sinasabing hindi na siya inuuwian ng kanyang asawa. Kaya naman galit na galit niyang sinugod ang matandang chismosa.

Mariin namang itinanggi iyon ni Aling Belen, “Wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo, hija. Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”

Umiling-iling si Myrna, “Huwag na kayong magsinungaling! Alam ko ang tabil ng dila niyo. Alam kong kayo ang numero unong chismosa dito!”

Nakita niya ang pag-iiba ng ekspresyon nito, “Ang sakit mo naman magsalita, hija.”

Hindi na siya nakinig pa sa sinasabi ng matanda at patuloy pa rin sa pagsigaw. Binantaan pa niya ito, “Marinig ko lang na pinag-uusapan niyo talaga ako, Aling Belen, tatabasin ko yang dila niyo!”

Napailing na lamang ang matanda sa sinabi ni Myrna. Wala na naman siyang magagawa upang ipagtanggol ang sarili dahil kahit ano pang sabihin niya, hindi ito maniniwala na hindi siya ang nagkakalat ng chismis ukol sa kanya. Ito ay walang iba kundi ang byenan niya. Kinakausap siya ng byenan ng babae at kinukwento ang iba’t ibang istorya tungkol sa buhay ng manugang nito.

Hindi niya nagawang paalisin agad ang matandang babae sa bakuran niya noong una, ngunit nang marinig niya ang mga mapanirang kwento nito, doon niya ito tuluyang pinalayas. “Ay naku, wala akong panahon sa mga chismis mo! Doon ka makipag-chismisan sa palengke para pareho kayo ng mga isda doon, masangsang ang amoy!”

Akala niya lang naman kung kaya ito dumayo sa bahay niya ay mangungutang ng pera. Ganoon kasi palagi ang mga kapitbahay niya; dadayo sa tahanan niya upang utangan siya. Hindi naman siya nagpapautang. Talagang naging tradisyon lang ng mga taong lapitan siya kapag nangangailangan. At sa parehong pagkakataon, chinichismisan na rin siya. Siguro sa pag-aakalang makukuha ng mga ito ang loob niya kapag kinuwentuhan siya ng iba’t ibang pangyayari sa buhay ng ibang tao.

Ang hindi alam ng mga ito, sukang-suka na siya sa mga chismis na naririnig niya. Hindi niya lang talaga magawang sawayin ang mga chismosa sa bahay niya dahil kahit papaano, iniisip niya pa rin ang mararamdaman ng mga ito. Kahit pa chismosa ang mga ito.

Ngunit kahapon nga lang siya sumabog. Hindi niya na kinaya ang grabeng paninira ni Aling Ester, ang byenan ni Myrna ukol umano sa mga nangyayari sa manugang at anak nito. Naisip niyang baka binaliktad ni Aling Ester ang pangyayari dahil nainis ito nang palayasin niya kahapon. Kung kaya tuloy si Myrna ang sinugod niya. Wala na naman siyang nagawa upang ipagtanggol ang sarili dahil bukod sa hindi maawat sa pagsasalita ang babae, dire-diretso na rin itong umalis palayo.

Inintindi niya na lang ang babae. Siguro ay stress na sa asawa’t mga anak, mas stress pa sa byenan nitong hilaw. Napailing siya sa isipin. Hindi niya lang talaga magawang iwan ang bahay na pamana ng kanyang asawa. Kung kaya araw-araw niyang tinitiis ang mga naririnig sa paligid.

Kinabukasan ay nagulat si Aling Belen nang makita ang maamong mukha ni Myrna sa tapat ng bahay niya.

“Sorry po,” agad na sinabi nito. “Didiretsuhin ko na po kayo at hindi na magpapaligoy-ligoy pa. Sinugod po kasi sa ospital ang anak ko gawa ng suka’t tae. Nilapitan ko na po ang lahat pero wala na po akong choice. Maaari po bang…”

“Magkano, hija?” siya na ang nagpatuloy sa sinasabi ng papaiyak na babae.

Kahit ano pang ginawa nito sa kanya kahapon, kung kaligtasan na ng bata ang nakasalalay ay hindi siya dapat magpatumpik-tumpik pa. Nakikita niya naman ang pagsisisi sa mukha ng babae. Lalo pa nang humingi rin ito ng tawad ukol sa nangyari kahapon, “Patawarin niyo ako, Aling Belen. Alam ko naman po sa puso ko na byenan ko talaga ang nagkakalat ng chismis. Naibuhos ko po sa inyo ang lahat. Hindi ko po kasi magawang awayin iyon, eh,” iyak na ito nang iyak. “Hindi ko po alam kung bakit nawala ako sa ulirat at sa inyo sinisi ang lahat.”

Kitang-kita niya kung gaano ang paghihirap na dinaranas nito sa puder ng asawa. Naalala niya bigla ang anak niyang yumao sa katauhan nito. Si Shane na nagkasakit nang matindi dahil rin sa balae niya. Kung kaya naman umiiyak na rin niyang niyakap ito.

“Okay lang, Hija. I totally understand what you are experiencing right now. Huwag mong itorture ang sarili mo sa pagkikimkim ng sama ng loob. Minsan, kailangan mo ring ilabas ‘yan at sabihin ang totoo mong nararamdaman.”

Dahil sa mga encouraging words ng matanda, tila tumibay naman ang loob ni Myrna. Simula noon ay hindi na siya nagpaapi pa sa byenan niya at pinaglaban ang kanyang karapatan bilang asawa ng anak nito at higit sa lahat, bilang tao.

Mula sa araw na iyon, nagdesisyon si Myrna na talikuran ang mga negatibong tao sa kanyang paligid. Pinili niyang bumuo ng isang mas positibong kapaligiran. Isang umaga, nagpasya siyang kausapin ang kanyang asawang si Marco tungkol sa kanyang mga nararamdaman.

“Marco, kailangan nating pag-usapan ang mga nangyari. Hindi ko na kaya ang mga chismis at ang mga pinagdaraanan natin,” sabi niya.

Mabilis na umayon si Marco, “Sang-ayon ako, Myrna. Alam ko na mahirap ang sitwasyon natin, pero hindi ko na kayang tiisin ang mga sinasabi ng ibang tao. Kailangan natin itong talakayin at ayusin.”

Mula sa puntong iyon, naging mas matatag ang kanilang pagsasama. Nagdesisyon silang ipaglaban ang kanilang pamilya at hindi na hayaan ang mga paninira ng ibang tao. Nagsimula silang magsalita ng mga positibong bagay sa isa’t isa, at unti-unting bumalik ang tiwala at pagmamahalan nila.

Ilang linggo ang lumipas, nagpatuloy ang kanilang pag-unlad. Sinimulan nilang dumalo sa mga seminar at workshops upang mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa pagpapalago ng kanilang relasyon. Napagtanto nilang mas mahalaga ang kanilang pamilya kaysa sa mga chismis ng iba.

Ngunit ang pinaka-mahalaga ay natutunan nilang pahalagahan ang sarili at ang bawat isa. “Kahit anong mangyari, magtutulungan tayo,” sabi ni Myrna kay Marco.

“Oo, at walang makakapigil sa atin,” sagot naman ni Marco na may determinadong ngiti.

Makalipas ang ilang buwan, unti-unti ring nawala ang mga tsismosa sa kanilang buhay. Dahil sa pagbuo nila ng mas matibay na pundasyon, hindi na sila apektado ng mga paninira. Ngayon, mas masaya sila at mas nagtutulungan, pinagtibay ng mga karanasang iyon.

Isang araw, habang nag-aalmusal sila, biglang nagtanong si Myrna, “Marco, anong pakiramdam mo ngayon? Masaya ka ba?”

“Masaya ako, Myrna. Dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, nandiyan ka pa rin para sa akin. Ipagpapatuloy natin ito, ano?” sagot ni Marco, na puno ng pagmamahal.

“Oo, at hindi na natin hahayaang maapektuhan tayo ng ibang tao,” sabi ni Myrna na may kasiguraduhan.

Sa huli, natutunan nilang huwag hayaang makasira ang mga negatibong tao sa kanilang buhay. Pinili nilang magpakatatag at labanan ang mga hamon, at higit sa lahat, pinili nilang mahalin ang isa’t isa sa kabila ng lahat.

Advertisement