Inday TrendingInday Trending
Naguguluhan ang Babae Kung Sino ang Iibigin sa Pagitan ng Dalawang Lalaki, Hindi Niya Lubos Maisip ang Desisyong Pinili sa Huli

Naguguluhan ang Babae Kung Sino ang Iibigin sa Pagitan ng Dalawang Lalaki, Hindi Niya Lubos Maisip ang Desisyong Pinili sa Huli

Si Joanna ay isang magandang dalaga na nangangarap na malibot ang halos lahat ng bansa sa mundo. Bata palang kasi siya ay nangarap na siyang makasakay ng eroplano at malibot ang buong mundo.

Ngunit isang pangyayari sa kanyang buhay ang nagpabago sa pananaw niya sa mga pangarap. Nakakilala siya ng isang lalaking kargador sa palengke, si Jed. Mabait ito, magalang, marespeto at higit sa lahat ay napakasipag. Bukod kasi sa pagiging kargador ay sumaside line pa ang lalaki bilang tricycle driver.

Nagkakilala sila nang minsang magkabungguan sa palengke habang may buhat buhat ang binata. Panay ang hingi niya ng tawad dito dahil hindi naman talaga siya nakatingin sa dinaraanan niya dahil nakatingin siya sa cellphone at tinetext ang boss niya.

Kagabi pa kasi siya kinukulit ng boss na gusto daw siya nitong ligawan. At kahit overwhelmed ay ayaw niyang ipasok iyon sa kanyang kukote dahil bukod sa malayo ang agwat ng mundo nilang dalawa ay alam niyang marami na ring naging chicks ito.

“Sorry rin, Miss. Mukhang hindi rin kasi kita nakita. Kasalanan ko ito, kaya okay lang. Ako na dito, punta ka na sa pupuntahan mo.”

Nabalik ang ulirat ni Joanna nang marinig ang sinabi ng lalaking kargador. Napaangat ang tingin niya dito at kahit pa pawisan ito ay kitang kita niya pa rin kung gaano kagwapo ang lalaki. Hindi niya namalayan ang sariling napapangiti na pala.

“Ah hindi, okay lang. Tutulungan na kita,” ika niyang nakatitig sa pawisan ngunit parang fresh na fresh pa ring mukha.

Hindi niya malaman kung bakit tila nagwawala ang kanyang puso ngayon. Lalo pa itong kumabog nang ngumiti sa kanya ang lalaki. Gusto niyang himatayin nang magdikit ang kanilang mga balat habang dinadampot ang mga nahulog na gulay. Gulong gulo na si Joanna. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam na ganitong intensidad sa kakikilala lamang na lalaki.

Naghiwalay lamang sila ng landas nang marating na ng lalaki ang tindahang pagdedeliveran ng mga gulay. Ngunit kahit malayo na sila ay hindi pa rin maalis ni Joanna ang isip sa gwapong kargador. Ang bait kasi nito at ang galang pa. Napakamalumanay  ngunit brusko ang boses.

Ipinilig niya ang kanyang ulo, “Ay hindi ko siya crush! Hindi ko pwedeng magka-crush sa isang kargador lang.”

Ilang buwan ang lumipas ay kinain niyang lahat ang mga salitang sinumpa sa sarili.  Dahil hindi niya malimutan ang lalaki ay nakita niya na lang ang sarili na hinahanap ito may palengke. Halos takasan siya ng puso niya nang makita niya ang lalaking busy sa pagbubuhat ng mga bitbitin.

Napangiti siya at napasabi sa sarili, “Ang sipag niya talaga.”

Hindi niya na rin kontrolado ang mga paa na naglakad patungo sa direksyon ng lalaki, “Hi.”

Napalingon ang binata sa kanya at agad na napangiti nang makita siya, “Oh, hello miss.”

Tinapos muna nito ang gawain bago pinunasan ang pawisang mukha at maruming kamay bago lumapit sa kanya. Mukha na ulit itong fresh nang magkaharap sila, “Kamusta ka?”

Napangiti si Joanna. Bukod sa mabait, ay gentleman rin pala ang lalaki, “Ayos naman. Ikaw?”

Nagkunwari si Joanna na may hinahanap siya sa palengke. Buong tiyaga naman siyang sinamahan nitong maglibot doon at sa pamamagitan noon ay nagkakilanlan sila nang bahagya. Iyon ang naging simula ng pagkakaibigan nila. Hanggang sa kinuha na nito ang numero niya. Nagkatext text sila at nagtawagan nang ilang buwan. Sa huli’y naging masaya silang magkasintahan.

Ngunit isang araw ay kinailangan niya na lang tumigil sa pakikipag-komunikasyon sa lalaki. Nagkasakit kasi ang kanyang ina sa probinsya at kinailangan ng malaking pera.

Kung kaya naman nagbaka-sakali siyang mag cash advance sa boss niya–ang boss niyang kinukulit pa rin siya ukol sa panliligaw sa kanya.

“So kailangan mo ng pera?” makahulugang tingin nito sa kanya.

Tumango siya, “Opo, boss. 20k po sana para sa operasyon ng inay.”

“20k lang? Paano ang gamutan niya pagkatapos ng kanyang operasyon?”

Napaisip siya sa sinabi nito. Sa katunayan ay may punto ito, “Ako na pong bahala dun?”

“Paano? Eh diba wala ka ng sasahurin ng dalawang buwan?”

Napahinga siya nang malalim. Alam niyang may ibig iparating ang kanyang makulit na amo. Hanggang isang tawag ang nagpabago sa kanyang isipan, “Ate! Dobleng operasyon na daw ang kailangan ni nanay!”

Halos manlumo siya sa narinig mula sa kapatid. Kung kaya naman diretsahan niya nang tinanong ang boss ukol sa kapalit na gusto nito.

“Be my girlfriend. That’s it.”

Humingi siya dito ng isang gabi para mag-isip. Noong gabing iyon ay tumawag sa kanya si Jed, “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Nagulat siya nang malamang kinausap ni Jed ang kapatid niya, “Magkano ba ang kailangan mo?”

Nagtaka siya, “Hindi na, Jed. Ako nang bahala dito. Alam kong kailangan mo ng pera.”

Nagulat siya nang ibinaba ng lalaki ang cellphone at maya maya ay nasa harapan na agad ng kanyang bahay, “Anong ginagawa mo dito?”

Nakangiti nitong inabot sa kanya ang isang belt bag, “Nandyan lahat ng ipon ko. Sana makatulong sa inay mo.”

Halos mapaluha siyang niyakap ang lalaki. Ang buong akala niya ay tatalikuran niya na ito nang dahil lang sa pera. Sising sisi siya sa binalak gawin kanina. Mabuti na lang at mabait rin talaga ang tadhana sa kanya. Hindi niya nagawang lokohin ang lalaking kauna-unahan niyang minahal.

Advertisement