Nag-alinlangan ang Babae na Tanggapin ang Trabahong Inaalok sa Kaniya sa Ibang Bansa, ‘Di niya Inakalang Doon pa Pala Matatagpuan ang Pag-ibig na Inaasam
Limang taon ng empleyado si Mary ng kaniyang kompanyang pinapasukan, at sa loob ng mga taon na iyon ay ibinuhos niya ang kaniyang oras sa pagtatrabaho.
“Mary, overtime ka na naman ba? Napakasipag mo talaga,” wika ng kaniyang ka-opisina.
“Oo, daming reports na kailangang tapusin eh.”
“Baka naman mapabayaan mo na ang lovelife mo niyan! Lumabas-labas ka rin minsan.”
“Wala naman akong lovelife, baka nga dito na rin ako tumanda sa harap ng kompyuter ko,” pabiro niyang sagot.
Madalas ay inaabot na siya ng alas otso ng gabi sa labis na katrabaho, pagtapos ay diretsong uuwi sa kaniyang apartment at magpapahinga, ginagamit naman niya ang kaniyang day off para maglinis ng bahay at maglaba.
“Good morning Mary, mukhang marami-rami ang labahan mo ngayon ah,” bati ng kaniyang kapitbahay habang siya ay nagsasampay.
“Ay opo, dalawang linggo kasi akong subsob sa trabaho kaya ngayon lang ako nakapaglaba,” sagot niya.
Isang araw ng lunes ay isang balita ang sumalubong kay Mary sa kanilang opisina, kakarating pa lamang niya ay ipinatawag na agad siya ng kanilang general manager.
“Sir, tawag niyo daw po ako.”
“Hi, Mary! Oo pinatawag kita, magkakaron kasi tayo ng bagong proyekto sa Malaysia, at ikaw ang napupusuan ng board na ipadala upang magmanage ng ating Finance Department doon, gusto mo ba?
“Naku sir, totoo po ba yan? Pwedeng pag-isipan ko muna tapoos balikan ko po kayo?” sagot niya.
“Sure Mary, let me know lang within the week.”
Isang malaking oportunidad ang ibibigay sa kaniya ngunit batid niyang kapalit noon ay ang mas mahabang oras niya sa pagtatrabaho, ayaw man niyang aminin ay nagkaka-edad na rin siya at nais niya rin namang makahanap ng tunay na pag-ibig.
“’Pag tinanggap ko yun, malaking break sa career ko yun, ang kaso baka lalo na akong hindi magkaboyfriend nito, pa’no kaya?” bulong niya sa sarili.
Dalawang araw niyang pinag-isipan kung tatanggapin ang inaalok na posisyon, sa huli ay nagpasya siyang tanggapin ito at subukan ang kaniyang kapalaran sa ibang bansa.
“Great decision, Mary! I’m sure eto na ang big break para sa’yo! Ipapaayos ko na ang papers mo as soon as possible.”
“Thank you sa opportunity, sir.”
Makalipas lamang ang dalawang buwan ay lumipad na si Mary patungong Malaysia. Isang maayos na tirahan ang inilaan ng kompanya para sa kaniya kung saan maari lamang niyang lakarin ang kaniyang bagong opisina. Tatlong araw muna siya nagpahinga bago pumasok sa trabaho.
“Good Morning, Ms Mary! This is your new office, all the documents you requested are in your table,” wika ng babaeng naghatid sa kaniya sa magarang opisina. Napapalibutan ito ng mga salamin na pader kung saan ay nakikita niya ang mga taong dumadaan sa labas, sa tabi ay mayroong bakanteng opisina na halos kasing ganda ng sa kaniya.
Nasa kalgitnaan siya ng pagtatrabaho ng pumasok ang isang matangkad at napaka-gwapong lalaki sa katabing opisina. Bahagya itong tumingin sa kaniya at nagkangitian silang dalawa.
“Hi! I’m Josh. Welcome sa office ha, pinoy rin ako.,” biglang pagpapakilala ng lalaki na nasa pintuan na pala niya.
“Ay, hello! Ako si Mary, unang araw ko ngayon,” sagot niya.
“Oo nabalitaan ko nga. Sama ka sa’min mag lunch mamaya, birthday ng isang manager dito at ililibre raw tayong lahat. At saka para makilala mo na yung mga tao dito.”
“Sure! Thank you Josh, see you later.”
Sumama si Mary sa mga kaopisina sa paglabas at laking tuwa niya sa malugod nilang pagtanggap sa kaniya, nakilala niya ang mga manager at mga tauhan ng kompanya at masaya silang nakipagkwentuhan sa kaniya habang nagkakainan.
“Before we go back to office, I would like to officially welcome the newest member of our family, Ms. Mary,” wika ni Josh.
Tumayo si Mary upang magpasalamat at nagpalakpakan ang lahat.
Sa araw-araw ay palaging dumadaan si Josh sa kaniyang opisina upang siya ay batiin, ‘di nga nagtagal ay nagdadala na ito ng mga pagkain para sa kaniya.
“Hi Mary, may dala akong sandwich, baka di ka pa nagaalmusal, eto oh.”
“Thank you Josh! Tama ka, ‘di pa ako kumakain.”
Madalas ay pinagsasaluhan nilang dalawa ang pagkaing dala ni Josh hanggang sa silang dalawa ay nagkapalagayan na ng loob.
“Sa hinaba-haba ng panahon, mukhang dito ko pa pala matatagpuan ang pag-ibig ko,” Bulong ni Mary sa sarili.
Minsang naglalakad siya pauwi nang biglang sumulpot si Josh sa kaniyang tabi.
“Hatid na kita.”
“Oh andyan ka na eh, sige salamat.”
Nang makarating sa bahay ay hindi malaman ni Mary kung papapasukin ba si Josh o papasalamatan nalang sa paghatid. Isang minutong katahimikan ang binasag ni Josh nang bigla niyang halikan ang mga labi ni Mary, na ginantihan naman ng babae ng mas matatamis na halik.
Binuksan ni Josh ang pintuan at silang dalawa ay pumasok habang dahan-dahan nilang tinatanggal ang kanilang mga saplot. Inilapat ni Josh si Mary sa kama at dahan-dahang hinalikan ang kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib, kakaibang kuryente naman ang dumadaloy sa katawan ni Mary habang dumadampi ang mga labi ni Josh sa kaniyang balat. Pinagsaluhan ng kanilang nag-init na mga katawan ang malamig na gabi.
“Umpisa pa lang ay gusto na kita Mary,” wika ni Josh.
“Ako rin Josh, anong plano natin?”
Makalipas ang isang buwan ay inamin na nilang dalawa sa kanilang opisina ang opisyal nilang relasyon. Labis namang kinilig ang kanilang mga kasamahan na todo suporta sa kanilang dalawa.
Nanatili si Mary sa Malaysia dahil na rin sa hiling ni Josh. Hindi niya lubos akalain na sa bansang iyon pa matatagpuan ang pag-ibig na matagal ng ipinagdarasal.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.