Sanay na ang Bumberong Ito na Magligtas ng Mga Biktima ng Sunog, Pero Hindi Niya Inasahan ang Takot na Madarama nang Anak na ang Nasa Peligro
Si Ramon ay isang matapang na bumbero na handang ibuwis ang kanyang buhay para sa mga taong nasa panganib. Maagang nabyudo si Ramon nang isilang ng kanyang misis ang kanyang panganay si Joel. Namatay si Ester sa hirap ng panganganak sa kanilang anak. Mag-isang pinalaki ni Ramon ang kanilang anak. Kapag nasa duty siya ay binibilin niya muna ang kanyang anak sa kanyang tiyahin. Ngunit hindi naging madali ang lahat, may mga anak din ang tiyahin niya at hindi kayang isabay ang pagbabantay kay Joel. Doon ay tumigil muna si Ramon sa pagtatrabaho bilang bumbero. Nagpaaalam siya sa kanyang mga katrabaho at sa kanilang supervisor. Ngunit mapalad siya dahil pinangakuan siya ng kanilang departmento na pwede siyang bumalik pagkatapos ng kanyang mga gawain. Ang naipon ni Ramon bilang bumbero ay ginamit niya sa pagtatayo ng maliit na tindahan sa kanilang bahay, para mabantayan din ang kanyang anak. Araw-araw ay ganoon palagi ang sistema ng kanilang buhay ni Joel. May araw pa na napakalakas umiyak ng bata. Dahil sa edad na 24 ay naging mahirap para kay Ramon ang pagiging ama bukod sa wala pa siya masyadong alam sa pag-aalaga ng bata, ay nag-iisa lamang siya sa pagpapalaki dito. Minsan ay tinutulungan siya ng kaniyang tiyahin. Laking pasasalamat ni Ramon sa kaniyang tiyahin at sa mga kapitbahay niya na tumulong sa kanila para makaraos. Tumungtong na ng pitong taon si Joel, at kailangan na nitong mag-aral. Kaya kinausap niya ang kaniyang tiya na tignan-tignan muna si Joel habang siya ay nasa trabaho. Nagpasya na siyang bumalik sa pagiging bumbero dahil kailangan na niyang kumita ng mas malaki para itaguyod ang pag aaral ng kaniyang anak. Pumayag naman ang tiya niya, nagbibigay nalang siya dito tuwing sahod. Unti-unting nakaraos ang mag-ama. Bumalik siya sa pagiging bumbero ngunit bawat gabi na wala siya ay lingid sa kaalaman niyang hinahanap siya ng kanyang anak. Isang gabi ng kanyang duty tumunog ng malakas ang alarm–senyales na may sunog na naman silang haharapin. Medyo malayo ang lugar ng pinangyarihan ng sunog. Natagalan sila sa pag-apula ng apoy. Mga limang oras pa bago tuluyang mawala ang apoy sa lahat ng lugar. Ubos ang halos lahat ng bahay sa barangay dahil dikit-dikit ang mga ito kaya madaling kumalat ang sunog. Pagdating nila sa opisina ay wala ang iba nilang kasamahan. “May sunog na naman?” tanong nila sa isang naiwan. “Oo, boss. Sa barangay niyo daw.” Gulantang si Joel sa narinig. Walang pasabing umuwi siya sa kanila. Bumungad sa kanila ang nasusunog na mga bahay, kasama ng kanilang tahanan. “Anak ko!” agad niyang hinanap si Joel sa kumpol ng mga tao. “Ramon, Diyos ko! Ang anak mo naiwan sa loob.” Kinabahan si Joel sa sinabi ng kanyang tiyahin. Bitbit nito ang sariling anak. Agad siyang tumakbo papasok ng bahay. “Joel, anak! Anak ko, asan ka na?” May narinig siyang umiiyak, ang anak niya na nga iyon. Pinuntahan niya ang banyo. Doon nagtago ang bata, “Anak!” “Papa ko!” Niyakap niya ang anak na iyak nang iyak, “Huwag kang mag-alala, ilalabas kita dito.” Sinuong ni Joel ang nagkalat na apoy. Pero hindi sila sinuwerte dahil bumagsak na ang kisame ng bahay. Pinrotektahan niya ang kanyang anak. Ngunit naipit naman ang kanyang paa, “Tumakbo ka na, anak.” Iyak nang iyak ang bata, “Bilis!” Pero hindi ito nakinig sa kanya, pinilit nitong inangat ang kisameng bumagsak sa paa niya, “Joel, huwag kang makulit! Tumakbo ka na!” Umiling ito, “Hindi kita iiwan, Papa.” Doon ay tila nabuhayan siya, kahit sobrang sakit ay pinilit niya ring alisin ang nasa paanan niya. Nagtagumpay naman sila. Sa pag-alalay ng kanyang anak ay sabay nilang nilabas ang bahay na nasusunog. Lubos-lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon. “Salamat po, binigyan niyo ako ng anak na ganito katapang at ganito ako kamahal.” Simula noo’y hindi na nagtrabahong muli si Ramon. Tinutukan niya na lamang ang kanyang anak kasabay ng kanyang pagtitinda para sa ikabubuhay nila, mahirap man pero kinaya niya. Ang mahalaga, magkasama sila. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.