
Una’t Huling Biktima
Dahan-dahan pang naglakad si Carlito palabas ng kanilang bahay. Disi-otso anyos na naman siya, katunayan ay malapit na ngang makapagtapos ng kolehiyo kung hindi lang siya tumigil. Kaya di niya maintindihan ang mama niya na ganoon nalang kung ituring siyang baby.
“Saan ka pupunta?”
Napasimangot ang binata nang marinig ang boses ng kanyang ina. Kasunod noon ay ang pagbukas ng ilaw sa buong kabahayan.
“Diyan lang Ma.” simpleng sagot niya.
“Alas dos na ng madaling araw. Tatakas ka na naman? Saan ka ba nagpupunta anak? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo.” medyo aburidong wika ng babae.
Ang sakit sa loob niya na tumigil ng binatilyo ang kaisa-isa niyang anak pero di na lamang siya nagsalita. Iniisip niyang balang araw ay magbabago rin ito pero wala. Bulakbol pa rin hanggang ngayon.
Grabe niyang ingatan si Carlito. Maaga siyang nag-asawa kaya 36 anyos pa lamang siya ngayon, iniwan sila ng ama nito bago pa niya ipanganak ang binata. Mag-isa niya itong binuhay at ito na lamang ang mayroon siya. ‘Di niya kakayanin pag nawala ito sa kanya.
Inis na humarap naman si Carlito sa ina, “Ma. 18 na ako. Iyong ibang barkada ko nga hindi na nagpapaalam sa mama nila. Tapos ikaw ano?”
“Nakita ko naman ang itsura ng barkada mo. Hindi mukhang gagawa ng mabuti, ayokong sumasama ka sa mga ganoon-”
“Sasama ako kung kanino ko gustong sumama!” bulyaw ng binata.
Natigagal ang ginang at hindi malaman ang gagawin, ito kasi ang unang beses na pinagtaasan siya ng boses ng anak. Hindi pa man din siya nakababawi ay dali dali nang nagmartsa palabas ng bahay si Carlito.
“Carlito! Halika nga rito!” sigaw niya pero di na siya pinakinggan nito.
Ngayon ay masaya ang binata, pakiramdam niya ay malaya siya. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang umalis siya sa kanila at parang gusto niya nang panindigan ito.
Nagagawa niya ang anumang naisin, nariyang mag-inuman sila maghapon, manigarilyo at magsugal. Walang nagbabawal. Ang saya!
“Psst. Ano yan?” bati niya sa mga kaibigan na nagsisiksikan sa isang gilid. Nag-uumpukan ang mga ito at tatawa-tawa pa.
Iniangat ng isa ang hawak na lighter at aluminum foil.
“Gago, pass ako dyan brad,” wika niya. Napataas pa ang kamay. Oo at may bisyo siya pero di niya pa yata kayang tumira ng bato.
“Wagdu pala tong tropa mo eh!” kantsaw ng isa.
Inakbayan naman siya ng isa pa, “Wala namang mawawala kung susubukan mo brad. Ano lang yan eh, ganito lang..parang yosi lang rin. Alam mo ang pinagkaiba? Mas masarap ‘to kasi mababaliw ka. Para kang lilipad sa alapaap tapos maiisip mo masaya lang!”
Bumuntong hininga si Carlito, “Nakakatakot yan eh. Baka makulong tayo. Tsaka pag sinimulan ko yan hahanap-hanapin na ng katawan diba?”
“Hindi! Nagpapaniwala ka sa balita. Di totoo yon. Nasa kontrol ng tao yan brad.” sabi nito. Sinindihan ang isang foil at hinithit iyon sa harapan niya. “Sh*t, heaven. Isipin mo brad, walang lungkot. Happy lang,” wika nito at pipikit-pikit pa habang nakangiti.
Nang mapansin nitong nakatitig siya ay inalok sa kanya ang isa pang foil, “Subukan mo lang. Isa lang eh.”
Parang naengganyo si Carlito. Ewan niya ba, wala naman sigurong mawawala diba?
Unti-unti niyang sininghot ang binigay nito. Di niya namamalayan na naubos niya na iyon at humingi siya ng isa pa.. tapos isa pa ulit, hanggang makarami na.
Ilang sandali lang ang nakalipas ay tamang trip na ang mga kabataan. Kakaiba rin ang init na nararamdaman nila sa kanilang mga katawan. Lalo pa si Carlito dahil ito ang first time niya.
“T*ngina, nag iinit ako ah.” wika ng isang barkada nila.
“Tara lakad-lakad boy? Hanap chicks?” yaya naman ng katabi niya. Payat na payat ito dahil laging batak, namumula ang mga mata at nangingitim naman ang paligid noon.
Lumabas ang pitong binata sa tinatambayan nila, siguro ay ala una na ng madaling araw dahil wala nang tao sa labas.
“Grabe, ang lamig ng simoy ng hangin pero ang init pa rin ng katawan ko.” sabi ni Carlito.
“Dapat dyan, inilalabas.” sagot ng isa sa mga kaibigan niya. Kasunod noon ay puro tawanan na. Tama nga, ang lakas ng tama ng bato.
Blurred ang paligid at parang kengkoy ang tingin niya sa tropa. Lahat ng malingunan niya ay may mga mukha na wacky pa kaya natatawa siya. Hindi malinaw ang background.
Maya-maya pa, isang magandang babae ang kanilang nakasalubong. Naka-sideview ito. Hindi masyadong maaninagan ang itsura dahil madilim ang kalsada at idagdag pang naka-tira sila ng bato. Pero sigurado silang sexy ito.
“Hi miss,” bati ng kaibigan niya.
Hindi umalis ang babae at tiningnan lang sila. Hanep, parang gusto rin ah!
Parang pare-pareho silang magkakaibigan ng iniisip. Bigla na lamang hinablot ng isa ang bewang ng babae at pinaghahalikan ito sa leeg. Nanlaban ito pero sinampal lang ni Carlito nang malakas.
“Ganyan ang gusto ko, lumalaban!” wika ng high na high na binata.
Dahil na rin siguro sa epekto ng gamot ay di na nila nagawa pang mag isip, basta nila itong kinaladkad sa malapit na damuhan at doon ay halinhinang pinagsamantalahan sa pangunguna ni Carlito.
Nang matapos sila ay humahagulgol ang babae, malakas. Nakakarindi. Kaya para tumahimik ito ay muli nilang sinampal, tinadyakan at sinikmuraan. Pero iyak pa rin nang iyak ang gaga!
Nakakuha ng isang bato ang kaibigan ni Carlito at pinagpupukpok ang babae sa ulo. Sa wakas! Tumahimik rin!
Matapos iyon ay mabilis silang bumalik sa tambayan. Nag-inuman ulit bago natulog. Hindi na alam ng binata ang mga nangyayari pero tawa lang siya nang tawa at ang gaan ng kanyang pakiramdam.
Kinabukasan, kahit nahihilo pa ay nagising si Carlito sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
“Lawrence? Mike?” tawag niya sa dalawa sa mga kaibigan. Tanging bote ng alak lang kasi ang nabungaran niya ngayong umaga.
Nahimas niya pa ang sentido habang pilit inaalala ang mga kaganapan kagabi.
May babae, pinagsamantalahan..sh*t!
Dali-dali siyang lumabas at naglakad. Napansin niya ang kotse ng mga pulis at nagkukumpulang mga tao malapit sa damuhan.
Natanaw niya ang anim na kaibigan na naka-posas, puno ng bugbog ang katawan ng mga ito. Napapaligiran ng mga galit na taong bayan.
Sa takot na baka ituro siya ay nagkubli si Carlito. Nangangalingasaw sa buong paligid ang masangsang na amoy.
“Grabe naman. Kay babata pa ay wala ng mga puso, kaya dapat lang sa mga iyan ang mabugbog ng mga tao!” narinig niyang komento ng isang residente.
“Kawawa nga iyong biktima. Susunduin lang raw ang anak na naglayas ay napagtripan pa. At ang mga hayop, sinubukan pang bumalik para pagsamantalahan ulit kahit wala nang buhay. Yan! Buti nalang may nakakita sa kanila!”
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ng binata. Mabilis siyang nakipagsiksikan para matanaw sa unahan ang sinasabing ‘biktima’ ng mga ale.
Tumambad sa kanya ang hubo’t hubad na katawan ng babae. May dyaryo ang mukha nito pero nililipad-lipad iyon ng hangin. Ganoon nalang ang panlulumo niya nang makilala ang biktima.
“Mama!”
Oo.
Ang babaeng pinagsamantalahan nila kagabi ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.
Kaya nga hindi umaalis ito kagabi nang kausapin nila kahit napaghahalataan namang high na high ang buong barkada. Pinagtinginan siya ng mga tao, naawa pa ang iba. Pero nangangatog si Carlito at muling sumigaw.
“Isa po ako sa suspek! Pin*tay ko ang mama ko..” halos mabaliw na sabi ng binata.
Kasunod noon ay pinosasan siya ng mga pulis. Di na nagduda ang mga ito sa statement niya dahil detalyado niyang isiniwalat ang lahat. Para nga sa kanya, kulang pa ang pagkakakulong.
Ngayon ay lumuluha si Carlito at tulala habang humihimas sa rehas. Magsisi man siya, hindi na maibabalik pa ang buhay ng kanyang ina.