Nagawa Niyang Akitin at Pakasalan ang Presidente; Ngunit Pati Body Guard Nito, Nais Niyang Makasama sa Kama
Nang magkaroon ng pagkakataon ang dalagang si Honey na makausap ang presidente noong minsan itong dumalo sa pagpupulong sa pinagtatrababuhan niyang kumpanya, hindi na niya ito pinalagpas. Alam man niyang may edad na ito at may mga anak na halos kasing edad na niya, ginawa niya pa rin ang lahat upang makuha ang atensyon nito dahil sa kagustuhan niyang maging asawa nito.
Kahit hindi siya ang nakaatas sa paghahatid ng pagkain nito sa sariling silid, siya pa rin ang naghatid ng pagkain nito. Kinausap niya ito nang kinausap at nagawa niya pang saluhan ito sa pagkain kahit hindi siya nito iniimbita.
“Ito na ang pagkakataon kong maging mayaman. Kapag ako naging asawa nito, tiyak na maiaahon ko na sa hirap ang pamilya ko, mabibili ko pa ang mga mamahaling bagay na gusto ko noon pa man!” sabi niya sa isip habang masayang nakikipagkwentuhan sa presidente.
Nang makuha na niya ang kiliti nito, roon na niya unti-unti itong hinawakan. Una sa kamay, hanggang sa magtuloy-tuloy na ito sa katawan ng presidente.
At dahil nga may taglay siyang kagandahan, nang ibaba niya ang kaniyang damit upang makita nito ang itaas na bahagi ng dibdib niya, agad nitong kinandado ang silid at doon na sila naging isa.
Simula noon, napadalas na ang pagkikita nilang dalawa hanggang sa tuluyan na siya nitong pakasalan. Mabilis man ang mga pangyayari at sandamakmak na masasakit na komento ang natatanggap niya mula sa buong bansa, hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil unti-unti na niyang naaabot ang pangarap niyang marangyang buhay dahil sa presidenteng ito.
Sa katunayan, nang malaman nitong naninirahan siya sa tabing dagat, agad siya nitong binilhan ng bahay at lupa dahilan para ganoon na lang matuwa ang kaniyang mga magulang.
Kaya lang, isang araw, nang isama siya ng pangulo sa isang pagdiriwang na dadaluhan nito sa Palawan, bigla siyang nagkagusto sa gwapo at maskulado nitong bagong body guard!
Ito pa ang body guard na tinoka nito sa pagbabantay sa kaniya dahilan para kahit saan siya magpunta, kasa-kasama niya ito dahilan para hindi na niya mapigilan ang sarili nang ihatid siya nito sa silid nila ng presidente habang ito ay nasa pagpupulong.
“Maganda ba ako?” tanong niya rito habang siya’y nakaupo sa kama at ito’y nag-aayos ng mga dala niyang maleta.
“Opo naman, ma’am! Wala kang kasing ganda!” magalang nitong sagot.
“Ganoon ba? Halika nga, samahan mo ako rito sa kama,” pang-aakit niya pa rito saka nahiga sa kama.
“Ah, eh, naku, ma’am, hindi po ako pwedeng tumabi sa inyo. Lalo na kung sa kama. Baka iba po ang isipin ng presidente,” tugon nito na ikinainis niya.
“Pakipot ka pa! Alam kong gusto mo rin akong tikman!” sigaw niya saka niya ito nilapitan.
Ngunit bago pa man niya ito tuluyang mahawakan, dumating na ang presidente at ito’y galit na galit sa kaniya.
“Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo, Honey? Sarili kong tauhan, gusto mong makasama sa kamang tutulugan nating dalawa mamaya?” sigaw nito sa kaniya.
“Anong pinagsasasabi mo riyan? Inaayos ko lang ang neck tie…” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang itong nagwala.
“Tama na ang kasinungalingan mo! Rinig na rinig ko kung paano mo siya akitin at takutin!” sigaw pa nito saka kinuha ang mikroponong nakatago sa damit ng naturang body guard na nakakonekta pala sa selpon nito, “Tama nga siguro ang sabi ng mga anak ko! Masyado akong nagpadala sa pang-aakit at ganda mo!” bulyaw pa nito saka agad na nagpagawa ng annulment papers sa mga abogadong kasama nila.
Labis man siyang nagmakaawa rito, hindi na siya kailanman kinausap nito hanggang sa tuluyan nang mapawalang bisa ang kanilang pag-iisang dibdib.
“Ano ka ba naman, anak? Nasa kama ka na, bumaba ka pa sa papag! Paano na ang buhay mo ngayon, ha? Kalat na kalat sa buong bansa ang kalandiang mayroon ka!” sigaw ng kaniyang ina dahilan para siya’y lalong maiyak.
Halos araw-araw niyang sinuyo ang presidente simula noon kahit wala nang bisa ang kasal nila ngunit tila buo na talaga ang loob nitong putulin ang relasyon sa kaniya. Hindi man nito binawi ang bahay at mga materyal na bagay na bigay nito sa kaniya, hindi naman niya magawang makahanap ng trabaho dahil sa eskandalong nagawa niya.
“Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng hindi ko pagiging kuntento sa asawa ko, sana hindi ko na inakit ang body guard na iyon! Bakit ba kasi ako ganito kasabik sa lalaki?” iyak niya habang sinasabunutan ang sarili.