Inday TrendingInday Trending
Walang Ginawa ang Dalaga Kung Hindi Kumabit sa Lalaking Mayaman Ngunit May Asawa; Huli na ang Kaniyang Pagsisisi

Walang Ginawa ang Dalaga Kung Hindi Kumabit sa Lalaking Mayaman Ngunit May Asawa; Huli na ang Kaniyang Pagsisisi

Kinikilig pa ang dalagang si Myrna habang binabasa niya ang mga mensahe ng bago niyang nobyo. Panay pa ang kuha niya ng larawan suot ng bagong kwintas na bigay nito.

“Mabuti naman ay humiwalay ka na sa dati mong dyowa, Myrna. Wala kang mapapala sa isang taong may sabit na! Mabuti talaga at natauhan ka na!” wika ng nakatatandang kapatid na si Rosa.

“Sino naman nagsabi sa iyo, ate, na walang sabit itong bago ko? Inayawan ko lang ‘yung si Cesar dahil ubod na nga ng seloso ay hindi pa galanteng magregalo. Hindi tulad nitong si Brando. Lahat ng gusto ko ay bigay agad,” pagmamalaki pa ni Myrna.

“Talagang hindi ka na nadala, ano? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo, Myrna? Kadalaga mong tao ay gustong-gusto mo na maging kabit. Bakit ba panay patol mo sa lalaking may asawa na. Hindi ka ba natatakot na balikan ka ng mga asawa nila?” wika pa ng kapatid.

“Huwag mo na akong pakialaman, ate, at alam ko naman ang ginagawa ko. Alam ko kung saan ako lulugar. Saka ‘yung mga binatang nanliligaw naman sa akin ay puro walang binatbat. Dito na lang ako sa lalaking may asawa man ay nabibigay naman ang lahat ng gusto ko!” muling wika ng dalaga.

“Hindi naman ‘yan magbibigay kung walang kapalit, Myrna. Huwag mo ring sabihin sa akin na ibinigay mo agad sa kaniya ang katawan mo? Hindi na kita maintindihan! Ginagawa mong pariwara ang buhay mo!” galit na sambit muli ni Rosa.

“Ikaw naman, ate, para kang matandang tao. Moderno na ang panahon natin ngayon. Tanggap na sa kung hindi ka na birhen. Wala nang kaso ‘yun! Basta ako, nagmamahal lang naman ako. Kaya gamitin ko na rin itong pagkakataon para makuha ang mga gusto ko,” depensa naman ni Myrna.

Tila nais nang sukuan ni Rosa ang kapatid dahil paulit-ulit na lang ito sa kaniyang ginagawa. Mahilig itong pumatol kung kani-kanino lalo na sa may asawa. Para bang nakakakuha daw ito ng excitement kung ang nobyo ay tali na sa iba.

Isang araw nadatnan ni Rosa si Myrna at ang nobyo nitong si Brando na palabas ng silid. Kinompronta niya ang nakababatang kapatid.

“Hindi ka talaga kinikilabutan sa mga ginagawa mo at inuwi mo pa rito ang lalaking iyan. Paano na lang kung matunton ka ng asawa niyan? E, ‘di pati ako’y damay sa kahihiyan mo?” pabulong na sambit ni Rosa.

“E, ‘di lumabas rin ang totoo, ate. Iniisip mo lang ang kapakanan mo. Huwag ka nang magalit sa akin. Sagot ko na ang bayad sa kuryente ngayong buwan. Palalagyan ko rin kasi ng aircon itong mga silid natin para hindi mainit. Ayaw kasi ni Brando ng pinagpapawisan siya kung hindi naman sa mga gagawin namin!” natatawa pang sambit ni Myrna.

“Hindi ko kailangan ng pera mo. Gawin mo sa ibang lugar ‘yang kababuyan ninyo at huwag dito sa pamamahay ko! Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa mo, Myrna. Nawawalan ka na ng respeto sa akin lalo na sa sarili mo! Layuan mo na ang lalaking iyan at humanap ka ng lalaking binata!” wika muli ng kapatid.

Ngunit matigas talaga ang ulo nitong si Myrna. Kahit na pilit na siyang pinapahiwalay ng kaniyang ate sa nobyo niya ay panay pa rin ang pakikipagkita nito.

“Saan ka na naman pupunta at nakapostura ka? Kikitain mo na naman ‘yung si Brando?” sambit ni Rosa. 

“Naku, wala na kami ni Brando, ate, huli ka na sa balita. Parang katawan ko lang ang gusto ng lalaking iyon. Pero ngayon ay sigurado na ako rito kay Ramon. Pupunta ako ng condo niya ngayon dahil may ireregalo daw siya. Ilang beses na niya akong niyayaya doon sa bago niyang condo pero ako lang ang tumatanggi,” wika ni Myrna.

“Bagong lalaki na naman ’yan? At huhulaan ko, may sabit na naman! Wala ka na talagang galang sa sarili mo. Ibibigay mo na naman ang katawan mo! Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan, Myrna. Tutal naman ay matigas ang ulo mo’y bahala ka na sa sarili mo!” babala muli ni Rosa.

“Ate, matagal na kaming magkakilala ni Ramon. Dati ko na rin siyang naging kasintahan. Siguro ngayon ay hiniwalayan na niya ang asawa niya dahil napatunayan niyang ako talaga ang gusto niya. Huwag ka nang mag-alala sa akin dahil sigurado na ako sa pagkakataong ito. Paliligayahin ko siya para hindi na talaga niya ako makalimutan at ‘di na niya ako magawang iwan,” wika ng dalaga sabay alis ng bahay.

Pilit mang pinipigilan ni Rosa ang kapatid ay hindi na ito nagpapigil pa.

Nang makarating sa condominium si Myrna ay namangha siya sa laki at pagkasosyal nito. Masaya siyang malaman na talagang mas mayaman itong si Ramon.

“Hindi ko na talaga babalikan sina Cesar at Brando. Dito na lang ako kay Ramon. Mas mayaman na ay sa condo pa ako kayang itira,” wika ni Myrna.

Panay ang ayos ng dalaga sa kaniyang sarili hanggang makapunta siya sa tapat ng condo unit ng nobyo. Kakatok pa lang sana siya ay nagtext na sa kaniya si Ramon.

“Pumasok ka na at bukas ang pinto. Narito lang ako sa banyo at naghahanda. Magtanggal ka na ng saplot dahil paglabas ko rito’y tatrabahuhin na kita,” mensahe ng lalaki.

Kinilig lalo si Myrna. Kaya pagpasok niya sa condo unit ay agad niyang inihanda ang sarili. Nagtanggal na siya ng kaniyang mga damit. Hanap pa siya ng hanap ng posisyon upang lalong maakit ang nobyo.

Ilang sandali pa ay narinig na ni Myrna ang pagbuksan ng pinto. Alam niyang palabas na ng banyo si Ramon.

Ngunit laking gulat niya nang makita ang isang babae.. Ang hindi niya alam ay ito pala ang asawa ni Ramon. Kasama rin nito ang ilang mga babaeng asawa rin ng mga naging niobyo niya.

Dali-daling kinuha ni Myrna ang kaniyang damit upang isuot muli. Ngunit hinablot ito sa kaniya ng misis ni Cesar.

“Tutal, sanay ka namang ipangalandakan ang katawan mo, umuwi ka ng walang damit dahil papunta na rito ang mga pulis. Sisiguraduhin naming mabubulok ka sa bilangguan!” sambit ng asawa ni Ramon.

“Ang kapal ng mukha mong makiapid sa may asawa. Akala mo ba’y walang makakaalam ng ginagawa mong ito? Sadyang makati kang babae ka! Ngayon ay matitikman mo ang bangis ng mga tunay na asawa!” saad namanng misis ni Brando.

Walang nagawa si Myrna kung hindi magtatakbo ng walang damit palabas ng condo unit. Pinagtitinginan siya ng maraming tao. Walang humpay ang mga ito sa pagkuha ng kaniyang larawan at bidyo. Iyak naman siya ng iyak habang papalabas sa lugar na iyon. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Bigla na lang niya naalala ang lahat ng mga payo sa kaniya ng kaniyang ate.

“Kung sinunod ko lang sana siya ay hindi na mangyayari sa akin ito! Simula ngayon ay hindi na talaga ako makikiapid sa may asawa na!” pagtangis ng dalaga.

Kumalat sa social media ang mga walang saplot na larawan ni Myrna. Dinala niya ang kahihiyan na ito sa matagal na panahon. Nagsilbing aral sa kaniya ang mga pangyayaring ito upang hindi na muling balikan ang dating masamang gawain.

Advertisement