Inday TrendingInday Trending
Naging Malupit ang Babae sa Kaniyang Lolang may Karamdaman; Isang Malungkot na Pangyayari ang Sasampal sa Kaniya Upang Siya’y Matauhan

Naging Malupit ang Babae sa Kaniyang Lolang may Karamdaman; Isang Malungkot na Pangyayari ang Sasampal sa Kaniya Upang Siya’y Matauhan

Nasa edad na tatlong taon pa lamang si Danica nang makulong ang kaniyang ama. Ang kaniyang ina naman ay nangibang-bansa upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Kaya simula noon ay ang Lola Fely na niya ang nag-aasikaso sa kanilang dalawang magkapatid. Sobra ang naging hirap ng kanilang Lola Fely dahil may mga pagkakataong hindi nakapagpapadala ng pera ang kanilang ina.

“Lola, papasok na po ako sa trabaho,” pagpaalam ni Danica sa kaniyang lola kahit ang totoo ay hindi naman siya sa trabaho pupunta.

Dahil kulang sa gabay ng magulang ay natuto si Danica ng iba’t ibang bisyo mula sa kaniyang mga kabarkada. Hindi ito nalalaman ng kaniyang Lola Fely sapagkat may tiwala ito kay Danica.

Napababayaan na ni Danica ang kaniyang grado dahil sa pagka-cutting nila sa klase. Gabi na rin siya umuuwi sa araw-araw kaya naman halos wala man lang katulong si Lola Fely sa mga gawaing bahay.

Napapansin na ni Lola Fely ang unti-unting pagbabago ni Danica ngunit hindi ito nagsasalita. Sinasarili nito ang kaniyang problema.

Isang araw ay biglang nakaramdam si Lola Fely ng sakit sa kaniyang puso. Halos hindi makagalaw ang kaniyang katawan. Mabuti na lamang at naalimpungatan sa pagkakatulog ang panganay na kapatid ni Danica at nakita ang sitwasyon ni Lola Fely. Agad siyang tumawag ng tulog. Stroke pala ang dahilan ng atakeng iyon ni Lola Fely.

Dahil sa sakit ni Lola Fely ay hindi na siya nakagagawa ng gawaing bahay at kailangan din niya ng alalay sa bawat kilos. Dahil doon ay ang kuya na niya ang siyang kumuha ng card ni Danica sa eskuwelahan noong araw na ng bigayan.

“Bakit ganito kababa ang grades mo? Araw-araw ka naman pumapasok, a!” panenermon ng kuya ni Danica sa kaniya.

“Bakit ba? Gusto ko na ngang tumigil sa pag-aaral.” Pagkatapos niyang sabihin ay naglakad paalis si Danica.

Sa galit ng kaniyang kuya ay ibinigay nito ang gusto niya. Pinatigil siya nito sa pag-aaral. Pinaalagaan na lamang sa kaniya si Lola Fely upang may magawa siya gayong hindi na siya pumapasok sa eskuwela.

Asar na asar naman si Danica dahil kailangang siya pa ang mag-alaga sa kaniyang lola gayong dapat ay nakikipag-inuman siya sa kaniyang mga tropa!

“Hindi mo ba kayang magbanyo nang mag-isa?” iritableng tanong ni Danica sa kaniyang lolang nahihirapang magbanyo.

“Pasensya na, apo, kung nahihirapan ka sa akin,” malungkot namang sagot ni Lola Fely.

“Ewan ko sa ’yo! Pahirap ka sa buhay ko!” Sabay akyat niya sa kwarto.

Kinabukasan ay nagising si Danica sa isang masamang balita… wala na ang kaniyang Lola Fely. Sumuko na ang katawan nito at hindi na kinaya pa ang sakit niya.

Labis ang naging pagsisisi ni Danica dahil sa huling sandali na kasama niya ang kaniyang Lola Fely ay hindi pa niya ito naitrato nang tama. Sinisisi ni Danica ang kaniyang sarili. Halos buwan na ang nakalipas ngunit para sa kaniya ay parang kahapon lang iyon nangyari.

“Huwag kang masyadong magpalugmok, Danica,” payo sa kaniya ng kaniyang kuya.

“Kuya, sobra akong nagsisisi na hindi ko trinato nang maayos si Lola Fely,” humahagulhol lang sabi ni Danica sa kaniyang kuya na agad naman siyang niyakap.

“Sa tingin mo, magugustuhan ba ni Lola Fely ’yang ginagawa mo? Gusto pa rin niyang maging masaya tayo, Danica,” pagpapaliwanag sa kaniya ng kaniya kuya.

Dahil doon ay nagkaroon ng lakas ng loob si Danica na tuparin ang pangarap sa kaniya ng Lola Fely niya na maging isang guro.

Nag-enroll siya bilang isang senior high school student. Nagsipag siya at naghanap ng trabaho upang matustusan ang sariling pangangailangan.

Hindi nawala sa pagiging top student si Danica simula noon. Ang kuya naman niya ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Kaya nagsisipag na siya dahil napagtanto niya wala mapapala kung tutunganga lang siya.

Matapos ang limang taon ay nagtapos si Danica at naging isang licensed teacher. Sa wakas ay may mukha na siyang maihaharap muli sa kaniyang Lola Fely na ngayon lamang niya dinalaw sa puntod dahil sa matinding hiya.

“Lola Fely, kumusta na po kayo r’yan? Isa na po akong guro. Natupad ko na po ang pangarap n’yo para sa akin. Maraming salamat po, Lola Fely. Mahal na mahal kita,” umiiyak na sabi pa ni Danica.

Naging maganda ang buhay ni Danica simula nang patawarin niya ang sarili. Ngayon ay mas nagiging mabuti na siyang tao, para sa alaala ng kaniyang pinakamamahal na lola.

Advertisement