Inday TrendingInday Trending
Hindi Pinansin ng Babae ang Kaibigan Niyang Beki nang Maging Nobyo Niya ang Lalaking Nagugustuhan Nito; Ito rin Pala ang Lalapitan Niya sa Oras ng Pangangailangan

Hindi Pinansin ng Babae ang Kaibigan Niyang Beki nang Maging Nobyo Niya ang Lalaking Nagugustuhan Nito; Ito rin Pala ang Lalapitan Niya sa Oras ng Pangangailangan

Nasa highschool pa lamang sina Ysa at Kevin ay naging matalik na silang magkaibigan, hangang sa magtapos sila ng kolehiyo.

Si Kevin ay naging sikat na make-up artist, habang si Ysa naman ay isang accountant. Dahil sa pagiging busy ay minsan na lamang magkita ang magkaibigan. Nagplano sila ng bakasyon sa susunod na linggo.

“Uy, bakasyon naman tayo. Swimming tayo sa Batanggas!” yaya ni Kevin sa kaibigan.

“Sige, ’te! Magpapaalam na ako sa boss ko. Nai-excite na ako!” tuwang-tuwa namang sabi ni Ysa.

“Ilang buwan din tayong hindi nagkikita. Na-miss kita, kaya siguraduhin mong matutuloy ’to, ha?” paniniguro pa ni Kevin.

“Oo ’te, sasama talaga ako!” Itinaas pa ni Ysa ang kaniyang kanang kamay na para bang nanunumpa.

Makalipas ang dalawang araw ay hindi inaakala ni Ysa na magkakaproblema ang bangkong kaniyang pinagtratrabahuhan, kaya hindi na siya pinayagan ng kaniyang boss na mag-leave.

Agad namang ipinaliwanag ni Ysa kay Kevin ang nangyari sa kaniyang trabaho at sinabing hindi siya makakasama rito.

“’Te, sorry talaga hindi ako makakatuloy sa susunod na linggo,” malungkot na sabi nito sa kaibigan.

“Gusto ko talagang magtampo pero matatanda na tayo at importante ’yan. Kaya go, okay lang. Naiintindihan ko naman,” sagot naman ng maalalahaning si Kevin sa kaniyang kaibigan.

“Thank you talaga, ’te. Sasabihin ko na lang kung kailan ako free.” Pagkatapos noon ay ibinaba na ni Ysa ang teleponong kaniyang hawak-hawak at natulog na.

Matapos ang isang buwan ay saka na lang ulit nakapag-usap ang magkaibigan.

“Kevin, bukas free ako, ikaw ba?” pag-aaya ni Ysa rito.

Agad namang natuwa ang kaibigan sa sinabi niya. “Sakto ‘te, rest day ko bukas, saan tayo?”

“Ayan! Mag-mall na lang tayo,” sagot ni Ysa.

Kinabukasan ay nagpunga nga si Kevin at Ysa sa mall. Dahil sa pagpapaikot-ikot ng dalawa ay napagod ang mga ito, at napagdesisyonan na kumain sa isang restawran.

Habang kumakain sa isang mesa, ay may nakita silang lalaking kapapasok lang ng restaurant. Ito ay si Jerome na ka-batch nila noong highscool at crush ni Kevin hangang nagyon.

“Kevin, ’di ba, crush mo ’yon?” Inginuso ni Ysa ang naturang lalaki sa kaibigan.

“OMG! Feeling ko, meant to be talaga kami,” kinikilig namang sabi ni Kevin.

“Kausapin mo kaya? Hayan, o! Palapit na sa atin!” panunukso pa ni Ysa.

Ngunit nagulat ang magkaibigan nang tumapat ito sa kanila at biglang nagtanong. “Pwede bang makiupo rito?”

“Sure, pwedeng-pwede!” Maharot ang paraan ng pagsagot ni Kevin.

“Thank you,” nangingiting sabi naman ni Jerome sabay upo sa upuang katabi ni Ysa.

Kita ang pagkadismaya ni Kevin, sapagkat ang kaibigan nitong si Ysa ang tinabihan ni Jerome. Doon pa lang ay nahalata na niyang interesado ito sa kaniyang kaibigan.

Matapos iyon ay hindi na naulit muli ang bonding nina Ysa at Kevin. Lumipas ang mga araw at buwan na ni hindi man lang kinumusta ni Ysa ang kaibigan niyang si Kevin, simula ng araw-araw na silang nakakapag-usap ni Jerome, hanggang sa sila ay mahulog na sa isa’t isa.

Alam naman ni Kevin ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya kinakausap ni Ysa. Iniisip ni Kevin na baka nahihiya ito sapagkat nobyo na ng kaibigan ang lalaking matagal na niyang hinahangaan. Dahil doon ay hinayaan na lang niya si Ysa na kusang magparamdam sa kaniya.

Ilang buwan pa ang lumipas na hindi nag-uusap sina Kevin at Ysa, kaya’t nagulat na lang si Kevin nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigang si Ysa na nag-aayang puntahan niya ito sa bahay. Agad namang tumalima si Kevin dahil kinutuban siya sa paraan ng pag-text nito sa kaniya at doon ay naabutan niyang gulo-gulo ang kuwarto nito at nagkalat ang bote ng alak.

“Ano’ng nangyari sa ’yo, Ysa?” Kahit may tampong nararamdamn si Kevin ay nawala iyon nang makita ang hitsura ni Ysa.

“Niloko niya ako.” Habang sinasabi iyon ni Ysa ay humahagulhol na ito ng iyak.

“Ayan! Hindi mo pinapansin dahil may lovelife ka na, ’tapos ngayon, ’yan ang sasabihin mo sa akin?” panenermon ni Kevin kay Ysa.

“Nahiya kasi ako sa ’yo, Kevin. Alam ko naman na gustong-gusto mo si Jerome, kaso, na-fall ako, e.” Sobrang hiya ang naramdamn ni Ysa kay Keving dahil sa nagawa niya,

“Naku! Crush ko lang siya, ‘te! Siyempre, mas mahalaga pa rin sa akin ang kaligayahan mo! Sa totoo lang, mas nasaktan pa nga ako sa isiping hindi mo ako pinansin, kaysa sa pagiging magnobyo n’yo ng pangit na ’yon!” Napairap pa si Kevin sa kaibigan.

Natawa si Ysa sa sinabi ni Kevin. Sa isang iglap ay biglang nawala ang kalungkutan niya at sa tulong din nito ay mabilis niyang nakalimutan ang kaniyang dating nobyo. Simula noon, ipinangako ni Ysa sa sarili na hindi na siya kailan man maglilihim sa kaibigan. Mas pahahalagahan na niya ngayon ang kanilang samahan.

Advertisement