Inday TrendingInday Trending
Hindi Tinanggap sa Eskwela ang Batang Ito Dahil sa Kanyang Nakaraan, Sa Huli’y Pinatunayan Niyang Hindi Hadlang ang Pilat ng Nakalipas upang Magtagumpay sa Buhay

Hindi Tinanggap sa Eskwela ang Batang Ito Dahil sa Kanyang Nakaraan, Sa Huli’y Pinatunayan Niyang Hindi Hadlang ang Pilat ng Nakalipas upang Magtagumpay sa Buhay

Pag-uwi ni Edison sa bahay ay iniabot niya ang sulat ng kanyang guro na inilaan para sa kanyang ina. Doon ay maluha-luhang nabasa ng kanyang ina ang nakasulat sa kapirasong papel. Hindi namin matatanggap ang iyong anak. Masama ang kanyang record sa eskwelahang pinanggalingan niya. Pakihanap nalang siya ng ibang eskwelahan sa loob ng isang linggo. Aminado naman ang ginang na hindi talaga maganda ang nakaraan ng kanyang anak. Ilang beses itong napaaway sa kapwa nito estudyante dahil niloloko siya ng mga ito na kakaiba daw ang itsura. Sa katunayan kasi ay isang African-American ang ama ng kanyang anak. Kaya naman hindi talagang maipagkakailang naiiba ang itsura ng anak sa ibang tao o sa kahit na sinong bata. “Mayaman ang tatay mo, anak. Artista siya kaya ipagmalaki mong kamukha ka niya, ” palagi niyang pakunswelo sa anak kahit na wala naman itong katotohanan. Hanggang sa lumipas ang araw at hindi na naniniwala sa kanya ang anak ukol sa kanyang dahilan. Kaya naman madalas na rin siyang pumatol sa mga kaklaseng nanloloko sa kanya. At ngayong high school na siya ay masaklap na hindi siya tinanggap sa papasukang eskwela dahil doon. “Nay bakit ganoon? Hindi ko naman po kasalanan na binubully ako ng mga kaklase ko noon at nilalabanan ko lang sila. Bakit ako pa po yung hindi nakapasok sa school na ‘to at ‘yung mga kaklase ko noon ay prente nang nakapag-enroll.” Walang masabing dahilan ang kanyang ina, kundi ang maiyak na lamang sa sinapit ng anak. Ito kasi talaga ang pangarap nitong eskwelahan. Hanggang sa magdesisyon tumigil muna ng isang taon. At sa isang taong iyon ay marami siyang bagay na nagawa. Mga kapaki-pakinabang na bagay na agad namang nadiskubre ng isang mayamang negosyante. Doon ay pinag-aral siya nito sa isang sikat na paaralan sa Maynila. Dahil doon ay agad siyang nakilala at halos pag-agawan siya ng mga eskwelahan sa iba’t ibang lugar upang kunin bilang propesor. Ngunit mas pinili niya pa ring pumasok sa pangarap niyang eskwelahang hindi tumanggap sa kanya noon. “Bakit d’yan mo pa rin piniling magturo?” tanong ng isang kakilala. “Hindi naman porke’t tinaboy nila ako noon ay kailangan ko na rin silang talikuran. Ito talaga ang pangarap kong eskwelahan noon pa man. Kaya dito ko rin po ipagpapatuloy ang mga pangarap ko.” Namangha ang ilan sa sinabi niya. Doon ay napatunayan ng lahat na ang pagiging matagumpay sa buhay ay hindi dahilan upang talikuran o yurakan ang mga nang-api sayo noon. Bagkus ay gawin pa itong inspirasyon sa pagtatagumpay.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement