Inday TrendingInday Trending
Palaging Sinasaktan ng Mister ang Nangaliwang Misis; Nang Pinagtangkaan Nito ang Sariling Buhay ay Laking Pagsisisi Niya

Palaging Sinasaktan ng Mister ang Nangaliwang Misis; Nang Pinagtangkaan Nito ang Sariling Buhay ay Laking Pagsisisi Niya

Sa tuwing sumasapit ang gabi ay naririnig ang mga ingay at hagulgol sa bahay ng mag-asawang Marvin at Loisa. Walang awa na namang sinasaktan ng lalaki ang babae.

“Taksil! Sa tuwing makikita kita’y kumukulo ang dugo ko,” singhal ni Marvin habang pinagsasasampal sa mukha ang pobreng misis.

“Tama na! Maawa ka sa akin,” pakiusap ni Loisa na namamaga na ang pisngi.

Kapag umuuwi galing sa trabaho si Marvin ay lagi itong lasing at kapag naabutan ang asawa sa bahay nila ay binubugb*g niya ito. Walang araw na hindi niya binibigyan ng latay at pasa ang babae.Si Loisa naman ay pikit matang tinatanggap ang lahat ng kaniyang pagpapahirap dahil ito naman ang unang nagkasala.

Nagsimula ang lahat nang gumaya ang lalaki sa maraming Pinoy na pumupunta sa ibang bansa para maghanapbuhay. Naaprubahan noon ang aplikasyon niya sa Saudi. Natanggap siya roon bilang construction worker. Apat na taon lang ang kontrata niya kaya sinabi niya sa misis na magtiis muna na hindi sila magkasama.

“Ayaw mo bang magkaroon ng bagong refrigerator, ng aircon, ng kotse at kung anu-ano pa?” tanong ni Marvin kay Loisa.

“Pero sapat naman ang kinikita natin dito, nakaka-ipon din naman kahit paaano. Hindi rin naman tayo kinakapos, bakit ka pa aalis at mag-a-abroad?”

Ayaw talaga Loisa na umalis noon si Marvin, subalit ang lalaki pa rin ang nasunod.

“Huwag mag-alala, sweetheart. Para sa kinabukasan din naman natin ang gagawin kong ito. Mabilis lang ang apat na taon, babalik ako agad. O, baka maiwan na ako ng eroplano,” paaalam ni Marvin sa misis bago umalis.

“Mag-iingat ka ha? Mami-miss kita, sweetheart. I love you!” wika ni Loisa saka niyakap at hinalikan si pisngi ang asawa.

Ngunit isang taon palang nawawala si Marvin ay nakakaramdam na ng matinding kalungkutan si Loisa. Hindi kasi siya sanay na hindi kapiling ang mister lalo na’t nasa malayo pa ito. Sinikap naman niya na huwag malumbay, subalit ang pusong nangungulila ay madaling matukso lalo pa’t mabulaklak ang dila ng kausap. Nakilala ni Loisa si Abel, suki niyang traysikel drayber. Sa lalaki siya nagpapahatid at sundo kapag pumupunta siya sa palengke. Anak ito ng kapitbahay nila na nagtitinda ng gulay sa palengke. Pala-kwento at masayahing kausap si Abel kaya mabilis niya itong nakagaanan ng loob.

“O, ang ganda mo ngayon, a! Mukha kang beauty queen sa ayos mong iyan,” puri nito nang minsang sunduin siya sa bahay.

“Ayan ka na naman, eh. Binobola mo na naman ako,” kinikilig na sabi niya.

Sa palagi nilang pagkikita ay unti-unting nahulog ang damdamin ni Loisa kay Abel hanggang sa humantong iyon sa pagtataksil. Ilang ulit na ibinigay ni Loisa sa lalaki ang kaniyang sarili at nagkaroon sila ng lihim na relasyon.

Subalit ang hindi nila alam ay may tainga ang lupa at may pakpak ang balita. Hindi na tinapos ni Marvin ang kontrata nito sa Saudi at nagpupuyos ang damdamin na bumalik sa Piipinas.

“Walanghiya! Akala mo’y maitatago mo sa akin ang kataksilan mo, nagkakamali ka! Malandi ka!” galit na galit na sabi ng mister nang umuwi ito.

“Patawad, Marivin. Hindi ko naman sinasadya, eh,” hagulgol ni Loisa na lumuhod na sa harap ng asawa.

Imbes na hiwalayan si Marvin ay nagsama pa rin sila sa iisang bubong ngunit ang kapalit naman ay kalbaryo sa piling nito dahil mula nang malaman ng mister ang pangangaliwa niya ay ginawa nitong impy*rno ang buhay niya. Gabi-gabi siyang sinasaktan ng lalaki. Kung anu-ano ang ginagawa nito sa kaniya, minsan ay binubugb*g siya, pinagsasasampal sa magkabila niyang pisngi, pinapaso siya nito ng sigarilyo sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan at iba pang pisikal na pagpapahirap.

“Kahit buhay mo’y kulang pang pambayad sa kataksilan mo,” gigil na sabi ni Marvin habang pinagbubuhatan siya ng kamay.

“Tama na, Marvin! Patawarin mo na ako, pakiusap,” pagsusumamo ni Loisa.

Kapag may dumadalaw na kaibigan ang babae ay napapansin ng mga ito ang mga pasa niya sa katawan at…

“Kailangan mo bang pagtiisan ang lahat ng iyan, Loisa? Hiwalayan mo na ang asawa mo,” sabi ng isa sa mg kaibigan niya.

“Umamin naman ako ng pagkakasala, Grace. Kung ito ang kaparusahan ko’y handa kong tanggapin at pagdusahan,” sagot niya.

Si Marvin naman ay mas lalong nagumon sa alak. Naging mainitin ang ulo at iresponsable. Isang araw ay bumisita sa pinagtatrabahuhang construction site ang kaniyang amang si Mang Lino. Mula nang umuwi mula sa Saudi ay bumalik siya sa pagko-construction.

“Kumusta, anak?” anito.

“Ha! Kayo ho pala itay,” gulat na sabi niya.

Ilang sandaling tiningnan ni Mang Lino ang nakapanghihinayang na hitsura ng anak.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Loisa, anak. Nalaman ko rin na sinasaktan mo siya. Hindi mo dapat ginagawa iyon, paano kung may magawa kang hindi dapat, anak?” wika ng ama.

“Dapat lang iyon sa kaniya, itay. Magdusa siya sa ginawa niya sa akin,” tugon niya.

“Mas lalo akong nag-aalala sa iyo, anak. Nasisira na ang buhay mo, nababalot na ng galit, kapaitan at sama ng loob ang puso mo. Para iyang rehas na humahadlang sa iyo para umunlad ang inyong relasyon pati na ang iyong pagkatao,” sabi ni Mang Lino.

“Pero, itay, hindi ko malilimot ang ginawa niya sa akin,” aniya.

“Anak, ang pagpapatawad naman ay ‘di nangangahulugan ng paglimot. Ito ay ang pagtanggap sa sarili na ang nangyari ay tapos na. Ang pagpapatawad ay ang paglilinis sa sarili ng mga masasamang damdaming sumisira sa ating pagkatao, ang muling paghawak sa sarili nating buhay ay ‘di pagpapadala sa mga negatibong emosyon,” paliwanag pa ng ama.

Unti-unti ay naliwanagan si Marvin. Napagtanto niya na tama ang kaniyang ama kaya nang umuwi siya sa bahay…

“Tama si itay. Pareho lang kaming nagdurusa sa ginagawa kong ito. Patatawarin ko na si Loisa,” bulong niya sa isip.

Subalit nang dumating siya sa kanila…

“Huh! L-Loisa?! Hindi!”

Nakita niyang nakalupasay sa sahig ang asawa, walang malay. Nagl*sl@s ito ng pulso.

Mabilis na isinugod ni Marvin ang misis sa ospital. Saka niya nadama na may halaga pa rin sa kaniya si Loisa. Habang ginagamot ang asawa ay…

“Isa pang pagkakataon ang hiling ko, Panginoon. Ngayong natutuhan ko na ang pagpapatawad,” naluluhang sabi niya na puno ng pagsisisi sa mga nagawang kamalian.

Maya maya, sinabi ng doktor na maayos na ang lagay ni Loisa, kailangan na lang nito ng pahinga. Matapos iyon ay saka lamang nakadama ng kapayapaan si Marvin.

“Huwag mo nang uulitin ito ha? Pinapatawad na kita, Loisa, patawarin mo rin ako sa mga pananakit ko sa iyo, hinding-hindi ko na iyon uulitin. Mag-umpisa tayong muli,” sabi niya saka hinawakan ang kamay ng asawa.

“Salamat, Marvin. Hindi ka magsisisi, ipinapangako ko sa iyo,” naiiyak na tugon ni Loisa na tinanggap na ang paghingi niya ng tawad.

Mula noon ay kinalimutan na nila ang mapait na nakaraan at ipinagpatuloy nila ang buhay bilang mag-asawa. ‘Di nagtagal ay biniyayaan na rin sila ng anak na pinagalanan nilang Hope. Naging responsableng mga magulang ang dalawa lalo na’t isang taon ang nakalipas ay nasundan pa ng isa ang kanilang supling na pinangalanan naman nilang Lovely.

Advertisement