Minsang Pagkabigo ang Kumandado sa Puso ng Binata; Mapalaya Pa Kaya ang Puso Nito Para Umibig?

Minsang Pagkabigo ang Kumandado sa Puso ng Binata; Mapalaya Pa Kaya ang Puso Nito Para Umibig?

InspiringLoveStories

“Sige na, bro! Minsan lang naman ‘tong mga ganitong party, huwag kang KJ! At saka isa pa, malamang maraming chiks doon,” sabi ng kaibigan ni Roel na si Fred.

“Tsk, asa ka pa riyan kay Roel. Allergic yata ‘yan sa babae eh,” pangsusulsol pa ni Marvin. Tahimik na ngisi na lang ang isinagot ni Roel sa dalawa. Kaninang umaga pa kasi siya niyayaya ng mga ito na umattend sa kanilang graduation party nila sa kolehiyo. Tumanggi siya at dinadahilang kailangan niyang mag-aral para sa kanilang huling pagsusulit, ngunit ang totoo, hindi naman niya kailangan mag-aral ng todo-todo dahil likas siyang matalino. Ayaw niya lang talagang sumama dahil wala siya sa mood makihalubilo sa mga tao, lalo na sa ibinibida ng mga itong mga babae.

“Nakiusap din si daddy na samahan siya sa orphanage eh,” dagdag dahilan niya. Wala nang nagawa ang dalawang kaibigan dahil mukhang nakapagpasya na si Roel na hindi pumunta.

Nang hapon ding iyon, napilitan na ring samahan ni Roel ang kaniyang ama sa ampunang ini-isponsoran nito. Pagbaba nito ng kotse ay agad itong sinalubong ng yakap ng mga bata doon. Nakatanaw lang siya sa salamin at naiinip na naghintay doon.

Ilang minute ang makalipas, kinakalikot niya ang cell phone nang biglang may kumatok sa bintana. Isang dalaga iyon.

“Pinapasabi ni Don Consuelo na bumaba ka raw at samahan kaming kumain,” sabi ng dalaga. Dahil likas na ilag sa mga babae ay maikling pagtututol lang ang sinambit niya.

Matagal natigilan ang dalaga na para bang nag-iisip ng sasabihin.

“Galing ka pa raw eskwela kaya malamang gutom ka na, sumabay ka na raw sa’min,” pagpupumilit nito. Sa patuloy niyang pagtanggi ay tila umiikli na ang pasensiya nito.

“Bakit ka ba namimilit? Sabihin mo sa daddy ko ayaw ko kumain kasabay kayo,” sabi niya. Tila nagulat ang dalaga sa pagtalim ng kaniyang boses, maging siya rin ay gusto sanang humingi ng paumanhin.

“Hoy mister, alam mo sorpresa dapat ito eh, pero may inihandang party sa iyo ang Don Consuelo sa paggraduate mo sa kolehiyo. Sana naman maappreciate mo ang efforts ng tatay mo at huwag kang mag-asal bata,” sabi ng dalaga sabay irap at lumakad na palayo.

Tila napahiya naman sa inasal si Roel. Ngunit naroon pa rin ang inis para sa dalaga. Ang totoo ay may galit nga sa mga babae ang binata. Bata pa siya ngunit tandang-tanda niya ang ginawang pagtataksil ng kaniyang ina sa kaniyang ama. Ilang beses itong pinatawad ng ama niya ngunit paulit-ulit nito silang ipinagpalit sa ibang lalaki. Kaya’t sa paglaki niya, ‘di niya namalayan na may natanim na palang galit sa kaniyang puso. Ang tingin niya sa lahat ng mga babae ay manloloko at pera lang ang habol. Kaya naman kahit maraming babae na ang nagparamdam sa kaniya ng interes ay hindi niya magawang pumasok sa isang relasyon. Inalis ni Roel ang mga ‘di magagandang alaalang lumitaw sa kaniyang isip at napilitan na sumunod na lang sa ama.

Pagdating niya sa bulwagan ay sabay-sabay siyang sinurpresa ng mga staff, mga bata, at ang kaniyang ama. Nakita niya rin doon ang dalagang tumawag sa kaniya kanina. Pinandidilatan siya nito ng mata kaya umakto siyang nasurpresa sa party.

“Congratulations anak sa pagtatapos mo sa kolehiyo! At gayundin sa iyo Rica,” sabi ni Don Consuelo na kinataas ng kilay ni Roel. Ang dalagang lumapit pala sa kaniya kanina na si Rica ay kapareho niyang magtatapos sa kolehiyo.

Naging masaya ang party, ngunit ‘di masyadong nakihalubilo si Roel.

“Dapat maging mas mapagpasalamat ka,” nagulat siya nang bigla iyong sabihin ni Rica nang lapitan siya sa isang sulok.

“Ha?”

“Kasi buti ikaw may pamilyang nag-aalaga sa iyo. Wala kang alalahanin sa buhay. Kaya dapat magpasalamat ka,” sabi nito sa kaniya. Tila lumambot naman ang puso ni Roel nang mapagtanto ang sinasabi nito. Napatingin siya sa mga batang naroon sa ampunan.

“Gaano kaya kasayang magkaroon ng tatay na katulad ni Don Consuelo?” nang marinig ni Roel ang sinabing iyon ni Rica ay muling tumigas ang kaniyang puso. Sabi na nga ba niya eh. Gusto nito ng mayamang ama na magbibigay dito ng mga luho sa buhay. Pera lang talaga at kaginhawaan ang nasa isip ng mga babae.

Pinili niyang magpaalam sa ama at umuwi na. Iyon ang huling gabing Nakita niya si Rica. Lumipas ang isang taon lang, nagulat siya nang makita ito sa kanilang kompanya. Mukhang pati trabaho ay daddy niya rin ang nagbigay dito.

Sa kanilang pagsasama sa trabaho ay napansin ni Rica na sadyang iwas ang binata sa kaniya. Paminsan ay pakiramdam niya magkaibigan na sila ngunit bigla na naming magiging lalamig ang pakikitungo nito.

Kahit malinaw na siya ang pinakamagaling na empleyado ay ibinigay pa rin nito ang promotion sa iba. Palalagpasin niya sana kung hindi lang narinig niya ang pagtatalo nito at ni Don Consuelo.

“Dad! Halata naman sa umpisa pa lang na pera lang ang habol niya sa atin. Pinag-aral mo na siya, tapos ngayon bibigyan mo pa siya ng mataas na posisyon sa kompanya?” inis na sabi ni Roel.

Hindi nagging maganda ang komprontasyon ng dalawa na naging dahilan para magpasya si Rica na umalis sa kompanya. Doon lang napagtanto ni Roel ang halaga ni Rica hindi lang sa kompanya, kung di para sa kanilang mag-ama. Labis na nalungkot siya dahil gawa ng kaniyang sinapit sa nakaraan, hindi niya tuloy mapahalagahan ang kasalukuyan. Dahil doon ay nagpasya siyang suyuin ang dalaga at ipagtapat dito ang totoong dahilan ng pagsarado niya ng kaniyang puso.

Sa kanilang pagkikita ay naging maramdamin ang kanilang pag-uusap. Lumambot naman ang puso ni Rica nang malaman ang buong istorya.

“Ngunit ngayon ay nakita ko na ang pagkakamali ko, at handa akong unti-unting magbago para kay papa, sa kompanya, at mahahalaga sa akin,” malamang sabi ni Roel.

Nang linggo ding iyon ay bumalik sa trabaho si Rica. Kapuna-puna ang pagbabago sa pakikitungo ni Roel sa lahat. Mas naging palangiti at mabuting boss ito. At tulad nga ng pakiramdam ni Don Consuelo, binubuksan na nito ang puso para kay Rica. Ilang buwan lang ay nagpaalam itong manligaw.

Ang kabutihan at pasensya ni Rica ang unti-unting nagbukas sa nakasaradong puso ni Roel. ‘Di nagtagal at sinagot din ito ng dalaga. Naging masaya ang pagsasama ng dalawa.

Akala dati ng binata ay hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong sumaya. Mabuti na lang at may mga tao sa buhay niya na nagpalaya sa kaniyang puso para muling umibig at magtiwala.

More Stories