Ilang Taon na ang Pinagsamahan ng Magkaibigang Ito; Hindi Siya Makapaniwala sa Itinatagong lihim Nito

“Ay, naku ka, Juday! Itagay natin ‘yan! Sabi ko naman kasi sayo hindi ba, lumayo ka na, iwan mo na ‘yang walang kwenta mong asawa. Sabihan mo lang ako, wala pa naman ako asawa, sasamahan kita kahit saan!” parating linya ni Abby sa tuwina lamang na iinom sila ng kaibigan niya mula noong siya’y nagsimula magtrabaho pa lamang na si Judy.

“Tsk. Tsk. Tsk. Dapat talaga hindi na ako nagpakasal diyan eh! Wala nga kaming anak, perwisyo naman! Napakaraming babae! Hayaan mo, isang isa na lang talaga, promise, aalis na ako!” ang lagi rin namang sagot sa kaniya nito kahit na hindi iyon kailanman natupad.

Pagkatapos ng inuman ng magkaibigan, iuuwi na lamang siya ni Abby sa kanilang bahay. Wala naman lagi doon ang asawa ni Judy kaya nga tinutulak na siyang iwanan ang pinakasalang lalaki. Nang ihiga na si Judy, hinalikan niya ito sa noon at ngumiti kahit na may lungkot sa mga mata nito.

Ilang araw lamang matapos iyon, muling nakita ni Abby ang post ng kaniyang kaibigan na magkaayos na naman sila ng kaniyang asawa. Napabuntong hininga na lamang siya habang kinakain ang kaniyang hapunan na mag-isa. Maya-maya lamang ay tumawag na ang mga pamangkin niyang nanghihingi na ng allowance. Siya kasi ang nagpapaaral sa mga ito dahil wala siyang sarili niyang pamilya.

Araw-araw, hindi kailanman pumalya si Abby na kamustahin at batiin ng pabahagya si Judy. Nag-aalala kasi siya dito baka isang araw na lang eh mabalitaan niyang sinaktan na ito ng asawa nito. Kahit pa hindi siya nakakatanggap ng mensahe pabalik galing sa kaibigan, hindi siya tumitigil.

Isang tanghali, karipas ang takbo ni Abby nang makatanggap ng mensahe kay Judy na nanghihiram ng pera dahil nasa ospital daw siya. Nang marating ang ospital, natagpuan niya na nakaupo sa may lobby nito si Judy. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang ayos lang ang kaibigan.

“Abby…” paiyak na sabi ni Judy sa kaibigan.

“Abby, si Ben, sumakit tagiliran, appendicitis daw… Wala akong malapitan… tulungan mo ko, please?” dagdag pa nito.

Advertisement

Tumitig si Abby sa mukha ni Judy na kitang-kita ang pag-aalala dahil sa kalagayan ng asawa nito. Hindi naman niya kayang tanggihan ito. Kahit nga siguro na walang-wala siya, tatakbo siya para sumaklolo sa kaibigan. Ganoon ka espesyal si Judy sa buhay ni Abby.

Lumipas ang ilang araw pa, matagumpay na naoperahan si Ben gamit ang pera ni Abby. Nakauwi na rin sila sa wakas at kahit nga mga gamot nito, ay nakaasa pa rin sa kaniyang kaibigan. Sobra naman ang pasasalamat ni Judy sa kaniyang kaibigan. At sapat na ang ngiti nito para kay Abby.

Matapos ang nangyari, muli na namang hindi nagparamdam si Judy kay Abby. Bumalik na naman normal ang buhay ng dalawa. Si Abby na abala sa trabaho, sa kaniyang mga pamangkin, at sa pangangamusta sa kaibigan na hindi naman sumasagot. Ngunit ayos lang, tulad nga noon, ganito naman lagi at sanay na siya.

Hindi lamang isang buwan ang lumipas. Buwan na rin na hindi niya nakakausap si Judy. Hindi sumasagot at kapag pinupuntahan niya, wala daw doon sa kanilang bahay. Hindi siya mapalagay, hindi sa kinakabahan siya, kundi dahil nais na niya muli makita ang mukha nito at marinig ang tinig nito.

Hanggang sa isang umaga, nagising si Abby sa isang nakakagimbal na pangyayari. Ang kinakatakutan niyang pangyayari ay naganap na nga. Nabalitaan niya na na-ospital daw si Judy dahil sa labis na pagdurugo nito dala ng pambubugbog ng asawa nito sa kaniya.

Nadatnan ni Abby ang kaibigan na halos hindi niya makilala. Sobrang payat nito, puno ng pasa, at lubog ang mata dahil sa labis na pambubugbog. Iyak nang iyak si Abby sa kaniyang kaibigan. Hindi niya ito mahawakan dahil labis ang kaniyang awa sa sitwasyon nito.

Habang nagpapagaling sa ospital si Judy, gumawa na ng mga hakbang si Abby para mapakulong si Ben sa kaniyang ginawa sa kaibigan. Nagtagumpay naman siyang maipakulong ito na lingid sa kaalaman ni Judy. Araw araw naman, inaalagaan nang mabuti ni Abby ang kaibigan hanggang sa gumaling na nga ang kalagayan nito. Patuloy man na hinahanap ang asawa, alam ni Abby na tama lang ang kaniyang ginawa.

Nang makauwi, nagpasalamat si Judy nang lubos sa kaniyang kaibigan. Mangiyak-ngiyak pa ito dahil talaga namang swerte siya na nakilala ang kaniyang matalik na kaibigan na hindi siya pinabayaan kailanman.

Advertisement

Payapa na ang lahat at habang abala si Abby sa pagluluto ng pansit na apborito ni Judy, bigla na lamang itong kumatok sa kaniyang pintuan. Natuwa siya nang makita itong naghihintay sa labas ng kaniyang gate. Nakatakda niyang sorpresahin ito ngunit himala dahil nauna na itong magpunta sa kaniyang bahay.

Pagbukas pa lamang, isang malakas na sampal ang inabot niya mula kay Judy. Galit na galit ito habang umiiyak sa harapan ng kaibigan.

“Ano’ng karapatan mong ipakulong ang asawa ko? Sinabi ko bang gawin mo ‘yon? Sinabi ko bang tulungan mo ‘ko? Abby, kaibigan lang kita! Asawa ko ‘yon!” atungal ni Judy sa kaniyang kaibigan.

“Hindi ba tama naman ginawa ko? At least ngayon malaya ka na, magpasaya ka na, kasi sa kaniya wala kang kinabukasan. Judy, ang tagal na… pati kasarian ko pinagpalit ko para lang mapalapit sa’yo… Akin ka na lang.. Please, Judy… Please…” isang pa gamin na nanggaling kay Abby.

Sa sobrang bigla sa kaniyang nalaman, tumakbo paalis si Judy. Hindi niya akalaing ang matalik niyang kaibigan ay isa pala talagang lalaki! Pakiramdam niya ay napaksama niyang tao at wala ng patutunguhan pa ang buhay.

Lumipas ang ilang linggo, muling hindi nagparamdam si Judy sa kaniyang kaibigan. Pinupuntahan niya ito subalit nakasara lamang ang pintuan nito.  Ngunit isang araw, umalingasaw na lamang ang baho ng isang nabubulok na ban*gkay pala ni Judy dahil kin*til nito ang sarili noong araw na nalaman niya ang tunay na pagkatao ng kaibigan. Lahat ng kaniyang kabiguan sa buhay, sa asawa, at sa kaibigan ang nagtulak na gawin ito.

Hinagpis at pagsisisi naman ang tanging naramdaman ni Abby habang hinahatid sa huling hukay ang kaniyang matalik na kaibigan at pinakamamahal na babae. Kung sana lamang ay nagpakatotoo siya sa kaniyang sarili, baka nandito pa ang babae at kasama niyang namumuhay bilang mag-asawa.