Inday TrendingInday Trending
Trinaidor ang Babaeng Ito ng Kaibigang Inakala Niyang May Malasakit sa Kanya, Pagkalipas ng Ilang Taon ay Plinano Niya ang Pinakamalupit na Paghihiganti

Trinaidor ang Babaeng Ito ng Kaibigang Inakala Niyang May Malasakit sa Kanya, Pagkalipas ng Ilang Taon ay Plinano Niya ang Pinakamalupit na Paghihiganti

“Jane sakay ka na!” sigaw ng kaibigan niyang si Harley. Napangiti ang dalaga at saka sumakay sa magarang kotse ng kaibigan. Iisa lamang ang eskwelahang pinapasukan nila kaya naman halos araw-araw ay sinasabay siya ng kaibigan sa pagpasok. “Harley, nahihiya na ako sayo.” Napatingin sa kanya ang kaibigan habang nagdadrive, “Ano ka ba? Okay lang no. Okay nga ito eh, may nakakausap ako habang nasa byahe. Hindi boring.” Halos dalawang oras kasi ang bina-byahe nila mula Laguna hanggang Maynila kung saan sila nag-aaral. Pagdating sa eskwela ay pinagtinginan agad sila ng mga kaklase niya. Kilala kasi siyang anak-mahirap sa klase. Kaya bawat baba niya sa kotse ng kaibigan ay puro bulungan ang sasalubong sa kanya. “Harley, salamat ah,” ngumiti sa kanya ang kaibigan. Ngunit isang araw ay nagtaka si Jane dahil bigla na lamang nagbago ang kaibigan. Kahit nadadaanan siya nito sa kalsada ay hindi na siya binubusinahan nito upang batiin. Talagang nagtataka na siya sa biglaang pagbabago ng kaibigan. Hindi niya na napigil ang sarili at kinausap na ito nang maabutan sa cafeteria ng eskwelahan nila. “Harley pwede ba tayo mag-usap?” Hindi pa ito nakakasagot ay may tumawag na dito, “Harley!” Ngumiti ito at kumaway sa kumpulan ng mga mayayamang estudyante. Hindi siya pinansin nito at nagdiretso na doon. Kaya naman pinuntahan niya rin doon ang kaibigan, “Harley, anong problema?” “Bakit, Jane? Hinahanap mo ba ‘yung free ride?” nagulat siya sa sagot ng kaibigan. “Alam mong hindi ganoon ang ibig kong sabihin.” “Charity lang ‘yung ginawa ko sayo. Pinakita ko sa buong school na mabait ako. At ngayong sikat na ‘ko, di na kita kailangan.” Ilang taon ang lumipas ay nakapagtapos sina Harley at Jane sa pag-aaral. Nagkanya-kanya sila ng buhay at wala na ring naging balita si Harley sa dating kaibigang si Jane. Nakapagpatayo siya ng sariling business pero sa kasamaang palad ay na-scam siya at bumagsak ang negosyo. Naibenta niya ang kotse para malang maisalba ang sarili sa pagkakautang. Isang araw ay may nirekomenda sa kanyang investor para makapagpatayo muli ng negosyo. Nagdesisyon silang magkita sa malapit na coffee shop. “Wow, sports car,” bulalas niya nang makita ang magandang sasakyang nakapark sa tapat ng shop. Isang magandang babae ang kumaway sa kanya mula sa loob. Pumasok siya at nakipagkamay dito, “Ikaw po ba ang investor?” “No po, ako lang po ang secretary ni Miss Buenaventura.” Napakunot-noo siya, pamilyar sa kanya ang apelyidong sinabi nito. Tatanungin palang sana niya ang babae nang biglang makita ang babaeng papalapit sa kanila. “Kamusta, Harley?” “Jane?” nagulat siya nang umangat ang kamay ng babae. Napapikit siya sa pag-aakalang sasampalin siya nito pero nagulat siya nang maramdamang niyakap siya nito. “Namiss kita, Harley.” “Hindi ka ba galit sakin?” tanong niya dito. “Kahit kailan ay hindi. Ang tagal kitang hinanap. Alam ko namang napilitan ka lang sumama sa tropa mo noon. Gusto kong magpasalamat sa mga tulong mo sakin noong nag-aaral pa tayo. I think it’s time to give back your kindness to me.” Napaluha siya, “Salamat Jane!” Hindi maipaliwanag ni Harley ang mararamdaman. Sa dinami-rami nga naman ng pwedeng makabangga niya muli ang landas upang tulungan siyang makabangon muli, ito pa ang taong inapakan niya noon. Kung tutuusin, may karapatan itong magalit sa kanya at piliing maghiganti. Pero napakabuti ng puso nito na pinili paring mangibabaw ang pagkakaibigang meron sila noon. Pinili nitong alalahanin ang mga magagandang bagay na pinagsamahan nila kesa ang mga masasakit na bagay na ginawa niya. Hindi siya makapaniwalang ang taong trinaidor niya at sinaksak ng talikuran ay siyang tutulong sa kanya upang makabangon sa ngayo’y miserable niyang buhay. Bilog nga talaga ang mundo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement