Takot Magnegosyo ang Dalagang Ito, Hanggang Saan kaya Siya Dadalhin Nito?

“Bespren, bakit hindi mo na lang ipang-negosyo ‘yang mga perang nakaimbak lang sa bangko mo? Hindi naman ‘yan lalago d’yan, eh,” payo ni Winnie sa kaniyang kaibigan, isang hapon nang makita niyang malaki-laki na ang pera nito sa bangko.

“Wala naman kasi akong alam sa pagnenegosyo,” malamig na sagot ni Julie saka agad na tinago ang passbook niya na nakita ng kaibigan.

“Diyos ko! Sino ba nagsabing kailangan mong maging isang suma cum laude sa larangan ng pagnenegosyo bago ka magsimulang magbenta ng kung anu-ano, ha? Ang kailangan mo lang sa pagnenegosyo ay pangpuhunan, sipag, at tiyaga!” paliwanag nito sa kaniyang na ikinailing-iling niya.

“Basta ayoko magnegosyo! Baka mamaya, imbis na nananahimik ang pera ko sa bangko, malugi pa dahil hindi ako marunong magpatakbo ng negosyo!” katwiran niya rito.

“Naku, pagsisisihan mo ‘yan! Kung sakaling malugi ka, mababalik mo naman ‘yon basta magsumikap ka sa pagnenegosyo!” bulyaw nito sa kaniya saka inalog-alog ang ulo niya.

“Huwag mo akong turuan sa paggamit ng pera ko! Sasampalin kita riyan!” sigaw niya rito saka iti inambaan.

“Basta, huwag ka ring maiinggit sa akin kapag milyonarya na ako tapos ikaw, gan’yan pa rin ang halaga ng pera mo, ha?” taas kilay na sabi nito dahilan para siya’y mapairap.

Kahit ilang beses mang yayain ng kaibigan ang dalagang si Julie na pumasok sa mundo ng pagnenegosyo dahil nga mayroon naman siyang malaking ipon na pupwede niyang gawing pangpuhunan, palagi niyang binabalewala ang payo nito.

Advertisement

Bukod sa natatakot siya na baka malugi o biglang mawala ang perang pinag-ipunan niya gamit ang dugo’t pawis niya, wala rin siyang puso sa pagnenegosyo dahil para sa kaniya, swertehan lang iyon.

Pilit man siyang paliwanagan ng kaibigan niyang negosiyante patungkol sa benepisyo ng pagnenegosyo kaysa sa pagtatrabaho, palagi niyang sinasabi, “Wala akong alam sa pagnenegosyo!” na ikinaiinis tuloy nito.

At dahil nga ayaw niyang magnegosyo, patuloy niya lang na inimbak sa bangko ang kaniyang pera habang nagpatuloy naman sa pagnenegosyo ang kaibigan niya.

Ilang buwan silang hindi nakapagkita ng dalagang iyon dahil nga sa pagkaabala nito sa pagnenegosyo na talaga nga namang para sa kaniya, isang kabaliwan at pagsasayang ng oras ang ginagawa nito.

“Kung siya, nagtrabaho na lang din katulad ko, malaki ang tiyansang palagi pa rin kaming magkasama,” iiling-iling niyang sabi nang muli na naman siyang tablahin ng kaniyang kaibigan sa yaya niyang paglabas. Ngunit, isang araw, siya’y biglang nabigla nang makatanggap ng tawag mula sa kaibigan.

“Naku, parang masamang pangitain ‘to, ha? Nalugi na ba siya kaya tumatawag na siya sa akin? O, baka mangungutang?” patawa-tawa niyang sabi saka sinagot ang tawag, “Kamusta? Buhay ka pa pala!” bungad niya rito.

“Oo naman! Nagpakaabala lang ako sa negosyo! Ito na ako ngayon, may sarili nang tindahan sa isang mall! Pumatok sa masa ang mga binebenta kong damit galing Taytay! Sabi sa’yo, sumabay ka na pagnenegosyo ko, eh! Edi sana, triple na ‘yang ipong pera mo!” sabi nito na talagang ikinalaki ng mata niya.

“Totoo ba ‘yang sinasabi mo? Sa loob lang ng halos limang buwan, may tindahan ka na sa mall?” pang-uusisa niya pa.

Advertisement

“Oo! Kumikita ako ng halos kalahating milyong piso kada linggo dahil sa dami ng mga bumibili sa akin!” masiglang balita nito na talagang ikinapanghinayang niya.

Doon na siya nakapag-isip-isip na tama nga ang kaniyang kaibigan. Hindi lalago ang pera niya kung iimbak niya lang sa kaniyang bangko at siya’y matatakot na sumugal sa mundo ng pagnenegosyo.

Kaya naman, nang oras ding iyon, siya’y agad na nagpatulong sa kaibigan kung paano magnegosyo na labis naman nitong ikinatuwa.

Sakto namang may kakilala itong supplier ng mga make-up at doon na nga nagsimula ang mundo niya sa pagnenegosyo.

Malaki-laki man ang nailabas niyang pera dahil siya’y nagpagawa ng sarili niyang brand ng make-up, agad naman niya itong nabawi nang ipakilala na niya ito sa masa.

Dahil sa ganda ng kalidad ng make-up na kaniyang binebenta na talaga nga namang pasok sa budget ng mga dalaga, agad itong pumatok sa masa.

Halos tatlong buwan lang ang lumipas, siya rin ay nagkapwesto na sa mall, at pumantay na sa mga nagtataasang brand ng make-up sa Pilipinas.

“Ano, bespren, bilib ka na ba ngayon sa mundo ng pagnenegosyo?” nakangiting tanong ng kaniyang kaibigan habang binubusisi ang kaniyang mga paninda.

Advertisement

“Oo naman! Salamat sa’yo, hindi mo ako hinayaang maging t*nga at tinulungan mo akong maging matapang!” sagot niya saka niya itong mariing na niyakap.

Simula noon, ni minsan, hindi na siya muling nakaramdam ng takot sa pagnenegosyo. Bagkus, siya’y nagpatuloy sa pagpasok sa iba’t ibang klaseng pagnenegosyo hanggang sa matulungan niya na ang kaniyang buong angkan.