Inday TrendingInday Trending
Hindi Natupad ang Pangarap ng Dalaga Dahil sa Isang Malagim na Aksidente; Isang Tao Pala ang Magiging Daan Upang Makamit Niya ang Lahat ng Pinapangarap Noon

Hindi Natupad ang Pangarap ng Dalaga Dahil sa Isang Malagim na Aksidente; Isang Tao Pala ang Magiging Daan Upang Makamit Niya ang Lahat ng Pinapangarap Noon

Kilala bilang mabait ang masiyahin ang estudyante ng kursong Psychology na si Chelsea. Siya yung tipong nanaisin mong makasama sa tuwing hindi maganda ang araw mo. Ang masiyahin niyang pag-uugali at mga nakakatuwang biro ay talaga namang babago ng lagay ng loob mo.

Sinisikap niya na maiparamdam sa mga kaibigan at lalong-lalo na sa magulang ang pagmamahal. Isang araw habang kumakain ang kanyang ina at ama ay nakatanggap ito ng tawag mula sa dalaga.

“Hi mama!” bati ni Chelsea mula sa telepono.

“Oh anak? Bakit may problema ba? Hindi ba’t may klase ka, pero bakit bigla kang napatawag?” nag-aalalang tanong ng ina.

“Wala naman ma, gustong lang sabihin na namimiss na kita mama at gusto ko lang magpasalamat sa pag-aalaga mo sa akin,” malambing na sabi ng anak.

“Naku ang anak ko talaga naglalambing na naman. Salamat din anak kasi hindi mo ako binibigyan ng sakit ng ulo. O siya na at baka makaabala pa ako sa klase mo. I love you anak!” pagpapaalam ng ginang.

“I love you more, mama!” tugon naman ni Chelsea bago ibaba ang telepono.

Marahil ito na siguro ang pinakamasarap na pag-uusap ng mag-ina sa telepono, ilang araw lamang bago ang pangyayari na magpapabago ng kanilang buhay. Nagmamadaling umuwi noon si Chelsea nang biglang may mabilis na sasakyan humarurot mula sa likod niya.

Nabundol si Chelsea ng sasakyan at tumilapon ang katawan sa ‘di kalayuan. Walang kamalay-malay ang ina ng dalaga sa nangyari sa kanya. Isang oras lamang mula ng mangyari ang aksidente ay nakatanggap ng tawag ang ginang.

“Hello ma’am? Nais lamang po sana naming ipaalam na nabangga po ang anak ninyo at ngayo’y wala pa rin pong malay. Tinakbuhan po siya ng drayber na nakasagasa. Kung maari po sana ay pumunta kayo kaagad rito,” saad ng isang babae sa telepono.

“Sige. Ako’y papunta na diyan,” maluha-luhang saad ng ginang.

Nagmadali magpunta ang ina ni Chelsea sa ospital at doon nakita ang nakakaiyak ng sitwasyon ng anak. Kinailangan siyang ilagay sa Intensive Care Unit ng ospital habang nakakabit ang mga aparato sa katawan.

“Doc, ano pong mangyayari na sa anak ko?” tanong ng ginang.

“Sa ngayon po ay kailangan lamang natin siyang obersabahan, pero ikinalulungkot ko pong sabihin na ‘brain de*d’ na po ang anak ninyo dahil sa lakas ng impak na tinamo niya sa aksidente,” malungkot na tugon ng doktor.

“Paano ho iyon doc? Mabubuhay pa po ba ang anak ko?” muling tanong ng ina.

“Sa ngayon ay ang life support po ang gagana upang mapanatili siyang buhay, ngunit maging handa lamang po tayo sa mga mangyayari,” tinapik ng doktor ang balikat ng ginang at saka malungkot na umalis.

Makalipas lamang ang tatlong araw ay hindi na kinaya ng katawan ni Chelsea. Napagdesisyunan na lamang ng pamilya na ipahinto na ang ‘life support’ ng dalaga. Labis na lungkot naman ang hatid nito sa pamilya, mga kaibigan at ilan pang kakilala. Sa murang edad ay nilisan ng dalaga ang mundo.

Sa mga huling sandali ay nagawa pa rin magpasaya ni Chelsea ng mga tao. Nakarehistro pala siya ng mabigay ng mga ilang bahagi ng katawan para sa mga may sakit na nangangailangan, tulad na lamang ng isang bata na nangangailangan ng bagong atay.

Makalipas ang ilang araw, matapos ihatid sa huling hantungan ay napagdesisyunan ng ginang na iayos ang kanyang mga gamit. Habang nagsasamsam ay napansin niya ang isang papel na may sulat-kamay ng dalaga. Nakasaad sa papel ang mga ‘bucket list’ ng dalaga.

Nakasulat doon ang mga bagay na nais niyang gawin noong nabubuhay pa. Hindi naman mapigilan ng ina na hindi mapaluha sa mga nababasa lalo na nang mabasa niya ang nakalagay sa huling parte ng listahan.

Chelsea’s Bucket List:

  1. Sumakay sa isang hot air balloon.
  2. Makapunta sa Paris upang makita ang Eiffel Tower.
  3. Makapagtatag ng isang pundasyon na makakatulong sa mga mahihirap na estudyante upang makapag-aral.
  4. Makahiga sa malamig na niyebe.
  5. Makapagligtas ng buhay ng ibang tao.

Labis na pagkalungkot ng ina nang mabasa ang sulat ng anak, ngunit nagawa naman ng dalaga ang isa sa kanyang mga nasa listahan at iyon ay ang makapagligtas ng buhay. Ang ilang bahagi ng kanyang katawan ay nakapagligtas at nakapagbigay saya sa maraming tao.

Minabuti ng ina na ipaskil ito sa facebook. Gumawa siya ng isang misyon at nais na tuparin ang mga hangarin ng anak. Nakipagtulungan naman ang mga ilang mahal sa buhay at mga kaibigan ni Chelsea upang matupad ang misyong ito.

Isang buwan naman matapos kumalat sa Facebook ay may isang tawag na natanggap ang ginang. Kaya’t laking gulat niya nang malaman kung sino ito.

“Magandang umaga po!” bati ng babae sa telepono, “ako nga po pala si Irene, ako ang nakatanggap ng puso ni Chelsea,” saad pa nito.

“Hi Irene! Kumusta ka? Maraming salamat sa pagtawag, pero maari ko bang malaman ang dahilan sa iyong pagtawag?” magalang na tugon naman ng ginang.

“Nabasa ko ang misyong ipinaskil mo sa Facebook at nais kong maging parte nito upang tuparin ang mga pangarap ng iyong anak,” masiglang alok ng babae.

Labis na saya naman ang naramdaman ng ina ni Chelsea. Sa isang may edad na babae pala napunta ang puso ng dalaga, isang mayamang babae. Nakipagkita ito sa kanila at sinimulang gawin ang pangarap ng dalaga.

Sa isang pagdiriwang sa Pampanga ay nagtungo sila upang makita ang pagpapalipad ng hot air balloons. Sinubukan namang sumakay ng babae sa mga isa rito, kumuha siya ng litrato habang nakahawak sa kanyang dibdib, pinapakiramdaman niya ang bawat tibok ng pusong ibinigay sa kanya.

Nagtungo din sila sa Paris upang doon ay makita ang sikat na Eiffel tower, muli kumuha siya ng litrato habang nakahawak sa kanyang dibdib. Ibang klaseng karanasan ito para sa kanya.

Kahit na may katandaan ay para bang bumalik naman sa pagkabata si Irene habang nakahiga at nagpapagulong-gulong sa niyebe. Ito ang isa sa mga bagay na nais niyang gawin noon, ngunit hindi magawa dahil sa iniindang sakit sa puso. Kumuha muli siya ng isang litrato kasama ang ina ng dalaga.

Ginamit naman ng babae ang yaman upang magpatayo ng isang establisimento at kawanggawa na tutulong upang mapag-aral ang maraming estudyanteng kapos sa pinansiyal na suporta. Sinimulan nilang magbigay ng mga iskolarsyip at nakatulong na mapagtapos ang mga ito.

Dahil sa mga listahang ito ni Chelsea noon ay maraming buhay ang kanilang nabago, una na riyan si Irene na tumanggap ng kanyang puso, ang isang lalaki na tumanggap ng kanyang mga mata, at batang nakatanggap ng kanyang atay at ang daan-daang estudyante na nakapagtapos dahil sa kanyang listahan.

Hindi man pisikal na nakakasama ni pamilya si Chelsea, ngunit nakakaramdam siya ng saya na malamang madaming buhay ang nahaplos at nabago ng dalaga kahit na ito ay lumisan na sa mundong ibabaw.

Nakakalungkot man isipin na kinailangan pa niyang mawala bago pa isa-isang matupad ang mga pangarap, ngunit naging isang magandang daan naman ito upang marami pang pangarap ng iba ang matupad. Ito ay ang isa pinakamagandang alaala na kanyang iniwan kaya’t isisnunod sa pangalan niya ang kawangga na nabuo dahil sa kanyang listahan.

Advertisement