Kinahihiya ng Bata ang Amang Bakla na Naglalako ng Tinapa’t Daing, Labis-labis Pala ang Sakripisyo Nito Para sa Kanya
“Pa, kelan ka po ba magpapaka-lalaki?” tanong ng batang si Elise sa kanyang ama. Halos araw-araw ‘ata ay ito ang palagi niyang tanong sa ama. Paano naman kasi’y ang laki-laki na niya ay tinutukso pa rin siya ng mga kaklase niya na bakla daw ang tatay niya. “Hindi ko rin alam anak. Gustuhin ko man, pero ang hirap eh.” Napakamot siya ng ulo, “Ano po bang mahirap dun? Ang gagawin niyo lang naman po ay magbihis-lalaki at umaktong lalaki.” Umiling ito, “Hindi ganoon kadali ‘yun anak.” Gusto niya pa sanang magtanong nang magtanong sa ama ngunit ayaw niya nalang makipagtalo dito. Paulit-ulit nalang kasi sila pero wala namang nagbabago dito. Isang araw ay nagdesisyon siyang hindi pumasok sa eskwela. Sawang-sawa na kasi siya sa panunukso ng mga kaklase niya na bading ang tatay niya. Ngunit habang nasa kalagitnaan siya nang paglalakad ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sisilong na sana siya sa may waiting shed nang makarinig siya ng pamilyar na boses. “Sige na mamshie, bilhin mo na itey! Nang makauwi na ang beauty ko. Susunduin ko pa ang bebe labs ko sa school niya later.” Tawang-tawa ang matandang tumitingin ng paninda ni Ricardo, tatay ni Elise. “Ay naku Ricardo–” “Rica nalang mamshie!” Tawa pa rin ito nang tawa at may paghampas pa sa balikat ng ama niya, “Kung hindi ka lang talaga bakla, hindi ko papakyawin palagi ‘yang paninda mo.” “Kaya nga thankful ako na bakla ako, este sayo pala mamshie. Kasi always ikaw ang taga-ubos ng paninda ko.” “Hindi lang ako, Ricardo, I’m sure pati yung ibang customers mo mas pinipiling sayo bumili dahil naaaliw sila sayo. At yung anak mo kamo. Sigurado ako na tuwang-tuwa yun dahil napakaswerte niyang magkaroon ng isang amang katulad mo.” Kahit malayo ay kitang-kita ni Elise ang pagkalungkot ng mukha ng ama. “Magkano ba ito?” tanong ng matanda. Agad siyang ngumiti at sinagot ang tanong nito. Pagkatapos ay nagpasalamat ito sa matandang customer at umalis na. Sa ilalim ng malakas na ulan ay sumabay ang mga luha ni Ricardo. Kitang-kita ni Elise ang sakripisyo at pagmamahal sa kanya ng ama. Simula noon ay hindi niya na ito ikinahiya, bagkus ay minahal pa ito nang mas higit pa sa dati. Napagtanto niyang hindi sukatan ang kasarian ng kanyang ama upang magampanan nito ang responsibilidad bilang tatay. Mas maswerte pa nga siya sa iba kung tutuusin dahil may ama siya na nagpapakahirap mabigyan lamang siya ng maayos at komportableng buhay. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.