Inday TrendingInday Trending
Nakabitaw sa Nanay ang 5-anyos na Bata Kung Kaya Nawala Siya sa Mall, Kahanga-hanga ang Ginawa Niyang Diskarte Upang Makauwi sa Piling ng Ina

Nakabitaw sa Nanay ang 5-anyos na Bata Kung Kaya Nawala Siya sa Mall, Kahanga-hanga ang Ginawa Niyang Diskarte Upang Makauwi sa Piling ng Ina

“Ma, laro tayo sa arcade!” sigaw ng limang-taong gulang na si Jirel sa kanyang ina. Ngunit hindi siya napapansin ng ina dahil busy ito sa pakikipag-usap sa telepono. Tinatanong nito sa kapatid nito kung kamusta na ba ang bunso niyang anak. Si Jirel ay ang panganay na anak ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ama na si Jimel ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya naman tanging ang mama niya lang ang kasama niya sa bahay. “Anak, tandaan mo palagi ang bilin sayo ni mama ah. Hindi ako palaging nasa tabi mo. Kaya kapag may mangyari, be brave okay?” Sa murang edad ay matalinong bata na si Jirel kaya naman tandang-tanda niya na ang bawat bilin ng kanyang ina. Ilang oras matapos nilang maglibot sa department store ng ina ay napansin ni Jirel na ibang kamay na pala ang hawak niya. “Mama?” Agad niyang binitawan ang kamay ng ibang ginang. “Sorry po.” Gusto na niyang maiyak sa sitwasyon niya ngunit naisip niya ang sinabi ng mama niya, “Be brave.” Kaya naman pinilit niyang palakasin ang loob habang hinahanap ang ina. Pero lumipas ang ilang oras ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Sa paglabas niya ng mall ay may nakita siyang mga pulubi na nanghihingi sa mga tao sa labas. Doon ay nakaisip siya ng isang paraan. “Palimos po…” Halatang nagulat ang mga taong hinihingan. Dahil bukod sa wala siyang kadusing-dusing sa katawan, ay ang ayos pa ng damit niya. “Para saan itong hinihingi mo hijo? Hindi ka naman mukhang pulubi,” tanong ng isang napadaan sa mall. “Kailangan ko po kasing makauwi sa amin.” “Napakatalinong bata. Ito bente pesos oh.” Ngumiti si Jirel sa babae, “Salamat po!” Sampung piso nalang ang kulang niya. Nakikita niya kasi palagi sa ina kung magkano ang iniaabot sa driver kaya alam niya kung magkano ang pamasahe niya pauwi. May ilang binigyan siya ng piso o dalawang piso. Meron namang pagkain ang binigay sa kanya. Hanggang sa wakas ay makaipon rin siya ng sapat na pera. “Yes! Makakauwi na ‘ko.” Sumakay siya ng bus at umupo malapit sa driver. Sinabi niya dito kung saan siya dapat ibaba. Inabot niya rin ang bayad niya sa takang-takang driver. Ilang minuto nagtagal ang kanyang byahe, “Andito na tayo, boy.” “Salamat po,” aniya sabay baba ng bus. “Jirel!” rinig niya agad ang tinig ng ina pagkababa ng bus. Iyak nang iyak itong niyakap siya, “Mama, naging brave po ako.” Proud na proud siya sa sarili. Naramdaman niyang lalong humigpit ang yakap ng ina, “Salamat anak. At umuwi kang ligtas sa akin. Alam kong matalino ka at matapang kaya naman nagtiwala talaga ako na uuwi ka agad sa akin.” “Thank you po sa mga bilin niyo mama.” Makalipas ang maraming taon at ngayon ay isa nang ama si Jirel. Palagi niyang ikinekwento sa kanyang mga anak ang nangyari sa kanya noong bata pa lamang siya. Ipinamana din niya sa mga ito ang nag-iisang bilin sa kanya ng ina na maging matapang sa lahat ng unos at pagsubok sa buhay. Na wag pangungunahan ng takot. Dahil kagaya ng ginawa niya noong bata pa lamang siya, hindi siya nagpatalo sa takot at positibo siyang kakayanin niyang makauwi sa piling ng kanyang mama sa murang edad. Ito ang dahilan kung bakit lumaki siyang maabilidad. Naging susi ito upang magtagumpay siya sa buhay. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement