Inday TrendingInday Trending
Palaging Bugbog Sarado sa Ama ang Anak na Bakla, Pagdating ng Panahon ay Ito pa Pala ang Mag aalaga sa Kanya

Palaging Bugbog Sarado sa Ama ang Anak na Bakla, Pagdating ng Panahon ay Ito pa Pala ang Mag aalaga sa Kanya

Malungkot na pinahid ni Edsy ang kanyang mga luha, nakaharap siya sa salamin at tinititigan ang sarili. Kalat kalat na lipstick at eyeliner, mukha siyang binugbog, sabagay, totoo naman kasi iyon. Binugbog nanaman kasi siya ng kanyang ama. Sinubukan niya namang sundin ito, pero wala, talagang pusong babae siya. 16 taong gulang pa lang siya ay naramdaman niya na iyon, matagal niyang inilihim dahil umaasa siyang magbabago pa. Pero heto siya ngayon, 26 taong gulang na at napakalambot pa rin. “Wala kang kahihiyang hay*p ka! T*ngina mo, babalandra ka sa kalsada na naka-lipstick, g*go ka talagang lalaki ka!” sabi ng tatay niya na paulit ulit idinidiin sa mukha niya ang katotohanang isa siyang lalaki. “Tatay, sinubukan ko naman po.” sabi niya rito habang umiiyak. Lalong nagalit ang ama at akmang susuntukin siyang muli. mabuti at pinagitnaan ito ng kanyang ina. “Emong! papatayin mo ba ang anak mo?!” galit na sabi nito sabay yakap sa kanya. Ang kanyang ina ang tangi niyang kakampi, ito lang ang nagmamahal sa kanya kahit na ano pa sya. Ang mga kuya niya kasi ay pareho ng tatay nila na ikinahihiya ang pagiging bakla niya. Nagpatuloy nang ganoon ang buhay ni Edsy, nasanay na siya sa katotohanan na kahit kailan ay hindi na siya matatanggap ng kanyang ama. Bakit nga naman ito mag aaksaya ng panahon sa anak na bakla kung may iba naman itong anak na ‘matino’ at hindi naghahatid ng kahihiyan sa pamilya? Lumipas ang panahon at ngayo’y 72 taong gulang na ang ama ni Edsy, ang kanyang ina naman ay matagal nang pumanaw. Nag-alisan na ang mga kuya niya at sumama sa kani-kaniyang pamilya, labag man sa kalooban ng ama ay naiwan na itong mag isa kasama ng anak na bakla. Dahil sa pagiging manginginom noon ay ngayon sinisingil ng tadhana ang lalaki, naglabasan ang iba’t ibang sakit sa kanyang katawan dahilan upang siya’y maging baldado. Kahit pag ihi at pagdumi ay hindi niya magawang mag isa. “Lakasan mo sabi ang electric fan, itutok mo sa akin.” kahit na mahina na ang matanda ay hindi pa rin nito kinakausap ng maayos ang anak, tuwing susulyap kasi siya rito ay isang malaking kahihiyan ang nakikita niya. “Yan ‘tay, ayos na ho?” tanong ng anak. “I-urong urong mo pa. Araw araw mo na tong ginagawa hindi mo pa rin kabisado! T*nga t*nga ka talaga eh, puro ka kabaklaan talaga eh,” panenermon ng matanda. Tahimik lang naman si Edsy, sa mga ganitong pagkakataon ay hindi na niya iniintindi ang ama. Pagkatapos niyang ayusin ang electric fan ay muli na siyang lumabas ng kwarto, dadating kasi ang kaibigan niyang si Joji, pag uusapan nila ang tungkol sa beauty contest na sinasabi nito, pangdagdag gamot din kasi ng tatay niya kung mananalo siya roon. Si Mang Emong naman ay nanatiling nakahiga, nakapikit ang mga mata niya pero gising siya. Narinig niya ngang dumating ang kaibigan ng anak. “Bakla ka! Bakit ang losyang mo ‘te?” biro ni Joji. Napaismid ang ama nang marinig ang matinis na boses na iyon, mga hitad! walang kwentang mga binabae, sa isip isip niya. “Tinulungan kong humiga kasi si tatay kanina, alam mo namang mabigat na siya. Ano, pahihiramin mo akong gown?” tanong ni Edsy sa kaibigan. “Oo naman, dalawa dapat para bongga diba, may pagchange outfit. Ano na! Sukat mo na! Sigurado akong panalo ka dito girl, ” sagot dito ni Joji. Kapal ng mukha, por que hindi na ako makatayo rito ay puro kahihiyan na ang pinaggagawa, sa isip isip pa rin ni Mang Emong. “Kailangang manalo ako, pambili ng gamot ng tatay.Kawawa naman pag hindi nakakainom eh, sumasakit ang tagiliran.” sagot naman ng kanyang anak. Hindi man aminin ay parang nakunsensya si Mang Emong sa narinig na sagot ng anak, kung mapahiya man ito ay para pala sa kanya. “Bakla, di kamo kita gets. YangTatay mo, diba inuumbag ka nyan? Alam mo pwede mo namang iwanan na lang siya, di ka naman mahal niyan eh. Nagpapakahirap ka pa sa kanya nasi-stress ka lang sa mashundang yan.” sabi ni Joji. “Baliw ka. Kahit ganyan siya, tatay ko yan. Kung papipiliin ako sa ikalawang buhay ko siya pa rin ang gusto kong tatay. Oo nga at hindi niya ako mahal, pero ako, mahal ko siya,ayos na yun. Tumigil ka nga dyan.” Tila binuhusan naman ng malamig na tubig si Mang Emong sa narinig. Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ang bisita ni Edsy, ang matanda naman ay nakatulala sa kwarto nang pumasok doon ang anak. Minasdan ng matanda ang bawat galaw ni Edsy. Inilagay nito sa cabinet ang mga tinuping damit niya. Maya maya ay may dala ito palanggana na panglanggas niya, maingat nitong inilublob ang bimpo doon at sinimulang langgasin ang mga paa niya. “Tay, nagugutom ka ba?” tanong nito sa kanya habang pawis na pawis dahil wala itong electric fan. Hindi sumagot ang matanda, nakatitig lang siya. Ano ang ginawa ng kanyang anak para parusahan niya ng ganoon? Buong buhay nito ay minahal siya, bakit niya ito sinaktan? Siya dapat ang nagpoprotekta dito, pero siya pa ang kauna unahang nananakit. Ang lahat ng anak na ipinagmalaki niya ay iniwan na siyang mag isa, pero heto si Edsy- ang bakla, ang kahihiyan, ang laki niyang binubugbog, minamahal at inaalagaan siya nang walang reklamo.Tama, minsan ay mas lalaki pa kaysa sa lalaki ang bakla. Patuloy pa rin sa paglalanggas si Edsy nang hawakan ni Mang Emong ang kamay niya. “Tay?” takang taka naman ang anak sa inaasal ng ama. “Anak, mahal kita. Patawarin mo ang tatay..” kusang lumabas iyon sa bibig ng matandang lumuluha na. Hindi alam ni Edsy kung bakit pero bigla niyang nayakap ang matanda, doon ay humagulgol siya. Sa wakas, ay naramdaman niyang mayroon siyang ama. “Tatay, hindi naman ako galit sayo eh, matagal na kitang pinatawad..” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement