Sa Sampung Anak ng Isang Matandang Ulyanin ay Wala Siyang Nakilala, Sa Halip ay ang Manugang Pa ang Hinanap Niya
Hindi malaman ng mga anak ni Aling Lumen kung bakit ‘ni isa sa kanila ay walang nakikilala ang kanilang ina. Sampu silang magkakapatid pero walang pinalad na makilala ng ina. Kilalang matandang ulyanin na si Aling Lumen na nanay ng sampung magkakapatid sa bayan ng Dasmarinas. Ito kasi ang araw na itinakda upang isakatuparan ang last will and testament ng ama nila na asawa ng matandang babae. Naglalaman ang testamento na kung sinumang tao ang makilala ng matanda ay ang siyang magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian. Halos pigain na ng mga anak ang nanay nila makilala o maalala man lang nito. Hanggang sa sumapit ang gabi at dumating mula sa probinsya ng Bicol si Jamie, ang asawa ni Gerard, ang ika-siyam na anak ng matanda. Dati silang kasama ng matanda sa bahay hanggang sa mamatay sa aksidente bunsong anak ni Aling Lumen. Doon lalong tumindi ang sakit na Alzheimers ng matanda. Wala na siyang nakikilala at bumalik sa pagkabata ang pag-iisip nito. “Nay, kamusta na po kayo?” mahinahong tanong ng balo ng kanyang anak. Napangiti ang matanda, “Ayos lang ako, Jamie. Si Gerard, asan na?” Gulantang ang lahat. Nakilala ng matanda ang manugang nito! Nagtaka ang iba samantalang ang iba nama’y nainis dahil alam na nila kung sino ang pamamanahan ng buong kayamanan ng kanilang ama. Naroon pa man din ang kanilang abogado na kanina pa naghihintay ng resulta. Nakahinga ito nang maluwag nang sa wakas ay may makilala na ang matanda. Inumpisahan na nitong ayusing ang mga papeles. “Bakit ikaw lang ang nakikilala niya?” tanong ng abogado sa babae. “Siya nag-alaga sa akin. Hugas niya pwet ko, sila ni Gerard kong bunso,” si Aling Lumen ang tumugon. “Sino po ba ang iba niyong anak?” nagbakasakali pa rin ang abogado. Agad na umiling ang matanda, “Wala. Wala na akong ibang anak. Si Gerard lang pati ito,” turo niya kay Jamie, “Manugang ko siya. Bait ‘yan. Siya nagpapakain sa akin, nagpapaligo, kinakantahan niya pa ko bago matulog. Mahal ko ‘yan si Jamie.” Napaluha agad si Jamie sa narinig. Hindi niya akalaing ultimo ang matandang may Alzheimers na ay magagawa pang maalala ang kabutihan nilang mag-asawa. Naalala niya ang asawang si Gerard. Kung hindi lang talaga siya pianalis noon ng mga kapatid nito ay hindi niya sana nagawang iwan ang matanda. Pero ngayon ay buo na ang karapatan niya para manatili sa tabi ni Aling Lumen. Sa tabi ng byenan niyang tinuring niya na ring parang isang tunay na ina. Sa wakas ay matutupad niya na ang pangako sa yumaong asawa, “Ako nang bahala kay Mama, mahal, huwag ka ng mag-alala.”
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!