Inday TrendingInday Trending
Nagpanggap na Bulag ang Bata nang Masaksihan ang Isang Malagim na Pangyayari; Siya ang Tetestigo para sa Hustisya

Nagpanggap na Bulag ang Bata nang Masaksihan ang Isang Malagim na Pangyayari; Siya ang Tetestigo para sa Hustisya

Nasa kailaliman na ng gabi nang maging maingay sa lugar na iyon ang balita ng biglaang pagkakaospital ni Aling Beverly. Ang mabait na matandang dalagang may kaya sa buhay na noon pa man ay nilalapitan na ng kaniyang mga kabarangay sa tuwing sila ay nagigipit.

Ayon sa pulisya ay may nagtangka raw nang masama sa buhay ng matanda kaya naman ngayon ay nasa kritikal itong kondisyon.

Para sa mga kapitbahay at kakilala ni Aling Beverly ay hindi ka tanggap-tanggap ang nangyari dito lalo pa at napakabait nga nito. Ayon pa nga sa marami ay wala naman silang nababalitaang kaaway ni Aling Beverly dahil nga likas na mabuting tao ang matanda.

Natagpuan ang ito ng mga pulis na himbing na himbing sa kaniyang higaan. Kung mamasdan pa nga ito ay animo natutulog lamang. Kung hindi pa ito sinuring mabuti ng mga pulis ay hindi nila mapapansing hindi na nga ito humihinga pa. Mabuti na lamang at nadala nila ito kaagad sa ospital at doon ay na-revive pa ng mga doktor ang matanda. Iyon nga lang, wala pang nakakaalam sa ngayon kung kailan o kung magigising pa nga ba ang matanda dahil kritikal na ang lagay nito. May namuo raw kasing dugo sa ulo nito sanhi ng malakas na pagkakauntog nito na ayon pa sa mga pulis ay sinadya ng salarin.

Isang batang tindero ng suman ang naging daan upang malaman ng mga pulis ang nangyari sa matanda. Si Atong, ang suking tindero ng suman ni Aling Beverly.

Alas sais y medya ng gabing iyon ay humahangos itong nagtungo sa istasyon ng pulisya upang isumbong ang ‘di umano’y ginawang pananakit ng isang lalaki kay Aling Beverly.

Samantala, huminga nang malalim ang labing isang taong gulang na batang si Atong upang kalmahin ang kaniyang sarili. Kasama ang kaniyang ina ay kaharap niya ngayon ang mga pulis na handa nang magtanong sa kaniya tungkol sa totoong nangyari sa matanda.

“Hijo, huwag kang matakot, ha? Magsabi ka lang ng totoo at huhulihin natin ang gumawa nito kay Aling Beverly,” ang mahinahong sabi ng pulis kay Atong na agad namang tinanguan ng bata.

“Ano ang nakita mong nangyari kanina sa bahay nina Aling Beverly?” dagdag pa ng pulis.

Sa tanong na iyon ay napatulala si Atong dahil malinaw na bumalik sa kaniyang alaala ang nasaksihan kani-kanina lang…

Dala ang kaniyang bisikleta ay nagtungo si Atong sa kalapit na barangay upang mag-deliever ng mga sumang in-order sa kaniya ng suki niyang si Aling Beverly para sa nalalapit na undas. Luto ito ng kaniyang ina na siya namang paboritong-paborito ng matanda.

Nang marating ni Atong ang bahay ng matanda ay matagal siyang tumawag sa gate nito ngunit walang sumasagot. Alam naman ni Atong na mahina na ang pandinig ni Aling Beverly kaya naman sanay na siyang hindi nito naririnig ang kaniyang mga tawag lalo na kung ito ay nasa loob ng bahay.

Minabuti ni Atong na pumasok na lamang sa bakuran nito tutal ay binili nan naman siya noon ng matanda na kung hindi nito maririnig ang kaniyang pagtawag ay hanapin na lamang niya ito sa loon ng bahay.

Ngunit hindi inaasahan ni Atong ang masasaksihan sa pagsilip niya sa bintana ng bahay ni Aling Beverly…

Isang lalaki kasi ang nakita niyang nananakit sa matanda! Iniuumpog nito sa pader ang ulo ng kawawang si Aling Beverly hanggang sa mawalan na ito nang malay!

Labis ang takot na naramdaman ni Atong nang mga sandaling iyon. Akma siyang tatakbo na sana upang humingi agad ng saklolo nang bigla siyang tawagin ng lalaki!

“Hoy, sino ka at anong ginagawa mo rito?!” galit na tanong nito sa kaniya.

Mabilis na nag-isip si Atong at kinalimutan ang kaniyang nararamdaman takot. Humarap siya sa lalaki at umaktong normal kasabay ng pagpapanggap niyang wala siyang nakikitang kahit ano…

“Naku, kuya, kanina pa po kasi ako tawag nang tawag. Nandiyan po ba si Aling Beverly? Magde-deliver lang po ako ng suman. Order niya po kasi ito, eh,” walang kurap na ani Atong.

Nilapitan naman siya ng lalaki at sinuri kung totoo nga bang wala siyang nakikita. Ginalingan namang lalo ni Atong ang kaniyang pagpapanggap at naniwala naman ito.

“Dapat hindi na nagtitinda ang mga katulad mong bulag nang ganitong oras. Baka mapahamak ka sa daan. Natutulog na ngayon si Aling Beverly mo kaya bukas mo na lang ibigay ’yang paninda mo. Umuwi ka na muna, bata.” Kitang-kita pa ni Atong ang pagngisi ng lalaki habang sinasabi iyon ngunit minabuti niyang magpasalamat na lamang at madaling umalis sa lugar.

Matapos niyang ikuwento ang pangyayaring iyon sa pulisya ay agad nilang ipinatukoy sa kaniya ang lalaking kaniyang tinutukoy at iyon ay walang iba kundi ang pamangkin ni Aling Beverly sa kaniyang second cousin na kilalang lulong sa bisyo!

Agad na hinuli ng mga pulis ang lalaki.

Nang magising ang matanda ay laking pasasalamat niya sa katapangan at katalinuhan ng batang si Atong. Tuluyan nang nabulok sa likod ng bakal na rehas ang lalaking gumawa ng masama kay Aling Beverly habang ang batang si Atong naman ay pinangakuan niya ng tulong bilang pabuya. Bukod doon, itinuring itong batang bayani ng kanilang lugar at marami rin ang nagpaabot ng tulong para dito.

Advertisement