Nang Magkagipitan ay Iniwan ng Lalaki ang Kawawang Niyang Asawa; Hindi Inaasahan ang Biglaang Pag-asenso Nito Matapos Maiwan

Masaya at maginhawa ang pamumuhay ni Cherry noon kasama ang asawang si Jeron, isang OFW at ang kanilang mga anak. Tila ba wala na siyang mahihiling pa dahil matino ang kaniyang asawa, may maayos na trabaho at mababait ang kanilang mga anak.

Nang ma-promote sa trabaho si Jeron ay tila ba ‘instant’ ang kanilang pag-angat sa buhay. Ang dating payak na pamumuhay ay enggrande na ngayon.

Lahat ng bagay ay nakakayanan na nilang bilhin. Halos lahat ng masasarap na kainan ay nakainan na. Laging tambay sa mall at halos lahat ng pangangailangan ay abot-kamay na lamang nila.

Mula sa maliit na apartment, nakapagpundar ang mag-asawa ng sariling bahay at sasakyan. Talagang kaginhawahan ang nararanasan nila.

Lahat ay nagbago nang biglang kailanganin nila ang malaking pera. Tinamaan ng matinding sakit ang asawang lalaki at hindi magawang makapagtrabaho. Lahat ng pera ay nagamit na nila sa luho, pautang, at pagpapagawa ng bahay.

Dalawa ang anak nilang nag-aaral sa kolehiyo kaya’t doble rin ang kanilang gastos. Saan nila huhugutin ngayon ang napakalaking halaga para sa maraming gastusin?

“Diyos ko. Hindi ko na po alam kung saan ako lalapit para malagpasan ang problemang ito,” taimtim na dasal ni Cherry.

Lahat ng pinautang nilang pera ay walang bumalik kahit piso. Palaging rason ng mga ito’y “gipit rin kami ngayon kaya pasensiya na.”

Advertisement

Walang ibang magawa si Cherry kung ‘di ang lumapit sa mga gamahang nagpapatubuan sa kanilang lugar.

“Kailangan ko ng collateral para sa perang hinihiram mo. Tapos kaltas din agad ang tubo na 20% ha?” sabi ng babaeng mataba.

“S-sige po. Kailangan ko lamang po talaga. Ang ORCR na lamang po ng sasakyan namin ang ibibigay ko,” tugon naman ni Cherry.

“Babatakin ko ang sasakyan n’yo kapag hindi kayo nakabayad ha?” seryosong sabi naman ng matabang ale.

“Wag po kayong mag-alala, makakabayad naman po kami sa inyo,” medyo naiilang na sagot ng babae.

Isang araw nalaman na lang ni Cherry na pauwi na ang kaniyang asawa.  Hindi na raw nito kaya pang magtrabaho dahil sa iniindang karamdaman.

Tinamaan ng matinding sakit sa bato ang lalaki kaya’t nang makauwi rito ay agad silang nagpasuri sa ospital. Doon na-confine ang lalaki at nagpapagaling.

Habang lumilipas ang mga araw ay palaki ng palaki na ang bill sa ospital. Ubos na ubos na ang pera sa kanilang banko, kaya’t wala na silang mahugot pa.

Advertisement

Kabi-kabilang patubuan ang inikot ni Cherry malikom lang ang pera na kailangan ng asawa. Hindi na baleng malaki ang tubo, ang mahalaga nama’y gumaling ito.

Sa paglipas ng halos dalawang buwan, ipinatawag na ng kinauukulan si Cherry dahil hindi nakakabayad sa malaking utang.

“Ipakulong na lang kaya kita tutal lagpas ulo naman na ang utang mo!” sigaw ng matandang babae.

“P-pasensiya na po. Marami lang po talagang naging problema,” nahihiyang tugon ni Cherry.

“Aba, ay talagang problema ang ginawa mo! Napaka-kapal ng mukha mo para mangutang ng malaki tapos wala naman palang pambalik!” sigaw pa ng isang pinagkakautangan.

Matapos pagduru-duruin ay napagdesisyunan ng mga pinagkakautangan na batakin na ang mga appliances, alahas at ibang gamit na may halaga upang kahit papaano’y makaalwas sa utang.

Paano nga ba niya babayaran ang dalawang milyong utang na tumutubo pa rin hanggang ngayon?

Ipinagtapat ng babae sa asawa at mga anak ang sitwasyong kinalalagyan, ngunit imbes na tulungan ay nagalit pa ang asawa sa nalaman.

Advertisement

“Ang laki ng ipinapadala ko noon ah?! Saan napunta iyon?” galit na tanong ng lalaki.

“Pinampaaral sa mga anak, pinangpundar ng sasakyan at bahay na ngayon ay mawawala rin sa atin. Tapos ang iba ay ginamit pampagamot sa’yo!” iritableng sabi ng babae.

“Hindi ako naniniwala! Nilustay mo ang pera ko! Siguro ay nanlalalaki ka, ano?!” sumbat pa ni Jeron.

“Ano? Paano mo nasasabi iyan? Lahat ginawa ko para sa’yo at para sa anak natin. Ako ang sumambot ng problema ng pamilya ito! Bakit pinagbibintangan mo pa akong nanlalalaki ako dito?!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Cherry.

“Nabaon tayo sa utang dahil sa’yo! Ikaw ang gumawa niyan, kaya ikaw ang umayos niyan. Ayoko nang makisama pa sa’yo. Lintik na buhay ‘to!” umalis ang lalaki at iniwan ang mag-iina sa kanilang tahanan.

Niyakap naman ng mga anak ang naiwang ina na humahagulgol habang nakaupo sa lapag.

“Ano na ang gagawin ko?” pag-iyak pa ng babae.

Dahil sa sulsol ng biyenan, hindi bumalik si Jeron sa kaniyang pamilya. Matindi ang pagkaayaw kay Cherry ng biyenang babae. Kaya lahat ay ginawa nito upang bilugin ang ulo ng anak upang ‘di na bumalik sa asawa.

Advertisement

Parang isang kulog na umugong ang balitang hiwalay na ang mag-asawa. Ang kumalat pang rason ay nangabit daw kasi si Cherry kaya winaldas sa lalaki ang perang ipinapadala ng asawa.

Nasa punto na noon ang babae na tapusin ang sariling buhay. Pero napaiyak siya nang maalala ang ngiti ng mga anak. Hindi niya kayang iwan ang mga ito sa ganoong sitwasyon.

“Panginoon, kung nariyan Ka nga, kailangan ko ang tulong mo. Hindi ko na alam kung saan ko pa huhugutin ang lakas para lumaban. Pagod na po ako…” umiiyak na panalangin ng babae.

Nagtigil sa pag-aaral ang mga anak at lumipat ang mag-iina sa masikip at maliit na apartment. Kailangan nilang magtipid ng sobra.

Wala ibang magawa si Cherry kundi ang harapin ang bawat demandang inihahain sa kaniya. Tanging Diyos na lamang ang kakapitan niya sa laban na ito.

Wala nang ibang pang pwedeng pagpilian ang ginang kundi ang lumipad sa ibang bansa. Baka sakaling doon niya masumpungan ang kaginhawang inaasam.

Naging kasambahay siya at naging yaya ng isang matandang Pilipina na nakapangasawa ng foreigner doon.

“Alam mo, Cherry, sa’yo ko naranasan ang maalagaan nang ganito. Parang tunay na anak na talaga kita. Masyado kasing busy ng mga anak ko sa kani-kanilang mga buhay, kaya nakalimutan na ata nila na may ina sila rito,” biro ng matanda. Pero bakas sa mukha nito ang lungkot.

Advertisement

“Wag po kayong mag-alala, ako po ang bahalang mag-alaga sa inyo,” nakangiting saad naman ng babae.

“Salamat, anak… itinuturing na kitang para sarili kong anak,” naluluha pang sabi ng matanda at saka yumakap sa babae.

Sobrang minahal ng matanda si Cherry. Hindi rin kasi iba ang turing nito sa kaniya. Mahaba-haba pa ang kanilang pinagsamahan, ngunit sa paglipas ng panahon ay pumanaw ang matanda at kinailangan nang bumalik ni Cherry ng bansa.

Sa pagpanaw ng matanda ay hindi niya inaasahan ang huling regalong iniwan nito sa para sa kaniya. Sa kaniya iniwan ng matanda ang malaking bahagi ng yaman nito. Kahit mga anak ng matanda ay hindi rin makapaniwala. Nag-iwan rin ito ng maliit na liham.

“Ang pamilya ay hindi lamang sa d*ugo. Ang tunay na pamilya ay ang taong hindi ka iiwan sa panahon ng pangangailangan. Salamat, Cherry. Ipinaramdam mo sa akin ang tunay na pag-aaruga ng isang anak.”

Napaluha si Cherry nang mabasa iyon habang hindi makapaniwala ang mga anak ng matanda na kakarimpot lang ang yaman na iniwan sa kanila.

Gamit ang perang ipinamana ng matanda, umuwi si Cherry na dala ang bagong pag-asa. Nakabayad siya sa mga utang at napagtapos ang mga anak. Nagsimula siya ng munting negosyo na kaniyang pinagkukunan ng kita sa araw-araw.

Sinubukan naman bumalik ni Jeron sa lalaki ngunit mariing tinanggihan iyon ni Cherry.

Advertisement

“Iniwan mo ako sa panahong kailangan kita. Iniwan mo ako na walang kakapitan. Nakinig ka sa sulsol na wala namang katotohanan, tapos babalik ka ngayon ayos na ang lahat?” tanong ng babae.

“Pero Cherry… mali ako. Aminado ako dun-” hindi na natapos ang sasabihin nang lalaki dahil muling nagsalita si Cherry.

“Napatawad na kita kahit hindi mo hiningi sa akin iyon. Pinalaya ko na rin ang sarili ko sa sakit na dinulot mo. Sapat na ang lahat ng nangyari. Umalis ka, iniwan mo kami at hindi nagparamdam ng matagal na panahon. Wala nang espayo pa sa buhay ko para sa’yo. Pasensiya ka na,” malamig na tugon ng babae at saka tumalikod at umalis.

Napakalaking problema ang hinarap ni Cherry sa kaniyang buhay, pero sumandigan siya sa Diyos at naniwala sa sariling kakayahan, kaya ngayo’y tinatamasa niya ang kasaganaan at tagumpay sa buhay.

Masasakit man at matindi ang pinagdaanan, wala siyang pinagsisihan dahil baon niya ang lahat ng aral sa mga karanasan. Isang beses pa siyang lumingon sa nakaraan, may luha ang mga mata at ngiti sa labi, dahil sa buhay na ito, natutunan niyang maging malakas, matatag at higit sa lahat ay lumaban sa matinding hamon ng buhay.