Iniwan ng Binata ang Kasintahan Upang Magpakasal sa Iba; Laking Pagsisisi Niya nang Matuklasan ang Nakakaiyak na Lihim ng Dating Nobya

Mag-aanim na taon nang karelasyon ni Chloe ang gwapong lalaki na si Kenzo. Isang umaga, nagmamadaling bumangon ang dalaga upang kitain ang nobyo para sa isang malaking sorpresa. Napakahalaga ng araw na ito para sa dalaga, kaya naisipan pa niyang itala ito sa kaniyang cellphone, na nagsisilbing online diary niya.

April 18, 2017

“Nag-uumapaw ang saya ko ngayon lalo na sa nalalapit na pagkikita namin ni Kenzo mamaya. Sana ay maging maligaya siya sa malaking balitang dala ko,” masiglang itinala ng dalaga sa kaniyang cellphone.

Hapunan na noon nang makarating ang dalaga sa isang mamahaling restawran. Agad niyang sinalubong ng ngiti at mahigpit na yakap ang nobyo.

“Babe, alam mo ba na may good news ako sa’yo?!” masayang pagbungad ng dalaga.

“Actually, ako rin may importanteng sasabihin sa’yo, Chloe. Matagal ko na sanang gustong sabihin, pero hindi lang ako nabibigyan ng pagkakataon,” mahinang tugon naman ng binata.

“Ganun ba? Nako, sige, ikaw na muna ang mauna. Ano yung sasabihin mo?” nakangiting tanong ng babae.

Bahagyang natahimik naman ang binata. Huminga muna ito nang malalim at saka nagsalita, “I’m sorry, Chloe. I want to break up with you. Hindi ko na kayang lokohin ka pa. Palihim akong nakikipagkita sa iba habang tayo pa.

Advertisement

Hindi na kasi talaga ko masaya sa relasyon natin Pasensiya ka na… Hindi ako ang lalaking nararapat para sa’yo. Unti-unti nang nawawala yung pagmamahal ko sa’yo. Patawad talaga,” mahinang pahayag ni Kenzo.

“P-pero…” hindi naman na magawang magsalita ng dalaga dahil sa sakit na nadarama mula sa kaniyang mga naririnig.

“Sorry, Chloe. Last favor ko lang sana sa’yo, palayain mo na sana ako. Makakakilala ka rin ng lalaking magmamahal nang tapat sa’yo. Hindi na talaga ako masaya,” masakit na pag-amin ng binata.

Huminga nang malalim si Chloe at pilit na ikinakalma ang sarili, “kung mahal mo talaga siya, sige, pinapakawalan na kita. Patawad kung hindi ako sapat para sa’yo. Sanay ay maging masaya at kontento ka na sa kaniya,” mapait na pagkakasabi ng dalaga.

Tumayo at patakbong lumabas ng restawran ang babae. Dala-dala niya sa kanyang paglabas ang labis na kirot sa kanyang puso. Hindi na niya nagawang sabihin sa binata ang tunay na pakay niya. Nang makauwi naman ay ibinuhos niya sa kanyang online diary ang pait na nadarama.

April 18, 2017 – 10pm

“Ang saya-saya ko kanina bago makipagkita kay Kenzo, pero hindi ko inaasahang mapapalitan lamang pala ito ng labis na sakit at pighati. Hindi ko man lamang naibalita sa kaniya ang malaking sorpresa ko sana.

Kung sa iba niya matatagpuan ang tunay na saya, ipapaubaya ko na siya. Tadhana na lamang siguro ang bahalang gumawa ng paraan kung sakaling mulit kaming ibalik sa piling ng isa’t isa. Ngayon, kailangan kong tanggapin ang mapait na katotohanang wala na siya, wala na kami…”

Advertisement

Isang buwan lamang ang nakalipas noon. Hindi sinasadyang nakasalubong ni Chloe ang dating kasintahan sa isang department store. Kasama pa nito ang babaeng ipinalit lang naman sa kaniya.

“C-Chloe! Nandito ka rin pala? How are you?” pagbati ni Kenzo na tila ba wala silang pinagsamahan.

“O-okay naman ako. I-ikaw, kumusta ka?” utal-utal na tanong naman ni Czarina.

“Maayos naman din, pero teka nga, bakit bigla yatang bumagsak ang pangangatawan mo at nagiging maputla ang iyong mukha? Nagkasakit ka ba?” tila ba nag-aalalang tanong naman ng binata.

“Stress lang siguro sa work, pero ayos lamang ako,” malamig na tugon naman ng dalaga.

“Ah, siya nga pala, meet Krista, girlfriend ko,” pagpapakilala ng lalaki sa isang chinitang babae.

“Hi Chloe, finally na-meet din kita! Thank you sa pagpapaubaya mo kay Ken ha? Kundi dahil sa’yo, hindi matutuloy ang kasal namin next month. Sana makarating ka! Invited ka. Bilang dating nagma-may-ari sa puso ng boyfriend ko,” sarkastikong saad ni Krista na halatang inaasar ang kawawang si Chloe.

“S-salamat. Wag kayong mag-alala, makakarating ako. Congratulations sa inyo! Sana ay maging masaya kayo,” nakangiting sabi ni dalaga na pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nang bumagsak.

Advertisement

Hindi maitatanggi na labis ang sakit na nadarama ni Chloe nang sa pangyayaring iyon. Pakiramdam niya ay muling tinarakan ng patalim ang kaniyang puso. Isang malaking pagsubok ang magpiit ng luha at ipakitang ayos lamang siya habang kaharap ang dating nobyo at ang babaeng ipinalit sa kaniya.

Dumating ang araw ng kasal ni Kenzo at Krista. Gaya ng ipinangako ni Chloe, lakas-loob siyang nagpaganda at nagtungo sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Medyo mataas ang sinag ng araw noon at tila ba nakakapaso ang init ng araw.

Tumawid patungo sa kabilang kalsada si Chloe nang biglang isang malakas na ingay ang bumulabog sa payapang tanghali. Busina ito ng isang rumaragasang truck. Nabangga at nakaladkad ng truck na iyon ang dalaga.

Nagsigawan ang ilang mga tao, kaya’t nabulabog ang lugar doon. Pati na mga nasa loob ng simbahan ay lumabas upang makitang ang nangyayari. Napatakbo naman bigla si Kenzo nang makitang dugu*an at walang malay ang dating kasintahan.

“Kunin ninyo ‘yung sasakyan, dalhin natin si Chloe sa ospital, bilis!” malakas na sigaw ng lalaki.

Inuna ni Kenzo na dalhin sa ospital ang dalaga kaysa ituloy ang kasal. Kahit naman naghiwalay na sila, grabe pa rin ang pagmamalasakit niya rito.

Habang nasa operating room si Chloe ay hindi mapakali si Kenzo. Agad siyang napatayo nang makitang lumabas na ang doctor.

“I’m sorry. Ginawa na naman ang lahat para mailigtas siya. Pero hindi na kinaya ng katawan niya ang pinsalang idinulot ng aksidente. And I am sorry, napakasakit nitong sabihin para sa akin, wala na rin ang kambal na nasa sinapupunan niya,” malungkot na sabi ng doktor.

Advertisement

Nanlaki ang mata ng lalaki at napatakip ng bibig. Tama ba ang kaniyang narinig? Totoo ba lahat ng iyon? Bakit hindi man lamang niya nalaman na nagdadalantao pala ang dating nobya?

Binuksan niya ang cellphone na dala ni Chloe bago ang aksidente. Napansin niya roon na nakabukas ang tila ba isang online diary. Nasa huling pahina na iyon at tila ba kailan lamang natapos itala.

June 29, 2017

“Mga anak, malapit na kayong mag 4 months! Ang lungkot lang kasi ito na ‘yung last time na makikita natin si Daddy n’yo. Sayang kasi hindi man lang niya nalaman na parating na sana kayo para masilayan ang mundo, pero pangako, paglabas n’yo at nasa wastong gulang na kayo, ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat.

Sa ngayon, kailangan kong ipagkait sa inyo ang pagkakataon na makilala siya upang maging maligaya siya. Isa lang ang masisigurado ko sa inyo, sa hirap at ginahawa, hindi ko kayo iiwan gaya ng pag-iwan sa’tin ng daddy n’yo. Mahal na mahal ko kayo at mahal na mahal ko rin si Daddy Kenzo n’yo, kaya ito na lang ang paraang alam ko para matahimik na ang lahat, kailangan kong magparaya…”

Napaupo si Kenzo sabay bagsak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Ngayon ay labis ang pagsisisi niya sa ginawang pag-iwan at panloloko noon sa kasintahan. Nawala na ang babaeng minahal niya, nawala rin ang dapat sanang magiging mga munting kaligayahan nila.

Magsisi man siya ngayon, huli na ang lahat. Inuna niya ang sariling kaligayahan nang hindi iniisip ang magiging malaking epekto sa taong kaniyang iniwan. Lumipas man ang panahon, mananatiling bukas ang sugat sa kaniyang puso na iniwan ng masakit na pangyayaring iyon.