Halos Walang Makalapit sa Unica Hija Dahil sa Takot sa mga Maskuladong Kapamilya Nito; Isang Torpe Pala ang Makakasungkit ng Puso Niya

Unica hija si Alanis sa kanilang pamilya. Galing siya sa pamilyang mayroong matatas na tungkulin. Bilang nag-iisang babae, ingat na ingat ang lahat sa kaniya at tinuturing siyang tila ba isang prinsesa.

Labing apat na taon pa lamang si Alanis, ngunit nakapila na ang kaniyang mga manliligaw. Hindi talaga maipagkakaila na Diyosa ang ganda ng dalaga.

Kaarawan noon ng ama ng dalaga nang dumating ang kaniyang kaklaseng lalaki, si Edgar. Mayroon kasi silang project na kailangang tapusin at maipasa kinabukasan.

“Good evening po!” nakangiting pagbati ng gwapong lalaki. “Nariyan po ba si Alanis?” tanong pa nito sa mga nag-iinumang lalaki.

“Bakit? Anong kailangan mo ha?!” matikas na sagot naman ng isang lalaki, ang ama ni Alanis.

Napalunok naman ng bahagya si Edgar sa laki ng boses ng lalaki. Tila ba boses pa lamang ay lalamunin na siya nito.

“May g-gagawin p-po kasi kami n-ni Alanis…” nauutal-utal na sabi ng binatilyo.

“Bakit? Anong gagawin ninyo ha? Bakit kung kailan gabi na at may party ay saka ninyo pa naisipang gumawa?” tanong naman ng maskuladong lalaki, tiyuhin ni Alanis.

Advertisement

“Ipapasa n-na po k-kasi b-bukas…”

“Hijo, subukan mong dampian ng kahit daliri mo ang anak ko, sinisiguro ko sa’yo na kalansay mo lang ang lalabas rito, malinaw ba iyon?” nakatulala lang si Edgar sa mga ito. “Sagot!” sigaw pa ng lalaki.

“Opo!” napapiyok na sagot ni Edgar.

“Pulis ako, abogado naman itong tiyuhin ni Alanis, sundalo iyang pinsan niya at marunong sa martial arts ang kuya niya. Subukan mo lang mayroong gawin, talagang sinasabi ko sa’yo pulbos na lalabas ang kalansay mo!” pananakot pa ng ama ng dalaga.

Halos mawalan na ng d*ugo sa sobrang putla ang binata habang nagtatawanan naman ang mga nag-iinuman sa reaksyon nito.

“Papa naman e! Iyan na naman kayo! Kaya tuloy wala nang kaklase ko ang gustong magpunta rito,” pagsuway naman ng unica hija ng pamilya. “Halika na roon sa loob, Edgar. Simulan na natin iyong project!”

“Siguraduhin ninyong sa sala kayo gagawa ha? Bawal sa kwarto!” sigaw ng amaing pulis.

“Opo, papa!”

Advertisement

Gumawa ang dalawa ng proyekto, ngunit hindi sila makapag-pokus dahil sa ingay ng videoke at pagpari-parito ng mga tao.

“Sa kwarto na lamang tayo?” pag-aaya ng dalagita.

“H-hindi. Ayoko…” nanlalaki ang matang pagtanggi naman ng binatilyo.

“’Wag kang maniwala sa papa ko. ‘Di ka lalabas na kalansay o pulbo. Tara na!”

Natagalan rin ang paggagawa ng proyekto ng dalawa. Abala ang mga tao roon ngunit umusok ang ilong ng ama ni Alanis nang may makapagsabi na nasa kwarto ang dalagitang anak pati na ang kaklase nito.

Sama-samang nagpunta ang sundalo, pulis, abogado pati na ang martial arts expert na kapamilya ni Alanis upang pagalitan ito.

Mula sa ‘di kalayuan ay pinakinggan nila ang usapan ng dalawang kabataan.

“T-teka, hindi kasi pumapasok. Itama mo naman!” sabi ng boses ng babae.

Advertisement

“Saglit lang, first time ko kasi itong gawin kaya ang hirap,” sagot naman ng lalaki.

“Ako rin kaya, wait, dahan-dahan lang ha?” pakiusap pa ni Alanis.

Tila ba nangitim ang mga mata ng amang pulis at namula ang mukha sa narinig. Maya-maya’y isang tili ang kaniyang narinig mula sa kwarto.

“Aray! Bakit mo binigla? Ang sakit, dum*ugo tuloy!” sigaw ng dalagita na tila ba umiiyak.

“Walang hiyang totoy ‘to ah!” galit na sinipa ng lalaki ang pintuan ng anak at saka pumasok. “Hoy totoy, anong ginagawa n’yo?! Anong ginawa mo sa anak ko?!”

Napatili na tila ba babae rin naman si Edgar sa sobrang takot. “W-wala po! Maniwala po kayo, wala po akong ginagawa!”

“E ano ‘yung naririnig ko ha? Teka nasaan ba ang baril ko para naman magsabi ka ng totoo?!” Kinakapa ng pulis ang kaniyang tagiliran na tila ba naghahanap nga ng mali.

“Sir, maniwala po kayo. Hindi ko po hinawakan ang anak n’yo!”

Advertisement

“Bang!” sigaw ng pulis habang malakas na pinatunog ang mga palad.

Namutla ang binatilyo at tumirik ang mata sa sobrang takot.

“Papa naman e! Nag gagawa kami nitong 3D solar system o! Binigla kasi niya ‘yung pasok ng karayom sa styro foam kaya natusok ‘tong hintuturo ko. Bakit naman tinakot n’yo pa itong kaklse ko?” naiinis na sabi ng dalagita.

“Ah, e, akala ko kasi kung anong ginagawa ninyo,” natatawang sabi ng maskuladong ama.

Nagtawanan naman ang mga lalaki habang tinitingnan ang namumutlang binatilyo.

“Hoy! Hoy, totoy, bumangon ka na riyan!” pagtawag ng lalaki. “Huy!”

Napabalikwas si Edgar at saka umupo nang maayos.

“Gusto mo ba itong anak ko?” tanong ng pulis.

Advertisement

“P-po? H-hindi po!”

“Ano?! Bakit hindi? Napapangitan ka ba sa anak ko?”

“Papa naman e!” pagsuway pa ng dalaga.

“S-sir, wala po talaga akong ginawa sa anak ninyo. Malinis po ang intensyon ko at hindi ko kayang gawin iyon sa kaniya. Isa pa, mga bata pa po kami. Pangako po! Huwag ninyo lang po akong palabasin na kalansay,” takot na sabi ng lalaki.

Natawa nang malakas ang ama ni Alanis.

“Alam ko, totoy. Pero gusto mo ba ang anak ko? Sagot!”

“Opo! Gusto po!” sigaw ng binatilyo.

“Sa lahat ng lalaking nagpunta rito at nanligaw sa anak ko, tanging ikaw lang ang nakasagot ng ganiyan. Dahil diyan kapag nasa wastong edad na kayo, puwede mo nang ligawan ang anak ko,” sabi ng pulis habang tinatapik ang balikat ng binata.

Advertisement

“T-talaga ho?” natutuwang tanong naman ng binatilyo.

“Oo, kaya bumangon ka na diyan at kumain dun sa labas, tapos umuwi ka na, dahil baka magbago pa ang isip ko at umuwi kang wala nang buto,” muling pananakot nito.

“S-salamat ho!” pagpapaalam nito sabay tumayo at kumaripas ng takbo.

Ilang taon pa ang lumipas at naging magkasintahan din naman sina Alanis at Edgar, ‘di naman din naglaon ay inaya rin niyang magpakasal ang babae. Sa araw ng kasal bago pumasok ng simbahan ay kinausap muli siya ng ama ng babae.

“Tandaan mo, ‘pag niloko mo ang anak ko, yung dalawang nakalawit sa’yo, papasabugin ko, naintindihan mo?” muling pananakot ng ama.

“O-opo,” tugon ng namumutla na namang si Edgar.

Tinapik muli ng ama ng babae ang balikat niyo, saka ngumiti, “BANG!”

Pero sa pagkakataong ito, hindi na hinim@tay si Edgar. Naging maganda ang pagsasama ng dalawa at naging maganda rin ang pakikitungo sa kaniya ng pamilya ng babae. Kahit na nakakatakot ang mga ito, mababait rin naman pala.

Advertisement

Ngayon at may tatlong anak na ang mag-asawa at laging laman ng tawanan ang nakakatawang pangyayaring iyon sa kanila tuwing may reunion ang buong pamilya.