Talamak na tomador sa kanilang lugar si Jhony. Sa katunayan ay walang araw na hindi ito nakikitang lasing ng kaniyang mga kapitahay at kabarangay. Bukod doon ay madalas na rin siyang maireklamo dahil sa pagiging mahilig niya sa pambobo*so at pambabastos ng mga babae sa kanilang lugar. Bali-balita rin kasi roon na si Jhony raw ay isang ad*ik.
Isang hapon ay bumibili si Maria sa tindahan ng mga karne, nang masulyapan siya ni Jhony na noon ay nag-iinom na naman.
Si Maria ay bagong salta lamang sa lugar na iyon. Dahil probinsyana ay may pagkakonserbatibo kung manamit ang tahimik na dalaga, ngunit magkaganoon man ay hindi pa rin ito nakaligtas sa matatalas na mata ni Jhony. Halos hubaran na ito ng lalaki sa mga tingin pa lamang at halata ang masidhing pagnan@sa nito para sa dalaga.
“Hoy, Jhony, balot na balot na nga kung manamit ’yang si Maria ay nagagawa mo pang pagnasaan,” iiling-iling na sita ni Ambet na isa sa mga kainuman noon ni Jhony.
“Ang kinis kasi ng mukha ni Maria, pare. Tingnan mo’t kahit walang kolorete sa mukha’y napakaganda pa rin niya,” puno ng paghangang sagot naman ni Jhony kay Ambet habang noon ay nilalagok niya ang kaniyang tagay.
Lingid sa kaalaman ng mga kainuman ni Jhony ay kakaiba na ang tumatakbo sa isip ng lalaki. Binabalak na pala niya na mamayang gabi ay aakyatin niya ang bubungan ng bahay na tinitirhan ni Maria at doon ay sisilipan niya ang dalaga!
Sabik na sabik si Jhony nang kumagat na ang dilim nang gabing iyon. Hulas na ang tama ng alak sa kaniyang katawan ngunit hindi pa rin nawawala ang kalokohang kaniyang naiisip.
Matiyagang naghintay ang mahilig na si Jhony, hanggang sa makita niyang nangaunti na ang mga taong lumalabas sa kalye dahil karamihan ay mga tulog na.
Doon ay inumpisahan niya na ang kaniyang plano…
Inakyat ni Jhony ang bubungan ng bahay ni Maria. Walang kahirap-hirap niya namang narating agad ang tuktok dahil sanay na siya sa ganoong gawain. Agad na naghanap ang mambobos*ong lalaki ng butas na maaari niyang pagsilipan at madali naman siyang nakakita.
Ngingisi-ngisi pa si Jhony nang ang mismong matapatan ng butas ay ang kwarto ni Maria. Sabik na sabik pa siya nang makitang nang mga sandaling iyon ay nakasuot lamang ng manipis na damit ang dalaga habang natutulog at bahagya pa iyong nakalilis kaya’t nakabuyangyang sa kaniyang harapan ang maganda nitong katawan.
Nasa ganoong akto si Jhony nang may maramdaman siyang mga kalabit sa kaniyang balikat…
Napaisip siya. Sino naman ang mangangalabit sa kaniya, gayong nasa itaas siya ng bubong nina Maria?!
Nang lingunin ni Jhony ang kumakalabit sa kaniya ay ganoon na lamang ang takot niya nang makita ang isang nakatatakot na nilalang na galit na nakatingin sa kaniya!
Isang higante! Isang malaking nilalang na nababalot ng maiitim na balahibo ang nasa kaniyang harapan! Nanlilisik ang mga mata nito at nakapangingilabot ang garalgal na pag-angil nito sa kaniya!
Sa takot ay naihi si Jhony sa kaniya mismong salawal at dahil doon ay nadulas siya sa bubungan at nahulog hanggang sa lumagapak siya sa lupa. Nabalian ng buto si Jhony sa likuran!
Ngunit hindi pa roon nagtapos ang kaniyang kalbaryo dahil nag-umpisang maglakad muling papalapit sa kaniya ang nakakatakot na nilalang at siya’y hinabol!
Laking pagsisisi ni Jhony sa kaniyang kahangalan.
Takot na takot si Jhony habang gumagapang palayo sa bahay ni Maria dahil hinahabol siya ng kapre! Makailang ulit na siyang napaihi sa kaniyang salawal dahil sa sobrang takot hanggang sa may makita siyang mga tambay na kabataan sa kanto at doon ay nakakuh siya ng pagkakataong magsisigaw!
“Tulong! Tulong!” Nagsisigaw si Jhony na agad namang narinig ng mga tambay na kabataan.
“Ano hong nangyari sa inyo, Mang Jhony?” tanong ng mga ito nang siya’y kanilang maabutan.
“Tulungan n’yo ako, hinahabol ako ng kapre!” sumbong pa ni Jhony sa mga ito ngunit imbes na paniwalaan ay pinagtawanan lamang siya ng mga ito at hindi tinulungan. Mabuti na lamang at may tanod na nakakita sa kaniya at tinanong siya kung bakit hindi siya makalakad.
Isiniwalat ni Jhony ang lahat ngunit muli ay walang naniwala sa kaniya. Bukod pa roon, ikinulong pa siya ng mga pulis dahil sa kaniyang pambobos*o.
Nang kumalat ang balita tungkol sa kapre na manliligaw daw umano ni Maria ay agad itong pinabulaanan ng dalaga. Sinabi niya sa mga kabaranggay na bunga lamang iyon ng halusinasyon ni Jhony dahil sa paggamit nito ng bawal na gamot.
Hindi nila alam, si Maria pala ay mula sa pamilya ng mga albularyo sa kanilang probinsya at kaibigan nito ang kapreng humabol sa mabobos*ong si Jhony!