Inday TrendingInday Trending
Bobo Kung Tawagin ng Ama at Palaging Kinukumpara sa Matalinong Ate Niya, Sinong Makapagsasabing Babaliktad ang Mundo Nila

Bobo Kung Tawagin ng Ama at Palaging Kinukumpara sa Matalinong Ate Niya, Sinong Makapagsasabing Babaliktad ang Mundo Nila

“Napaka-walang kwenta mo naman! Iuuwi mong grades puro palakol!” galit na galit na sigaw ng tatay ni Teresita nang ibigay niya dito ang class card niya, “Hindi ka gumaya sa ate mo!” Wala na ang nanay nila kaya naman todo-displina talaga ang ginagawa ni Mang Tengteng sa kanyang dalawang anak. “Sorry po ‘Tay.” “Puro ka sorry lintik ka! Hindi ka mag-aral mabuti!” halos murahin na siya nito sa galit. Umakyat na lamang siya sa kwarto niya. Doon ay nagbasa siya nang nagbasa pero napaiyak na lamang siya nang walang natandaan sa mga binasa, “Bakit ba ang hirap maging bobo?! Walang pumapasok sa utak ko!” “Kasi nga wala kang utak,” narinig niya na naman ang mapang-uyam na tinig ng ate Tina niya. Naisip niya ang kanyang ate na napakatalino at ang tataas ng grade sa school. Lagi siyang naiinggit dito dahil ito ang paborito ng tatay nila. Ito ang laging may bagong damit, samantalang siya ay puro pinaglumaang gamit ng ate niya ang laging napupunta sa kanya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi siya nagpatalo sa lungkot. Mas pinag-igihan niya pa ang pag-aaral. Kahit puro palakol ang nakukuhang marka, ay sinikap niya pa ring makapagtapos ng pag-aaral. Isang trahedya sa buhay nila ang nakapagpamulat ng mga mata ng kanilang ama. Nabuntis ang ate niya habang nag-aaral sa kolehiyo. Ito ang naging dahilan kung bakit inatake ang tatay nila dahil sa sobrang sama ng loob. Sa kabila nang nalamang balita ay hindi pa rin umuwi sa kanila ang ate niya at nagpatuloy makisama sa lalaking nakabuntis dito. Kaya naman napilitan siyang tumigil muna sa pag-aaral upang alagaan ang tatay niya. Humanap rin siya ng part time job upang matustusan ang gamutan nito. “Patawad, anak…” palagi na ngayong sinasabi ni Mang Nestor kay Teresita. Hindi niya akalaing ang minamaliit at minumura-mura niya lang noon ay siya pang mag-aalaga sa kanya noon. Nang gumaling si Mang Tengteng ay nagpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo si Teresita. Kasabay niyon ay nagtatrabaho rin siya upang matustusan ang tuition fee niya. Umaasa na lamang sa pensyon ang ama niya. At hindi pa rin umuwi sa kanila ang ate niya. Ilang taon ang lumipas ay nakapagtapos rin siya ng pag-aaral. Naiahon niya kahit papaano sa kahirapan ang ama. Maganda na ngayon ang posisyon niya sa pinagtatrabahuhang kompanya. Sa tulong ng lakas ng loob at diskarte sa buhay ay isa na siyang Product Manager. “Tere, tulungan mo ako uuwi na ako sa atin,” nagulat siya nang puntahan siya ng ate sa trabaho. “Nagkamali ako. Hindi dapat ako nagpariwara sa buhay. Matalino nga ako sa eskwela, pero naging bobo naman ako sa pagmamahal.” Niyakap niya ang kapatid, “Ikaw lang naman ang hinihintay namin, ate.” Sa magkakapatid ay mayroon talagang nakakalamang sa isang bagay. Ngunit bilang magulang, kailangan nating alamin kung saan ba talaga magaling ang mga anak natin. Maaaring hindi magaling sa eskwelahan si Teresita pero napakabuti ng kanyang puso, may prinsipyo siya at may pagpupursige. Kung kaya kahit hindi siya nangunguna sa klase ay nagawa niyang maging matagumpay nang makapagtapos ng kolehiyo. Siya rin ang nanatili sa piling ng kanilang ama. Iwasan nating ikumpara ang mga anak natin sa isa’t isa. Dahil baka ang idinidiin pa natin pababa ang siyang tunay na nagmamahal sa atin… at kailanman ay hindi tayo magagawang iwan. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement