Inday TrendingInday Trending
Nagtataka ang Nanay Kung Bakit sa Tuwing Kumikidlat ay Ngumingiti ang Anak, Hindi Siya Makapaniwala sa Ikinwento Nitong Dahilan

Nagtataka ang Nanay Kung Bakit sa Tuwing Kumikidlat ay Ngumingiti ang Anak, Hindi Siya Makapaniwala sa Ikinwento Nitong Dahilan

Nagmamadaling binitbit ni Stella ang payong at kapote ni Stacy, ang 6 taong gulang na anak. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili, late na kasi siyang nagising para sunduin ang anak sa eskwela. Umuulan pa naman, baka natatakot na ang bata. Hindi pa naman ganoon ka-huli pero sanay kasi ang bata na 30 minutes bago ito lumabas sa classroom ay natatanaw na syang naghihintay sa gate ng eskwela.

Diyos ko po, ingatan mo si Stacy. Wag sana syang matatakot.

Habang sakay ng tricycle si Stella ay lumalakas ang kidlat, nasalubong niya na rin ang ilang mga estudyante sa eskwelahang pinapasukan ng anak, ibig sabihin ay uwian na. Lalo siyang ninerbyos.

Alam niya namang hihintayin lang siya ng bata at hindi ito aalis doon o sasama sa ibang tao. Paulit ulit kasi niyang bilin dito na wag makikipag usap sa hindi kilala at walang ibang sasamahan pauwi kung hindi siya.

Hindi na niya hinintay na tumapat ang tricycle sa gate ng eskwelahan dahil traffic doon, medyo malayo pa lang ay bumaba na siya at tinakbo na lang ang pupuntahan.

Kahit nababasa ng ulan ay di na nya alintana, basta mapuntahan lang ang anak. Natanaw niya itong mag isang naghihintay sa waiting shed. Nakangiti ang bata kapag kumikidlat, tapos muling tutungo.

“Stace! Sorry late si Mommy, sorry anak di na mauulit, oh my God.” sabi niya na di napigilang yakapin ito, ito kasi ang unang beses na nahuli siya sa pagsundo.

Kumidlat na naman ng malakas, muling ngumiti ang bata.

“Okay lang po Mommy, big girl na ako hindi na ako takot sa rain.” sabi nito. Muling kumidlat ng malakas.

“Isa pa po?” sabi ng bata at di maintindihan ni Stella kung sino ang kausap, pero ngumiti ulit ito.

“Anak, ano bang nangyayari? Bakit nag- smile ka pag kumikidlat?” tanong niya rito habang hinihimas ang noo nito.

“Kanina po kasi may mabait na lalaki, mahaba ang buhok. Jesus daw po ang name, kapangalan ni Papa Jesus,” sabi nito.

Kinakabahan si Stella. “Diba sabi ko sayo wag kang makikipag usap sa hindi mo kilala?”

“Hindi ko naman po siya kinausap, sabi niya lang sakin huwag daw akong matakot kasi pinipicturan lang ako ng Diyos kapag kumikidlat, camera daw po yon sa langit. Tapos nawala na siya.”

Napahawak sa dibdib si Stella, kung himala man ang nangyari, o kung sino man ang lalaking iyon ay tinanggal nito ang takot sa kanyang anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement