Inday TrendingInday Trending
Pagkahabag ang Naramdaman ng Karamihan sa Lalaking Sinaktan ng Barumbadong Lalaki; Isang Leksyon ang Maiiwan

Pagkahabag ang Naramdaman ng Karamihan sa Lalaking Sinaktan ng Barumbadong Lalaki; Isang Leksyon ang Maiiwan

Naglalakad si Vina ng makita niya nag-umpukan ng mga taong tila may sabong na tinitingnan.

“Anong meron?” Takang taning ni Vina sa mga takng nakikiusyoso.

“Binubugb*g at sinisipa ni Simon si Michael, nakakaawa naman,” sagot ng isang lalaking, sa kaniyang sapantaha ay isang traysikel driber.

“Oo nga. Lamang ang nasa ibabaw kasi malaki katawan niya. Tsk! Ang yabang!” Inis na wika ng isang babae na gaya niya’y nakiki-chismis lang rin.

“Naku! Tama lang naman iyan kay Michael, abusado kasi,” singit naman ng isang ale na sa kaniyang tingin ay vendor sa naturang lugar.

Nang dumating ang mga Pulis ay tila langaw na nagkahiwa-hiwalay ang mga tao sa gulo. Parehong dinampot ng mga pulis sina Simon at Michael.

Paghabag ang naramdaman ni Vina ng makitang tila may kapansanan si Michael, dahil hindi ito nakakalakad ng maayos o baka dahil iyon sa natamong bugb*g.

Nilapitan ni Vina ang babaeng nagsalita kanina ng masama tungkol kay Michael.

“Manang, pwede po ba akong magtanong?”

“Ano iyon ineng?”

“Kaano-ano niyo iyong nabugb*g?”

“Ah, si Michael? Wala naman. Pero laging nandirito ang dalawang lalaking iyon. Kargador kasi ‘yon dito, amo niya’y chinese. Gano’n rin si Simon, pareho iyan silang mga kargador. Pero magkaiba ang ugali,” anito na mas lalong nagpataas sa kaniyang kuryusidad.

Mali pala ang kaniyang akala na may kapansanan si Michael.

“Kung gaano kabait itong si Simon, gano’n naman kasalbahe iyang si Michael. Puro kabastusan at kayabangan ang nasa katawan. Halos lahat ng nakakakilala d’yan ay naiinis sa kaniya,” wika ng babae.

“Gano’n po ba?”

“Oo. Siyempre ‘yong mga nakakakita’y akala nila si Michael ang agrabyado, kasi mukhang barumbado nga namang tignan si Simon, malaki ang katawan ng batang iyon e. Hindi gaya ni Michael, na medyo patpatin.

Kung titingnan nga naman ay walang kalaban-laban si Michael, kay Simon. Kaso kaming mga nakakakilala sa ugali niyang si Michael, ay ikinatuwa namin ang nangyari. Para mahimasmasan ang kayabangan, ayan nakahanap ng katapat!” Halata ang inis sa mukha ng ale habang nagku-kwento.

“Paano po iyan, mukhang malubha ang nangyari kay Michael,” nag-aalala pa ring wika ni Vina.

Hindi niya masisisi ang ale kung bakit tila wala man lang itong ka-amor-amor kay Michael, kung babasehan naman ang sinasabi nito’y baka nga karapat-dapat sa lalaki ang mabugb*g.

“Naku! Hindi lang si Simon ang bumugbog d’yan jay Michael. Maraming beses ng nangyari sa kaniya ang ganiyan. Lagi naman siyang pinapagamot ng amo niyang intsik!

Mayabang nga kasi at bastos magsalita, akala mo hindi kargador. Hindi marunong magpakumbaba. Kargador pa nga lang siya ah, ganiyan na ugali niya. Paano na lang kung naging may-ari o naging amo iyan. Nako! Ayoko na lamang magsalita.” Muling wika ng ale.

Wala sa loob na napalingon si Vina sa pwesto kung saan nagsuntukan sina Simon at Michael.

“Alam mo ineng naiintindihan ko na naaawa ka sa nangyari kay Michael. Kahit sino naman ay makakaramdam ng awa sa taong tila inapi kagaya na lamang kanina kay Michael.

Pero minsan kasi ineng ang awa ng tao ay nagkakamali, kung ayon lamang sa nakikita mo ang pagbabasehan. Kagaya ni Simon at Michael. Kung titingnan ang suntukang nangyari kanina, mas nakakaawa nga naman talaga ang sitwasyon ni Michael.

Bugb*g sarado siya ni Simon na tila isang barumbado at siya’y walang kalaban-laban sa ilalim nito, duguan at nahihirapan. Pero kung pakikinggan mo ang bawat kwento at titignan ang puno’t dulo ay maiisip mo ring tama lamang na nangyari iyon sa kaniya. Masama man ang mag-isip ng gano’n sa kapwa,” mahabang paliwanag ng ale.

Sabagay may punto ang ale. Minsan mas pinapaniwalaan natin ang bagay na nakikita natin at mga bagay na naririnig. Nakakalimutan natin minsan na may dalawang tainga ang bawat tao at may dalawang istorya ang bawat kwento.

Sa isang rambulan, o suntukan mas nakakaawang tingnan palagi ang sa tingin natin ay siyang na agrabyado. Pero kung titingnan mo ng mas malalim ang sitwasyon, gaya sa nangyaring suntukan nila Michael at Simon, malalaman mo kung sino nga ba talaga ang totoong inagrabyado.

Kaya laging may kasabihan na bago maniwala, alamin munang maigi ang totoong kwento.

“Salamat po ale ah. Naki-chismis lang talaga ako. Ngunit bukod sa pakikipag-chismis ay may malalim akong natutunan sa kwento niyo tungkol kay Simon at Michael,” ani Vina.

“Walang anuman hija. Sana maging aral sa’yo na may dalawang tainga ang bawat kwento,” bilin ng ale at tuluyan na ngang nagpaalam si Vina.

Advertisement