Inday TrendingInday Trending
Tinalikuran Siya ng Lahat Dahil sa Eskandalong Kaniyang Nagawa; Ngunit May Isang Taong Naniwala at Nanatili sa Kaniyang Tabi

Tinalikuran Siya ng Lahat Dahil sa Eskandalong Kaniyang Nagawa; Ngunit May Isang Taong Naniwala at Nanatili sa Kaniyang Tabi

“Hoy! Mareng Zendy, totoo ba iyong balita na nambub*gbog itong si Fernan ng asawa? Pagkagising ko pa lang kanina ay iyon na ang balitang bumungad sa’kin,” wika ni Aleng Rose.

“Hindi ko rin alam mare, pero ayon sa balita ay pina-barangay nga raw ni Mareng Rose itong asawa niyang si Fernan, kasi binubugb*g raw siya nito. May mga pasa pa ngang ipinakita si Rose sa Barangay kaya naniwala ang mga opisyales sa reklamo niya,” sagot ni Aleng Zendy.

“Naku! Akala ko pa naman ay mabait iyang si Fernan. Hindi halata ah, nambubugb*g pala ng asawa,” dismayadong wika ni Aleng Rose.

Iyon ang mga bulong-bulungang naririnig ngayon ni Fernan at Leo, naglalakad sila palabas ng Barangay upang pumunta sa mismong tanggapan at harapin ang asawa nitong si Terisa na nagrereklamo.

Lahat halos ng tao ay galit sa ginawa ni Fernan na pambubugb*g sa nakakaawang asawa nito. Mga kamag-anak ni Rose at mga kamag-anak niya’y galit sa kaniya, maliban kay Leo, ang matalik niyang kaibigan.

“Pasok sa kaliwang tainga, labas sa kanan. Iyan ang gawin mo Fernan,” ani Leo. “Mas kilala mo ang sarili mo at alam mong wala kang ginagawang masama,” dugtong pa nito.

Pinapagaan ni Leo ang bigat na nararamdaman niya. Maliban sa kaniya’y alam ni Leo ang buong katotohanan sa nangyaring alitan nila ni Terisa, at alam rin ni Leo na hindi niya kayang saktan ang asawa.

Pagkarating sa Barangay ay agad na nagsalita si Terisa, habang dinuduro-duro si Fernan at galit na galit.

“Ipapalulong kita, Fernan! Walang hiya ka ang kapal ng mukha mo!”

“Kumalma ka na Terisa, narito na kayong dalawa sa Barangay. Pati mga kamag-anak ni Fernan ay nasa tabi mo na kaya manahimik ka muna at hayaan sina Chairman na pag-ayusin kayo,” tila isang abogadong pakiusap ni Leo kay Terisa.

“Hinding-hindi na ako makikipag-ayos sa kaibigan mong iyan!” Galit na singhal ni Terisa. “Bigyan niya ako ng tamang danyos sa ginawa niya at mananahimik na ako!”

Agad namang tumaas ang kilay ni Leo dahil sa sinabi ni Terisa. “Kahit kailan talaga ay pera lang ang habol mo,” mahinahon ngunit mariing wika ni Leo.

“Anong sinabi mo!”

“Tama na iyan. Paano tayo magsisimula kung puro bunganga niyo lang ang naririnig namin dito?” Awat ni Chairman Steven sa kanila. “Narinig na namin ang side ni Terisa, ngayon naman Fernan ay nais naming marinig ang side mo.”

“Ang totoo po niyang Chairman ay hindi ko po talaga alam kong bakit nagkapasa siya ng ganiyan—”

“Hindi alam!? Siyempre magde-deny ka ngayon kasi narito tayo sa Barangay. Ano Fernan nakalimutan mo na bang binugb*g mo ako!” Singit ni Terisa.

“Alam mong hindi kita kayang saktan, Terisa. Kahit pa nga napupuno na ako sa’yo’y hindi kita magawang kurutin, tapos bubugb*gin pa kaya?”

“Sinungaling! Huwag kang maniniwala d’yan, Chairman!”

“Terisa, akala ko ba tapos na nilang marinig ang rason mo. Baka sa ngayon ay pwede mo namang pagbigyan si Fernan na makapagsalita at maipaliwanag ang side niya.

Kung ayaw mo namang mmanahimik ay baka mas mapapadali ang usapang ito kapag ipinakita ko na ang katotohanan,” nagbabantang wika ni Leo.

“Anong katotohanan ba iyon?” Tanong ng kapitan.

“Ito po,” abot ni Leo sa selpon na may naka-play na video. “Ang totoo po ay kakahingi ko lang ng CCTV Video na iyan sa building kung saan kami nagtatrabaho ni Fernan.

Isang gabi po ay pumunta po iyan si Terisa sa pinagtatrabahuan namin, nanggugulo po siya kaya pilit siyang pinapalabas ng mga gwardya. Nanghihingi ng pera kay Fernan at gusto nang makipaghiwalay.

Nang walang maibigay si Fernan ay kusa niyang sinasaktan ang sarili. Kinukurot-kurot niya ang sarili niya at binabangga-bangga sa pader ang katawan upang magkapasa.

Alam ko pong mahihirapan kayong paniwalaan ang sasabihin ko kung wala akong dalang ebidensya, kaya ayan na po ang buong katotohanan. Kinakausap lang siya ni Fernan, siya po mismo ang gumawa ng mga pasang iyan,” mahabang paliwanag ni Leo.

“Ano ba naman ‘yan. Matatawag pa lang walang kwentang kaso ang isinampa mo, Terisa. Ikaw pa itong malakas ang loob namagalit, tapos kasalanan mo rin naman pala ang lahat,” dismayadong wika ni Kapitan Steven.

Agad na bumaligtad ang kasong isinampa ni Terisa laban sa matibay na ebidensyang dala ni Leo. Napawalang bisa ang kaso at nalinis ang pangalan ni Fernan.

“P’re salamat ah,” wika ni Fernan.

“Walang anuman iyon p’re. Isipin mo kung totoong may kasalanan ka’y hinding-hindi kita kakampihan. Pangangaralan at pagagalitan pa kita. Kaso kahit saang anggulo ko man tignan, wala ka talagang kasalanan e. Kaya tama lang din iyong ginawa ko,” ani Leo.

Tuluyan na ngang nakipaghiwalay si Fernan kay Terisa. Ilang panghihiya na ang ginawa nito sa kaniya, ngunit tinitiis lang niya. Ngayon ay hindi na talaga niya kayang tanggapin.

Isang kayamanang maituturing ang pagkakaroon ng kaibigang totoo at hindi ka basta-basta iniiwan.

Advertisement