Nagdalantao ang Dalagang Ito Isang Buwan Bago ang Sasalihang Patimpalak, ang Anak niya ang Tumupad sa Kaniyang Pangarap

Nagdalantao ang Dalagang Ito Isang Buwan Bago ang Sasalihang Patimpalak, ang Anak niya ang Tumupad sa Kaniyang Pangarap

HeartbreakingStoriesSuccess

“Sis, totoo ba ‘yong nabalitaan kong nagdadalang tao ka? Sabihin mong hindi, Diyos ko, magwawala talaga ako!” galit na sambit ni San sa kaibigang nakilala dahil sa pambansang tagisan ng ganda at talino, isang araw nang marinig niya ang balita dahilan upang agad niya itong tawagan. 

“Pasensiya ka na, San, totoo, eh. Tatlong buwang buntis na pala ako, noong kahapon ko lang nalaman nang ibigay sa akin ang resulta ng medical ko,” malungkot na sagot ni Sabrina saka bahagyang hinimas ang kaniyang tiyan. 

“Diyos ko naman, sis! Akala ko ba pag-aagawan natin ang korona, ha? Hindi ba’t magtatagisan pa tayo ng ganda at talino sa mismong patimpalak sa susunod na buwan?” tugon nito na lalo niya pang ikinalungkot at ikinapanghinayang. 

“Wala, eh, hindi ko rin naman ginusto na mataon sa pagsali ko sa patimpalak na pinapangarap ko ang pagdadalang tao ko,” wika niya dahilan upang marinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan sa kabilang linya. 

“Sinong ama niyan?” biglang tanong nito dahilan upang siya’y mapaluha. 

“Hindi ko rin alam, alam mo namang wala akong nobyo, eh, pero tanda kong may nangyari sa amin ng kaibigan ko tatlong buwan na ang nakalilipas, nakainom kami no’n, eh,” hikbi niya saka pinunasan ang luhang umaagos, “Ipangako mo sa akin na ikaw ang mag-uuwi ng korona, ha? Wala na ako roon bilang kalaban mo, tiyak kayang-kaya mo na ‘yon sila!” pagbibigay niya ng lakas ng loob sa kaibigan habang siya’y hinayang na hinayang sa oportunidad na nasayang. 

Pambato ng kanilang probinsya ang dalagang si Sabrina sa pambansang patimpalak ng kagandahan. Marami siyang pinagdaan upang makamit lamang ang titolong ito. Kung saan-saan siya humingi ng tulong kasama ang kaniyang ina upang makabili lamang ng mga susuotin niyang damit, make-up at iba pa niyang kailangan. Nagsunog din siya ng kilay para lamang magamay at mahasa ang kaniyang utak at bibig sa pagsagot ng mga tanong.

Halos sandamakmak din na pawis at luha ang ipinuhunan niya rito upang maabot ang oportunidad na maging kandidata sa naturang patimpalak. Sa kabutihang palad, dahil sa natatangi niyang ganda, talino at deteminasyon, matagumpay niyang irerepresenta ang kanilang probinsya para sa naturang pambansang patimpalak. 

Labis siyang nasabik sa patimpalak na ito dahilan upang kahit malayo pa ang petsa ng tagisan, agad na siyang muling nagsanay at nakipag-ugnayan sa kanilang munisipyo upang humingi ng tulong dahilan upang kahit dalawang buwan pa ang lilipas bago siya magpunta sa Maynila para sa naturang patimpalak, nakumpleto na niya ang lahat ng kailangan niya at naihanda na niya ang kaniyang sarili. 

Ngunit, ngayong buwan, nang siya’y magpamedical bago lumuwas ng Maynila, napag-alamanan niyang siya’y nagdadalang tao na labis niyang ikinagulat. Tila gumuho ang mundo niya noong mga oras na iyon dahil bukod sa sigurado siyang hindi na siya makakasali sa patimpalak, agad na umingay ang balitang iyon sa kanilang lalawigan dahilan upang makatanggap siya ng masasakit na panghuhusga. 

Sumagi man sa isip niyang tapusin na ang kaniyang buhay dahil sa kahihiyan at panghihinayang sa oportunidad na naghihintay sa kaniya, kinumbinsi siya ng kaniyang ina na magpatuloy sa buhay. 

“Ang tunay na reyna, hindi sumusuko,” laging paalala nito sa kaniya dahilan upang siya’y magpatuloy sa buhay. 

Ilang buwan pa ang lumipas, kasabay ng pagputok ng balitang ang kaibigan niyang si San ang nag-uwi ng korona, siya’y nagsilang na ng isang magandang sanggol. 

Buong puso niya itong inalagaan at minahal kahit pa mag-isa niya itong binubuhay. Lumipas ang mga taon at habang ito’y nag-aaral, tinuruan niya itong rumampa at sumagot sa mga tanong dahilan upang kapag may patimpalak sa paaralang pinapasukan nito, palagi niya itong sinasali at ganoon na lang ang tuwa niya dahil palagi rin itong nag-uuwi ng korona at parangal. 

At dahil nga sa mga napagdaanang patimpalak ng kaniyang anak habang ito’y nag-aaral mula elementarya hanggang sa kolehiyo, matagumpay nitong nasungkit ang titolo bilang pangbato ng kanilang lalawigan na labis niyang ikinatuwa. Ika niya, “Anak, mukhang ikaw ang mag-uuwi ng koronang pinapangarap ko noon,” at hindi nga siya nagkamali dahil ito ang tinaguriang pambato ng Pilipinas sa pandaigdigang patimpalak na gaganapin sa ibang bansa. 

Nang pumutok ang balitang iyon, napaluhod at napaluha na lang siya sa sobrang saya. Ika pa ng kaniyang anak matapos masungkit ang korona, “Mama, ako man ang naging dahilan upang maudlot ang pangarap mo, ako naman ang tutupad at magwawagayway ng bandila nating mga Pilipino sa ibang bansa.” 

More Stories