Inday TrendingInday Trending
Dalawa ang Tahanang Inuuwian ng Lalaking ito; Hindi Niya Akalaing Mabubuking Siya dahil Lang sa Isang Litrato

Dalawa ang Tahanang Inuuwian ng Lalaking ito; Hindi Niya Akalaing Mabubuking Siya dahil Lang sa Isang Litrato

Makikita sa mga mata ni Shiela na labis ang sayang kaniyang nadarama kapag pinagmamasdan niya ang kaniyang asawang si Anton at ang kaniyang mga anak na sina Lance at Mary na naglalaro sa isang parke kahit pa limang taon na silang nagsasama ni Anton bilang mag-asawa.

“Hon, tigilan n’yo muna ’yang paglalaro. Kumain na muna kayo,” pagtawag ni Shiela sa kaniyang mag-aama.

“Saglit lang, hon,” tugon naman ni Anton.

Matagal-tagal na rin noong huling nakapag-bonding ang pamilya ni Shiela sapagkat minsan lang umuwi si Anton dahil sa trabaho nito. Sa susunod na buwan ay aalis na ulit ito kaya sinusulit na nila ang mga araw na natitira bago ito ang muling pagsampa nito sa barko.

Isang linggo ang nakalipas ay naging normal naman ang pamumuhay ng kanilang pamilya… ngunit nagbago ang lahat nang makita ni Sheila ang cellphone ni Anton. Dahil sa kuriyosidad, tiningnan niya ang cellphone ng kaniyang asawa at may nakita siyang mensahe roon.

“Kailan ka ba uuwi? Hinahanap ka na ng anak mo.”

Nagtaka si Shiela sa kaniyang nabasa sapagkat nakapangalan sa lalaki ang numero. Binalewala na lamang ni Shiela ang nabasang text at nagbabakasakaling baka nagkamali lang ang nagpadala n’on.

“Mag-iingat ka lagi, hon,” sabi ni Shiela sa asawa.

“Bantayan mo lagi ang mga bata at huwag mo silang pababayaan, ha?” sagot naman ni Anton.

Kahit na nakaalis na si Anton ay hindi parin mawala sa isip ni Shiela ang nabasang text. Habang naghahanda ng almusal ni Lance at Mary ay nakatanggap ng chat na may kasamang litrato si Shiela mula sa kaibigan niyang nasa Laguna.

Kitang-kita si Anton sa litratong iyon na hawak-hawak ang kamay ng bata sa kanan at kamay naman ng isang babae sa kaliwa habang masaya silang naglalakad sa isang parke.

“Nakita ko kanina si Anton na may kasamang ibang babae at bata. Alam mo ba ’to?”

Nanginig ang kamay ni Shiela dahill sa nakita. Hindi niya akalain na magagawa iyon sa kaniya ng kaniyang asawa. Dahil doon ay iniwan ni Shiela ang kaniyang mga anak sa lola nito at lumuwas papuntang Laguna.

Gustong mapatunayan ni Shiela kung totoo ngang nasa Laguna ang kaniyang asawa at may kinakasamng babae. Tinulungan siya ng kaibigang si Cheska para malaman kung saan naninirahan ang asawa. Mahigit tatlong araw din ang nakalipas nang may isang taong nakapagbigay ng address kung saan ito nakatira at agad nila itong pinuntahan.

“Tao po!” Sabay katok ni Shiela sa pintuan ng bahay.

“Sino ’yan?” tugon naman ng taong nagbukas ng pinto.

“Dito ba nakatira si Anton?” tanong ni Shiela rito.

“Oo, ano’ng kailangan n’yo sa asawa ko?” patanong di namang tugon ng babae

Halos mapuno sa galit si Shiela dahil sa sinabi ng babae. Hindi na siya nakapagpigil pa.

“Asawa mo?” Kumurba ang isang kilay niya. “Kasal ba kayo?” Mataas ang boses na sabi ni Shiela.

“Bakit, sino ka ba, ha?” Kumunot ang noo ng babae.

Bago pa man magkaroon ng pisikal na sakitan ay dumating na si Anton at sa dalawa.

“Tumigil nga kayo, pwede ba?” pagpapatigil ni Anton sa dalawang babae.

Huminahon ng pananalita si Sheila at binigyan ng malakas na sampal si Anton. Hindi niya kinakaya na makita ang mukha nito.

“Napakasinungaling mo! Hinding-hindi mo na makikita ulit ang mg anak mo!” Umalis na si Shiela at dumeretso na sa pauwi. Pagkadating ng bahay ay iniligpit niya ang gamit nilang mag-iina.

Umuwi sila ng probinsya upang doon ay makapag isip-isip siya sa mga bagay na dapat niyang gawin.

Pagkauwi ni Anton galing sa Laguna ay wala na siyang nadatnang tao sa kanilang tahanan. Kahit kaninong kakilala siya magtanong ay hindi alam kung saan nagpunta ang mag-iina niya. Halos mabaliw si Anton sa kaiisip kung nasaan na nga ang mga ito.

“Sagutin mo naman tawag ko, hon,” sabi ni Anton habang hawak-hawak ang kaniyang telepono.

Isang linggo ang nakalipas at naghintay pa rin si Anton sa kaniyang asawa at mga anak. Kita sa mga mata nito ang pagsisisi sa kaniyang ginawa.

Gabi nang makarinig si Anton ng taong pumapasok sa gate. Agad siyang bumaba upang tingnan kung sino ito. Napanatag at labis ang saya niya nang makita ang mga anak at ang kaniyang asawa.

Makikita ang saya ng mga bata dahil nakita nilang muli ang kanilang ama. Hindi nito alam ang tungkol sa nagawa ng kanilang ama. Isang malamig na pakikitungo naman ang natangap ni Anton mula sa asawang si Shiela.

“Hon, sorry sa lahat ng nagawa ko.” pagsusumamo ni Anton kay Shiela.

“Pinapatawad na kita. Pero huwag mo sana akong madaliin, Anton. Hindi madaling makalimot sa sakit na ibinigay mo sa akin,” sagot naman ni Shiela na nakapagpayuko na lang sa kaniya.

Alam ni Anton na aabutin ng mahabang panahon bago siya tuluyang mapatawad ng asawa. Ipinangako niya naman dito na gagawin niya ang lahat bumalik lang sa dati ang kanilang pagsasama.

Tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa kaniyang babae, lalo pa at hindi naman talaga siya ang ama ng anak nito. Ngayon ay babawi na lang siya sa kaniyang pamilya, dahil natatakot siyang mawala ulit ang mga ito sa kaniya.

Advertisement