Dumalo ang Nanay sa Graduation ng Anak at Di Niya Inaasahan ang Sasabihin ng Dalagita sa Entablado
Sobrang excited ni Hanna dahil ngayon ay ang araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Graduate na siya sa kursong Information Technology matapos ang apat na taon. Mag-isa lamang siyang binubuhay ng kanyang Mama Mely pero kinaya nito ang lahat, kaya naman sobrang laki ng utang na loob niya rito.
Kinusot ni Hanna ang kanyang mga mata dahil nasilaw siya sa sikat ng araw, sakto namang bumukas ang pintuang kahoy at iniluwa ang Mama Mely niya na puno pa ng curlers ang buhok.
“Asus sus sus ang anak ko na yan! Gising na ang prinsesa ng kahoy na palasyo na anak ng reyna, kukusot kusot pa sa mata dahil tadtad ng muta, bangon na bebe boy ko,” malambing na sabi ng kanyang Mama Mely. Kahit na kailan ay maingay talaga ito at masayahin, kaya napangiti na rin si Hanna.
“A-ano pong almusal ma?” medyo paos niya pang sabi.
“Ay naku bagung-bago, itlog at tuyo,” excited na sabi nito.
“Yun na rin po kahapon diba?”
“Ay yun na rin ba? Akala ko bago, luma na pala,” biro nito. Alam naman ni Hans na nagtitipid lamang ito dahil mahina ang kita ngayon, napakarami pang binayaran sa kanyang eskwelahan dahil nga graduation.
Bumangon na si Hanna at paglabas niya ng kwarto ay sinalubong siya ng mabangong amoy ng sinangag. Maayos iyong nakahain sa maliit nilang mesa para talaga sa kanya. Masaya siyang tinitigan ng kanyang Mama Mely.
“Kain na anak, baka maging manok yan,” biro ulit nito.
Napapailing na hinati niya ang itlog sa gitna maging ang sinangag at sinenyasan ito na sabay sila.
“Ay naku hindi! Busog ako. Kumain ako kanina, tsaka, diet ako ‘nak,” sabi nito. Pero kasunod naman noon ay ang pagkulo ng tyan nito.
“Halika na mama, hati na nga tayo. Tumututol yung tyan mo,” natatawang sabi niya. Walang nagawa ang kanyang Mama kundi umuwi at makikain, bagamat konti lang rin ang isinubo nito at nagparaya na sa kanya.
Ilang minuto pa ay minemake-upan na siya ng kanyang Mama Mely. Nakulot na rin nito ang buhok niya at suot na niya ang toga. Matapos siyang ayusan ay ito naman ang nagbihis, tapos ay pumara na sila ng tricycle, kabadong kabado sa kanyang graduation.
“Ma halika na, magmamartsa na eh,” yaya niya rito.
“Di na nak. Bakit naman yung iba mag isang nagmamartsa papunta sa stage? Hayaan mo na, audience impact nalang ako rito sa gilid,” sabi nito at iwinawagayway pa ang mga kamay. Nahihiyang magmartsa kasama nya.
“Si mama naman! Summa cum laude ako o, di ka ba proud? Tsaka ikaw ang nanay ko tapos di ka sasama,” bigla niya itong hinila, sakto naman na tumunog ang graduation March kaya wala na itong nagawa kundi maglakad na rin.
“Batang to talaga, sasabunutan kita pag uwi. Intrimitida ka,” kunwaring pagtataray nito pero ang totoo ay nangingilid ang luha. Ngayon lang kasi ito nakaranas ng ganito, hindi naman ito naka-graduate ng kolehiyo dahil kinailangang magparaya sa kapatid na nag aaral noon.
Matapos ang ilang minutong pagsasalita ng mga panauhin ay tinawag na si Hanna sa unahan upang ibigay ang kanyang speech, kadalasan ay pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang pag aaral.
“Magandang tanghali po sa inyong lahat, nais ko lang batiin ang lahat ng ga-graduate ngayon, congratulations sa atin! Kasama na roon ang mga teachers, lahat ng magulang na narito. Tagumpay po natin itong lahat.” paunang bati niya at nagpalakpakan ang mga tao, maging ang kanyang Mama Mely ay tumayo sa upuan dahil sobrang proud ito.
Ipinagpatuloy niya ang pagsasalita, “May iku-kwento po ako sa inyo. Ang mama ko po ay isang bakla.” napuno ng bulung-bulungan ang paligid, pero nagtuloy siyang muli, “Ang tunay kong ina, ay namatay sa panganganak sa akin. Ang tatay ko po ay di ko alam, tanging si Melencio na kuya ng nanay ko ang nagpalaki sa akin. Kung tutuusin ho, magaan sana ang buhay niya dahil walang dalahin. Pwede niya naman akong ipamigay na lamang o basta iwan, pero pinili niyang buhayin ako. Pinili niyang gumapang sa hirap mabigyan lang ako ng magandang kinabukasan.
Ang Mama Mely ko ay nagpapakahirap sa pag extra extra sa parlor, assistant sa mga beauty pageant, lahat na ho yata ng raket. Pero ni minsan ay di ako nakarinig na nahihirapan na siya. Tinitipid niya nga ang sarili para makakain lang ako ng masarap. Tinrato niya akong prinsesa, kahit magmukha pang basahan siya. Kaya ang medalya hong ito, ang tagumpay na ito ay hindi para sa akin, kundi kay Melencio. Kay Mama Mely ko. Inuulit ko ho, siya ay isang bakla. Pero hindi basta bakla, dahil siya ang nanay ko.”
Napuno ng palakpakan ang paligid at karamihan ay lumuluha. Hindi mapatid ang pag iyak ng kanyang mama Mely na sobrang proud. Nilapitan niya ito at niyakap, inalay rito ang kanyang medalya.
“Walangya kang bata ka, eksenadora ka,” umiiyak na sabi nito pero nakangiti rin naman.
Matapos ang isang linggo ay madaling nakahanap ng trabaho si Hanna. Dahil matalino naman siya ay agad na nakita iyon ng boss at matapos ang ilang buwan ay na-promote siya. Masayang masaya ang kanyang Mama Mely nang patayuan niya ito ng sariling parlor.
Sa tulong ng negosyo ng kanyang mama at ng trabaho ni Hanna ay nasimulan na nila ngayon ang pagpapagawa ng kanilang bahay.
Hinding hindi nagsisisi si Hanna sa buhay na mayroon siya, dahil alam niyang hindi magiging masaya ang kanyang paglaki, at hindi siya magiging kung ano siya ngayon kung hindi dahil sa kanyang mapagmahal na Mama Mely.